Chapter Fifteen

30 0 0
                                    

Third Person's PointOfView]

*Tuesday*

Maagang pumasok si Lyxz sa araw na iyon dahil hindi siya nakatulog ng maige noong gabi ng Lunes. Makakatulog na sana siya ng tumunog ang kanyang alarm clock.

Pagdating na pagdating niya sa paaralan ay agad siyang dumiretso sa banyo at tinitigan ang sarili sa salamin.

"Ayan, mukha kang bangag!" pagsita niya sa kanyang sarili.

Kung titignan si Lyxz sa kanyang damit ay maayos naman ngunit ang kanyang mukha ang nagpagulo dito.

Kinuha niya ang kanyang make-up upang takpan ang kanyang eye-bags. Matapos niyang gawin ito ay agad siyang umakyat sa ikatlong palapag ng kanilang gusali at pumasok sa kanilang silid.

May mga estudyante na doon na nagkwe-kwentuhan ng kung ano-ano. Karamihan dito ay ang mga NERD kung tawagin.

Napadako ang tingin niya sa isang taong tumawag sa kanya galing sa labas ng kanilang silid at masama ang titig sa kanya.

"Anong problema mo?" tanong niya dito na may bahid ng pagka-irita.

"Sumunod ka sa akin" utos niya sa dalaga na ikinataas ng kilay nito.

Wala naman siyang nagawa at sumunod dito.

Narating nila ang hardin ng paaralan kung saan sila DATI nag-usap patungkol kay Cloud.

"Ano nanaman bang kailangan mo?" takang tanong niya dito.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo kahapon?" tanong nito habang ito'y nakatalikod at nakatingin lamang sa mga halaman.

"Kahapon? Hindi kita maintindihan." takang sabi ng dalaga.

"Sa Bar." simpleng sagot ng kanyang kausap.

"Pa-paanong--"

"Nandoon ako at kitang-kita ng dalawang mata ko ang nangyari sa inyo ni Cifer" pagputol niya rito.

Nanlaki ang mata ng dalaga sa mga narinig. Naisip niyang bakit ba ginagawang BIG DEAL ng kausap niya iyon. Nang ma-alala niya ang pagtingin nito sa kanya. Winaglit niya iyon sa kanyang isip at sumagot ng...

"Maski naman ako ay nagulat sa ginawa niya. I didn't even know that he would do that." pagpapaliwanag niya dito.

"Teka... are you jealous? Matagal ko nang sinabi sayo na kalimutan mo na-"

"Mali ka ng iniisip.. Malaking gulo ang ginawa mo" pagputol niya sa sinsabi ng dalaga.

"Alam mo hindi kita maintindihan e. Anong malaking gulo? E para sa akin ay wala lang iyon."

"Hindi ka ba natatakot na baka mahulog o baka NAHULOG na ang loob sayo ni Cifer?"

"Hindi mahuhulog sa akin si Cif-"

"E si Cloud?" tanong ulit nito.

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.

Nagkaroon ng kaunting kurba ang labi ng kanyang kausap ay dahil sa kanyang sagot .

Ang sagot ng dalaga ay 'HINDI, WALA'

"Mukhang NAIIPIT ka na" makahulugang pahayag ng kanyang kausap sa kanya bago ito umalis sa harapan niya.

[Lyxz's PointOfView]

Gulong-gulo pa din ako pagdating sa room. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga binitawan niyang salita.

"Bakit ba parang nagiging makata na iyong taong iyon?" tanong ko sa aking isipan.

Sakto namang napatingin ako at nakita ko si Night at Cloud papasok ng room.

No ! This Can't Be !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon