[Lyxz's PointOfView]
"Ang duga mo naman e!" sigaw ko kay Cloud. Opo sigaw, sa kadahilanang ang ingay sobra dito at hindi kami magkarinigan.
Nandito kami sa may basketball area ng arcade.
"Anong maduga don? Sadyang di ka lang magaling jan!" balik niya sakin.
"Sige last one. Kapag ako nanalo, may parusa ka. Game?" Haha. Talo na to sakin ngayon.
"You bet!" sabay harap ulit namin sa ring.
"Three...Two...One...GAME!" sigaw ko.
Level 1- Passed
Level 2-Passed
Level 3 na, kailangan ko maka-250 points. Para maka-pass sa level 3.
.
.
.
.
"Game Over?" sigaw ko.
"Your punishment will be...." napalingon ako kay Cloud, wearing his devil smile.
"Bwisit kasi yung Ring e, nagalaw. Ang duga!" pagrereklamo ko sa kanya.
"Hahaha. Pag-iisipan ko muna yung parusa ko sayo. Tara, kain na tayo." sabay hila nanaman niya sakin.
Nako, ano ba ko? Aso na basta basta nalang hinihila.
Then it struck me... HHWW!!
I took a glance on our hands. And, and, his fingers.... locking mine.
*sound of splattered blood*
AAAAHHHHH!!!!!!
"C-cloud..." then I averted my gaze to his orbs.
"Yeah?" cool voice huh? sounds like there's nothing wrong..
Anyway, what's wrong with HHWW?
[Hindi kayo!]
Walang mali mali sa malanding tao tulad ko. Hahahaha!
"Uhhhmmm... san mo ba gusto kumain?" tanong niya sakin.
Saan ba? Uhhmm..
"Ikaw na bahala, kung saan mo gusto." ani ko.
Biglang may dumaan na bata at may hawak siyang Mcfries.
"Sige sa ano tayo-"
"SA MCDO!" I cut him right away.
Eh sa bigla kong naglaway sa Mcfries e.
"Seriously?" tanong niya sakin.
"Eh? Hindi ka ba nakain dun? Kung hindi, sige wag nal-"
"Sige, dun nalang. Try new horizons, right?" then he smile. Tunaw nanaman ako.
Pagpasok namin sa Mcdo, dumiretso siya ng upo.
Ehh? Hahahahaha. Hindi nga to napasok sa fast food chain.
Tumayo ako sa harap niya.
"Hindi mo ba nakikita yung mga yon?" tanong ko sa kanya sabay turo sa mga nakapilang customer.
"Nakikita, may mata ako diba? Ano bang meron dun? May artista? Tsaka nasan yung waiter?" pucha, nambara pa!
"Hay ewan, sige ako na oorder." pero bigla niyang hinawakan yung braso ko.
"Ano? Order? Hindi ba lalapit yung mga waiter dito?"
"Unang una, hindi waiter yun. Crew yun. Ikalawa, wala ka sa isang 5Star restaurant at ikatlo, sa fast food tatayo at pipila ka dun para makakain."