Iyon na.
May Laurence Soria's
"Ang sarap ng food, Yves."
"Thanks, Ate."
"For how many people ba iyong kasal?"
Hindi ako nakikisali sa usapan nila Yves kasi nga busiess nila iyon. Pinapakain ko na lang si Meagan pero attentive pa rin ako sa ginagawa niya at sa mga ginagawa ni Mariah. Nakakainis kasi nga para bang close na close na silang dalawa.
"Sixty people iyong nasa guest list. Ako na ang bahala doon, Yves. Ida-draft ko na iyong contract natin. Basta go ako dito."
"Thanks, Ate. Kapag gusto mo, pwede rin kayong dito magpakasal ni Dio." Sabi pa niya. Napangiti ako. Mabait talaga itong si Yves. "Venue ang regalo ko sa kasal ninyo."
"Thanks, Yves, pero may CLPH ako." Sabi ni Kuya Dio. "We are going to get married there."
"Wow! Hindi pa ako nakakapunta doon!" Sigaw ni Mariah. "Pero may sira ulong nagkwento sa akin ng lugar na iyon, si ano... Ody. Ody Consunji."
"Pinsan ko." Sabi ni Kuya Dio.
"Ex mo?" Tanong ni Yves kay Mariah.
"Nakilala ko lang din sa bar. Ayoko doon, masyadong makwento sa buhay."
"Palagi ka sa bar?" Tanong ni Ate MC.
"Noong nalulugi kasi itong resort ko, nagtrabaho bilang bartender sa Metro para makakilala ko ng possible investors. Kaya marami akong alam na kwento. Nakita ko nga rin sa bar na iyon si Paolo Arandia saka si Clari." Kwento niya. Nainis na naman ako kasi biglang nagsalita si Yves nang:
"Oh? Doon yata sila nagkakilala!" He laughed. "I remember that night, nagpustahan kami ni Mcbeth noon kung makaka-score si Paolo kahit kanino. Mcbeth lost."
"Yep. Naglaro sila noong drink it all. Tapos si Clari talo. Bagsak siya." Nag-high five pa silang dalawa. I rolled my eyes.
"Videoke tayo, Lauren." Yakag sa akin ni Ate MC.
"Sali ako! I love singing!" Epal na naman si Mariah. Si Yves ay nakikipag-usap na naman kay Ate Molly. Mas gusto ko iyon kaysa iyong so Mariah iyong kinakausap niya. Nagkayayaan nga si videoke pero nagpaalam muna si Ate Molly at Kuya Dion a patutulugin na ang mga bata. Isinama na nila si Meg, si Ate MC naman ay sumama na sa amin.
"Anak ko panay ayaw akong nagpapatulog sa kanya. Parating si Daddy niya. Jusko sabi ko minsan ibabalik ko siya sa itlog ng tatay niya ang tanong ba naman sa akin, bakit daw may itlog iying Daddy niya, manok daw ba si Daddy. Tawa ako nang tawa, pinagalitan naman ako ng asawa ko. Kung ano – ano daw sinasabi ko kay Meg."
"Sira ka kasi ate, para kang tanga."
"Mas tanga ka, girl, ginto na pinakawalan mo pa." Kinurot niya ako sa tagiliran. Nilingon ko si Yves. Kaakbay niya si Mariah. Nagkukwentuhan silang dalawa. Nang muli akong humarap ay nakita ko si Gael s amay dulo. May dala siyang flowers saka ngiting – ngiti siya.
"Hi," Bati niya sa akin.
"Hello." Ibinigay niya ang flowers.
"Sorry kanina. Hindi ko sinasadya. Mainit lang ang ulo ko."
"It's...." Napahinto ako nang lagpasan kami nila Yves. Ni hindi siya lumingon sa akin. Tiningnan ko lang si Gael. "Okay na." I said.
"Hinihintay kitang i-text mo ako pero hindi. Naisip kong magpunta dito."
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ako marunong manuyo. Kung galit siya galit siya hindi ko siya hahabulin na para bang dapat ko siyang lambingin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Trauma
General FictionOn and off - parang switch ng ilaw ang relasyon ni Yves at May Laurence. Sa haba at tagal ng relasyon nilang dalawa ay paulit - ulit lang ang nangyayari, hanggang napagod na lang si May Laurence at tinapos na niya ang sa kanilang dalawa ni Yves. Sh...