Kapitulo Cinco

78.5K 3.9K 960
                                    

Uwi ka na


May Laurence Soria's

"This is Lauren's journey: the homecoming. Welcome to my home town, La Union!"

"And cut! Good take, Lauren. Pupunta na tayo sa location, beach muna tayo sa surfing class noong may-ari."

Napatango ako. Nasa tower kami noong Cabana's. Maganda kasi iyong view. Sa east, puro bundok kasi, nakita ko mula sa room ko iyong sunrise. It was spectacular. Maaga kasi akong ginising ni Danica kanina dahil may call time kaming six am. Six fifteen, nag-start kaming mag-shoot. So, far, puro one take lang naman ako sa mga spills ko. At least, improving ako sa sarili ko.

Bumaba kami sa watch tower at pinuntahan si Mariah Rojas. Familiar siya sa akin. Parang nakita ko na siya noon pero di ko sure, sa isip ko kasi nakita ko na siyang naka-blue gown tapos naglalakad sa stage, kaya lang sa hitsura niya, mukhang hindi pa siya nakakapag-suot ng gown. Medyo galawgaw kasi siyang kumilos.

"Hi. Good morning." Bati ko nang makita ko siya. Nagkamay kaming dalawa. Naka-two pieces bikini siya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa baywang niya. Ang liit ng baywang, ang liit pa ng balakang. Ang sexy niya. May dala siyang surfing board.

"Hello. Very excited na ako dito." Sabi niya. "May interview daw tayo mamaya?" She asked.

"Yes, iyon kasi iyong favorite segment naming lahat. Kainan."

"Okay, in twenty minutes mag-start na tayo. Paki-orient na lang si Lauren, Miss Rojas."


"Sure."

Humarap si Mariah sa akin. Ipinaliwanag niya sa akin kung anong gagawin ko pero natigil iyon noong biglang may dumating na dalawang staff nila.

"Good morning, Ma'am."

"Anong meron?" Mariah asked.

"Coffee po for everyone." Sabi noong staff na babae. May dumating pang dalawang staff na may dalang coffee. Lahat iyon may cream, ayaw ko noon kaya tumanggi ako but then when they gave me a cup, napansin kong black iyon. Kinuha ko na rin. Hindi pa nga ako nagkakape and I need this to boost my energy.

I took a sip, medyo natigilan ako at napatingin sa coffee cup ko. That taste is familiar... it almost tastes like his coffee but then impossible, so I just shook my head.

"Okay, take na tayo." Sabi ni direk.

"Okay! Shoot!" Hinubad ko ang shirt ko. Naka-two piece rin kasi ako, pati board shorts ko huhubarin ko nang biglang magsalita iyong crew.

"Ma'am, rush guard po, provided ng admin. Bawal po kasing maligo dito ng naka-two piece."

"Ha?!" Mariah Rojas exclaimed. "Nagbago ba tayo ng management?"

"Sorry, Ma'am, nagbaba po ng memo kagabi. Suotin ninyo na po."

Wala akong nagawa kundi suotin iyon. Pati si Mariah ay pinagsuot. Okay naman wala namang kaso sa akin kaya lang nanghihinayang ako, first time kong gagawin sana sa national tv iyon, pero may next time pa.

"Let's start!"

Nagsimula na ang shoot namin. Naunang pumunta si Mariah sa shore. Inubos ko muna iyong coffee ko.

"Ang sarap ng coffee ninyo ha." Wika ko sabay takbo. Energetic na ako basta nakakape na ako. Ang sarap noong kape kaya ang saya ko rin sa shoot.

Tinuruan niya ako noong basic sa surfing.

Beautiful TraumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon