Chapter Twelve

38 0 0
                                    

[Lyxz's PointOfView]

*Saturday*

[A/N: Araw kung kelan nagkita-kita sila Lyxz, Xavier, Cifer at Ezra]

"Ezra?"

I close my eyes for a couple of seconds..

"Hi Lyxz! Kamusta?" malambing niyang tanong sakin.

Hindi ko alam ang ire-react ko sa pagkikita namin. Dapat ba akong matuwa dahil mukhang maayos ang kalagayan niya o dapat akong kabahan dahil...

"Balita ko, nagkakamabutihan na kayo ni Cloud a?" tanong niya muli sakin.

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil napaka-awkward.

Una, nandito si Kuya .

Ikalawa, nandito ang kuya ni Cloud at..

Ikatlo, alam kong may past sa kanila ni Cloud.

"HAHAHA. Hindi mo naman kailangan sagutin yun Lyxz e. Actually, masaya ako para sayo kasi nagkakamabutihan kayo ni Cloud." nakita kong nakayukom na ang kamay ni Kuya Xavier. "At h'wag mo ng isipin yung past nam-"

"Cut it Ezra!" madiin na sabi ni Kuya Xavier.

Hinawakan ni kuya ang kamay ni Ezra sabay sabing...

"Sige, aalis na kami." then they left.

"Uhhhmmm.. sige Cifer. Uuwi na din ako."

Tatalikod na sana ako pero.. hinigit niya ang kamay ko.

"Samahan mo ako. Pwede?"

Napatigil ako saglit.

"I don't take no." dugtong niya.

Nagtanong pa. Baluga talaga.

"Yung kamay mo. Hugasan mo muna."

Napatingin naman ako sa kamay ko... Napakunot ako ng noo sa nakita ko. Sayang yung ice cream. Badtrip naman kasi e. Kung di lang umeksena tong mga to e di sana nae-enjoy ko yung ice cream.

"I'll buy you one later. Huwag mo ng ikunot yung noo mo." Anong feeling nito? Di ako makakabili? Tsss. Ilibre ko pa siya e.

"So, shall we?"

Tumango nalang ako.

"Sa Toilet muna tayo." then I raise my hand.

"Okay" naka-ngiti niyang tugon sakin.

Pagkatapos kong maghugas..

*kriing* *kriing*

"Hello?"

"Lyxz? Umuwi ka na."

Boses ni kuya.

"Pero kasama ko pa si Cifer ngay-"

"Basta, umuwi ka na. Magpalusot ka nalang."

*call ended*

Ano ba yan? Bakit ba pinapauwi ako nun?

Pagkalabas ko ng toilet agad kong hinananap si Cifer sa mga nag-aantay.

"Cifer!" pagtawag ko sa atensyon niya.

"Oh ano? Tara na?"

"Eh kasi... may problema sa bahay. Kailangan ko na umuwi. Sorry ha. But, I'll make it up to you. I promise."

Nakita kong lumungkot ang itsura niya.

"Sa monday. Promise! After class, sasamahan kita." nakita kong ngumiti na siya.

"Monday? Sure!" masaya niyang balik sakin.

"Okay. Sige. Bye"

"Uhhmmm.. hatid kita." he offered.

No ! This Can't Be !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon