World's apart
Yves Laurence Arandia's
"Hey... whatchadoing?"
Naupo si Mariah sa tabi ko. Kumuha siya ng isang bote ng San Mig Lights doon sa case na nakagitna sa aming dalawa.
"Cheers, dude." She said. Sabay kaming uminom, sabay rin kaming napabutong – hininga. "Bakit di mo hinabol? Wala naman tayong ginagawang masama."
"Kahit habulin ko siya, hindi rin naman siya makikinig kasi wala na siyang tiwala." Mapait na wika ko. Iyon naman ang totoo. There's no doubt about it, she is in love with me. Ang kaso, she doesn't trust me anymore. Katulad noong sinabi ko kay Paolo noong umuwi ako nang nakaraan, ibinigay ko sa kanya ang lahat pero may hinahanap pa rin siya, hindi siya ganoon dati, naisip ko na kaya lang kami dumating sa ganito kasi wala siyang tiwala and maybe she is right, this is the final. Wala na akong magagawa kasi sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula para maibalik iyong nawala sa aming dalawa.
"So, hindi ko akalaing si Lauren Soria pala iyong jowa-jowaan mo. Kaya pala biglang napa-alkaline water tayo boss. So, kapag naubos na iyong stock, balik mineral water na lang." Alam kong binibiro ako ni Mariah pero tumango ako. Iniisip ko iyong hitsura ng mukha ni May Laurence kanina, nasaktan na naman siya, kahit ako hindi ko na rin pagkakatiwalaan ang sarili ko.
"Ano bang grounds ng break up?" Biglaang tanong niya.
"Marami na. Eight months ago, na-late ako ng pagsundo sa airport kasi may emergency meeting kami sa opisina, kasama ko iyong kapatid ko. Pagdating ko sa airport wala na siya, nasa condo na, galit na galit. May katagpo daw kasi ako. After noon, nag-sorry ako, okay na kami, two months later, break ulit kami kasi nag-cancel ako ng date dahil biglaang dumating iyong Japanese investors. Hindi siya naniwala. Pero inayos ko, then after that, nalimutan kong sunduin ulit."
"Bakit? May clients?" She asked. Nakakadalawang bote ni si Mariah.
"Na-trangkaso ako eh. Hindi ako nakapagsabi dahil dalawang araw akong tulog nang tulog, akala niya..."
"Nambabae ka." Tumawa si Mariah. "Oh my god. Ganyan talaga kaming mga babae, kapag paulit – ulit nang ginagawa, tumatanim sa isipan namin iyan tapos makunti, babalikan naming. Hindi lang kami hysterical, historical din kami. Nagpaaliwanag ka ba?"
"Hindi naman kasi siya naniniwala basta. Pero kapag wala siyang topak, okay naman kaming dalawa. I love her so."
"But sometimes, love just ain't enough." Kumanta pa siya. Napailing na lang ako. Siraulo ito.
"Sabi mo, nagloloko ka kasi nagsasawa ka? Ang babaw noon, bes, kung sawa ka, kumalas ka eh balik ka rin ng balik."
Inubos ko muna iyong isang bote saka ako nagsalita.
"Oo. Nagsasawa ako, nagsasawa akong maghintay sa kanya." I sighed. "Mahal ko si Lauren, walang tanong doon, kaya lang madalas wala naman siyang oras para sa akin. Career talaga muna para sa kanya. May mga bagay siyang gustong maabot at naiintindihan koi yon. Suportado ko siya, lahat ng kailangan niya, sige, kung may gusto siya, sige. Pupunta siya sa ganito, sige, mawawala siya ng ilamg linggo, sige lang. Madalas, pakiramdam ko wala akong girlfriend. But... it's okay, gusto ko kasi makuha niya iyong pangarap niya, nab aka kapag tapos na, babalik na ulit siya sa dati."
"Gago, bakit di mo sabihin? Hindi naman excuse iyan para mambabae ka."
"Minsan kasi natutuwa ako sa binibigay nilang atensyon sa akin. Iyong sa text, iyong nagpaalalala lang, madalas kasi walang ganoon si Lauren, abala siya sa taiping. Alam kong mali kasi nga magkarelasyon kami. Dapat open kami, pero hindi ko masabi dahil madalas lang siyang pagod. Kapag magkasama kaming dalawa, mas pipiliin ko na lang na lambingin siya at mag-bond kami kaysa mag-usap nang ganoon na maari pa naming pag-awayan. Sayang iyong panahon. Sa isang buwan, apat na beses ko lang siyang kasama pero okay na okay na ako doon. Aasikasuhin ko na lang siya kaysa mag-demand pa ako ng kahit ano. Gusto ko kasi iyong nakikita siyang masaya."
BINABASA MO ANG
Beautiful Trauma
General FictionOn and off - parang switch ng ilaw ang relasyon ni Yves at May Laurence. Sa haba at tagal ng relasyon nilang dalawa ay paulit - ulit lang ang nangyayari, hanggang napagod na lang si May Laurence at tinapos na niya ang sa kanilang dalawa ni Yves. Sh...