[Cloud's PointOfView]
"Oh pare? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong sakin ni Night.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Don't tell me... di ka nakatulog dahil-"
"Lul! Kung nananahimik ka nalang jan at gawin mo yang seatwork." putol ko sa kanya.
"E bakit ikaw? Hindi ka nagawa ng seatwork?"
Sarap sagutin ng 'Pake mo ba?' kaso wag na. Di nanaman kami matatapos sa pagtatalo nito.
Sinubukan kong ipikit yung mata ko. Gusto kong matulog dahil hindi talaga ako nakatulog kagabi. Kahit anong gawin ko. Tumambling na ko sa kama, nagpagulong-gulong, nilaylay yung ulo sa dulo ng kama, dinaganan ng unan ang mukha at kung ano-ano pa. Pero walang epekto, hindi pa rin ako makatulog.
Nararamdaman ko nang makakatulog na ko nang..
*poke*
Napadilat ako. Ang tapang niyang gisingin ako ha!
"Cloud, sabay tayo mamayang lunch a. Treat ko, dahil friends na tayo." tapos ngumiti siya. Pisting Lyxz to o, tutunawin ba ko nito?
"K" sabay balik sa pagkakasubsob ng mukha ko sa armchair.
'OMG girls, did you heard that? Friends na daw sila ni Cloud'
'Yeah! We heard that. Hindi kami bingi.'
'Ang kapal ha. Tayo nga di man lang makalapit kay Cloud e'
Pssshh. Ayan nanaman sila.
****
"Anong gusto mo Cloud?"
"Kahit ano nalang." tamad na tamad kong sabi.
"H-huh?"
"Ikaw daw gusto niya. HAHAHA." sabat naman nito ni Night.
"Fvck you Night. Sabi ko kahit ano!" nilaksan ko na nang marinig niya.
"HAHAHA. Ako Lyxz? Lilibre mo ba ako?" tanong ni Night.
Taena. Wala nang alam to kundi magpalibre e.
"Friends ba tayo?" HAHAHA. Boom Basag!
"Oo. Dati pa diba?"
"Wag ka ngang pauso Night." sabay irap niya.
"Damot." with matching pout pa ang mokong. Kadiri talaga. HAHAHA.
"Bumili ka ng sayo. Grabe Night, kelan ka matututong bumili gamit ang sarili mong pera?" binigyan ko siya ng pera para bumili ng sarili niyang pagkain. Kawawa naman e. HAHAHA.
"Hindi na. Bibili ako gamit ang sarili kong pera."
"Hoy baluga! Ang arte mo. Di ako sanay jan."
"Uy Night patulong. Binilhan na din kita ng sayo!" biglang sigaw ni Lyxz mula sa counter.
Malapit lang naman ang counter sa table namin kaya rinig kahit hindi ganoon kalakas yung sigaw niya.
Mabilis na tumayo naman tong si Night at kinuha ang tray ng pagkain.
Nasaan na yung bibili ng sarili niyang pagkain? HAHA.
"Wooow Lyxz. Yaman natin a. Pang-fiesta tong in-order mo." manghang-manghang sabi ni Night.
Sinimulan na naming kumain.
Nung matapos na.. kaagad kaming dumiretso papuntang room at pinagpatuloy ang afternoon class.
"Aaaahh.. Cloud, mamayang uwian.."
"Oh, anong meron mamaya?" tanong ko kay Lyxz
"Uuwi ka ba kaagad?"