Graduation

3 0 0
                                    

"Congratulations! " whoaa graduate na talaga for four years na isinakripisyo namin sa high school ito na talaga ang naani namin. Umiiyak pa yung iba naiiyak na din ako. Nakita ko naman si Lola na napapaiyak din. Hays . This is just a 1st step Lola para sa mga pangarap natin. Pinuntahan ko si Lola at niyakap ko ng mahigpit. Nagsilapitan naman ang mga iba pang students sa mga parents nila. Nakita ko din mga tita ko sa likod at mga pinsan ang saya din nila habang pinipicturan kami ni Lola sumali na din sila. Picture dito picture doon ginawa namin ng barkada ko. We know magkakahiwa-hiwalay na kami kasi ang iba sa ibang lugar mag-aaral marami-rami pa dn naman ang maiiwan dito.
"Hannah dito ka nalang mag-aral" sabi namin Kay Hannah.
"Andun si mama kaya din daw niya ako gustong magcollege. Don't worry. Updated kayo ng balita ng buhay ko" Natawa nalang kami sa sinabi niya. Mamimiss talaga namin siya.
"Ako rin guys sa manila mag-aaral" malungkot na sabi ni Lara. Hays pati siya malalayo samin.
"Basta dapat walang magbabago ha" sabi ni ann na naluluha na. Tumango naman kami lahat.
"Ang nabuo nating pagkakaibigan at dapat hanggang sa kamatayan" sigaw ng lahat. Yun yung pangako namin dati. At naggroup hug kami. Alam naming madaming darating na mga pagsubok samin at di namin yun uurungan.
Nagtext naman si Kim ng (congratulations bata) haha bata talaga tawag niya sakin. She is 17 now and 15 naman ako. Ayaw niyang tawagin ko siyang ate. Tsk! That girl!.
(Thank you tanda)haha revenge*evil smile*
(you're welcome crush) ayan na naman mga biro niya.
(Ok. Maya na baby) reply ko naman haha nakikisakay nalang ako.
(See you soon love.bye) sus fb nga di pa niya ko nakikita. Haha di ko nalang nireplyan. Kumain nalang kami sa labas kasama family ko. Mamaya pa ang bonding ng barkada. Tinatamad pamilya ko magluto kaya napagdesisyonang sa labas nalang kami kumain.
"Anong course kukunin mo Ericka" tanong ni Titan Melanie.
"BSed po tita." Napatango naman siya na parang satisfied siya sa sagot ko. Teacher kasi siya.
"Major?" Dagdag pa niya.
"Nagdadalawang isip pa po ako kung math o biology" nagtaka naman siya. Ayaw niya talaga ng di siguradong sagot.
"Take time princess" napangiti ako sa sinabi ni papa. Alam ko namang dapat ngayon palang dapat alam ko na yung kukunin baka pag tumuntong na ako ng college magkaproblema pa. Pag-uwi namin natulog muna ako. Mamaya pa namang 8 pm yung party with friends.
Nagising ako sa tunog ng cp ko. Tumatawag pala si bes.
"Hm?" Antok pa ko.
"Sunduin mo ako please"sabi niya sa kabilang Linya.
" okay" pag nagpapasundo yan. Nangangahulugan Lang na d siya pinapayagang umalis. Nagpaalam na Muna ako sa kanya . maliligo pa ako eh. Binasa ko muna yung text ni kim.
(Wag iinum) concern si tanda.
(I'm not like you) reply ko. Kinwento niya kasi na mahilig yung barkada niya uminum ng mga alcoholic drinks syempre pati siya.
(Hahaha .yes I know crush good girl ka eh)ayan na naman crush niya.
(Not like you. Bad influence hahaha gotta go bye baby) nasasanay na talaga ako sa kanyang mga trip.
(Take care :)) atleast concern siya kahit mahilig mangtrip.
Pumasok na ako sa banyo . hays ang lamig ng tubig . Pagkatapos ko naghanap na ako ng damit .simpleng T-shirt at pants kinuha ko. Ganito talaga style ko. Sabi pa nga *simplicity is beauty* hahaha. Tinext ko na si bes na papunta na ako. Motor Lang gamit ko. Tinuruan ako ni Mike yung pinsan ko. Hiniram ko Kay papa kasi wala naman daw siyang lakad bsta dahan-dahan lang daw. Mga 10 minutes andito na ako sa bahay nila bes.
"Hi po Tita." Nagmano ako sa mama ni bes. Good girl to haha.
"Wag mo nang ihatid si Jane pag malalim na ang gabi. Dun mo nalang patulugin sainyo." Walang trust si tita sakin .huhu.
"Opo Tita" sanay na naman si bes matulog samin.
"Jane . nandito na si Ericka" umupo na muna ako habang pinuntahan ni Tita si bes sa kwarto niya.  Tagal magbihis. After 20 minutes bumaba na din. D naman ako  nabored sa paghihintay kasi katext ko si Kim haha.
"Texting again" bungad niya sakin. She is just wearing a simple shirt like me and partner jeans. Simple yet attractive. Haha.
"Panget mo bes" Biro ko sa kanya.
"No. I'm not. Because you are checking me out" haha she's right.
"Haha Tara na" late na kami ng 5 minutes.
"Bes dahan-dahan lang" haha takot.
"Opo baka masaktan ka" parang iba yung meaning hahaha . erase! Umangkas na siya. At yumakap sa abs ko*yuckss parang meron*.
Dumating naman kami sa bahay nila ann ng safe. Yes dito yung venue. Ang yaman ng gagang yun haha.
"Kung makayakap" sabi ni ann Kay Jane. Gaga talaga si ann.
"Syempre we're bestfriend" sabi ko at niyakap si bes.
"Talaga?" Sabay tingin ni ann Kay Jane. Nag uusap ba sila gamit ang mata haha.
Weird.

'till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon