Kapitulo Quatro

89.4K 3.5K 635
                                    

Kayanin mo


May Laurence Soria's

Six months later...

Kababalik ko lang galing sa reunion namin ng mga classmates ko. Halos four days rin ako roon. Masaya naman ako kasi nga nakasama ko sila, lalo na iyong kaibigan kong baliw, si Spica Sihurano. But she had to leave early kasi may emergency raw sila sa bahay. Kahapon siya umuwi, ako naman ay kaninang umaga, kasabay ng mga classmates ko. Kahapon ko pa rin gustong umuuwi kasi inatake na naman ako ng sakit ng puson pero hindi ako umalis kasi naisip ko bigla na wala namang susundo sa akin, wala ring magba-baby sa akin, wala... wala na.

It's been six months and I haven't heard from him. Mukha nga akong tanga kasi ako iyong nakipagtapos pero ako iyong parang siraulong hintay nang hintay sa kanya. Tuwing uuwi ako, uwing lalabas ako sa building ng network, nag-aanticipate akong baka nandoon na siya, nakasandal sa hood ng kotse niya tapos hinihintay ako, tapos ako tatakbo sa kanya kasi nami-miss ko na talaga siya.

Pero wala, wala na talaga siya.

Iyong phone niya nasa akin kaya lalong wala akong mahihita sa kanya. May mga nagte-text sa phone niya, Work, iyong Mommy niya, tapos nadaanan pa siya ng reminders about sa reunion ng batch namin pero hindi naman siya nagpunta. May malakihang reunion sa mismong alma matter namin but I don't think he knows, I checked his email, hindi niya binubuksan iyon. He even deactivated his facebook, sa IG naman niya iyong huling post niya doon ay iyong nagpunta kaming dalawa ng Coron, that was a year ago.

Wala siya. Wala siya at nami-miss ko siya.

Na hindi naman tama dahil nangako ako sa sarili kong hahapin ko iyong nawalang ako noong magkasama kaming dalawa pero heto ako, habang ginagawa iyon, umaasang kakausapin niya ako.

Dala ko iyong luggage ko at malapit na ko sa unit ko. Habang naglalakad ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. I could see a shadow sitting in front of our door. Napakagat – labi ako. He's here. Mabilisang lakad ang ginawa ko only to be disappointed because when I reached the unit, I saw a woman sitting on the floor, tumayo siya nang makita ako. She smiled.

"Yes?" I asked. I swear kung isa ito sa mga babae ni Yves, itatapon ko siya sa bintana

"Hi Lauren. Natatandaan mo pa ba ako?"  She offered her hand. "My name is Pia Arandia. Sister-in-law ako ni Kuya Yves. Uhm, sorry, pinakukuha na kasi niya iyong mga gamit niya."

Napaawang ang labi ko habang tinititigan ko siya. Oo naman natatandaan ko si Pia. Girlfriend pa lang siya ni Mcbeth noon pero ngayon, mag - asawa na sila. 

"Is this a joke?" Tanong ko. "Nasaan siya? Fuck, you can come out now!. I have no time for this, Yves Laurence?!" Sigaw ko.

"Hala siya. Wala si Kuya Yves." Sabi ni Pia. "He attended our wedding two months ago, nagbilin lang siya kay Mcbeth. Dapat nga six months ago pa kami nagpunta but we were so busy with the honeymoon and those workshit. Sorry, wala si Kuya."

Nakatitig lang ako sa kanya. And she thinks I wil believe her?

"Nasaan siya?" I asked. Umiling si Pia.

"Hindi ko alam. Wala naman siyang sinabi. After our wedding, he went MIA. We can' contact him. Nagri-ring iyong phone niya pero di siya sumasagot. Totoo ito, kasi if he's here, sana nakapasok na ako. May spare key siya diba."

Wala, wala siyang spare key. Iniwanan niya iyon sa bed side table six months ago at hanggang ngayon, nandoon pa rin yon. Kumalma ako. May point naman siya. Kung nandito si Yves, he could've talk to that soup and asked for his spare key.

Beautiful TraumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon