Hi! Ako nga pala si Ericka Morales. Di mayaman wag umasa haha. A graduating student in CVHS. Start na nga ng practice namin for the graduation ceremony. Nagpapahinga ako ng tumunog phone ko.
(Hi) from unknown number. K dahil mahilig ako makipagtext nireplyan ko siya.
(Name?) Taray ng Lola niyo. Ganyan na ako.
(Kim you?) Mayaman kaya to? Hingi kaya ako ng load. Kaloka.
(San mo nakuha number ko?) Syempre di ko kilala alangan naman sabihin ko name ko agad-agad.
(Kay Stacy. Pinsan ko sabi niya nanghihingi ka ng katext.) Ay oo si Stacy .sabi ko lalaki yung ibigay niya. Pagod na kasi akong maging NBSB. Taray no hahaha. Si Stacy katext ko Lang din siya. Diba sabi ko sainyo mahilig akong makipagtext kaya dapat di ako nauubusan ng load kaya di makapag-ipon eh. Tsk!.
Tumunog ulit phone ko.
(Still there?) Ays nakalimutan ko di ko pala siya nareplyan.
(Uhm yes :) tagasan ka?) Kilalanin ko nalang.
(Taga pasig ikaw?) Ang layo.di ko mareach.
(Taga Davao po) Tinatawag na ako nila bes Jane magpapractice na daw kami. Buti pa yung ibang year level gumagawa Lang ng project.
(May fb ka?) Reply niya. Di ko nalang pinansin. Nagsimula na kami. After 2 hours of practice pwede na daw kami umuwi.
*oyy bes pahiram ng panyo* basang-basa nga ng pawis si Jane. Binigay ko naman sa kanya yung panyo ko. Pasalamat siya bestfriend ko siya.
*wala na akong boses* reklamo naman ni hannah.
*gaga! D ka nga kumanta kanina. Sinigaw mo yung lyrics.* hirit naman ni anthony. Bakla naming barkada. Madami kaming magbabarkada. Mamay niyo na sila kilalanin. Kinuha ko yung cp ko para tingnan yung oras. Nabigla naman ako ng makita ang halos 30 messages. Nung tiningnan ko halos Kay Kim lahat. Snob daw ako. Paulit-ulit niyang tinext haha. Kaloka ng babaeng to. Nireplyan ko nalang siya na kakatapos Lang namin magpractice. Feeling close Lang si ate. Hanggang sa pag-uwi katext ko Lang siya. May sense of humor kasi siya. Nakikisabay talaga sa mga trip ko. Di ko namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada kaya pala sumigaw sila bes haha tanga Lang Ericka. D ka pa nakakapagtapos sa high school. Pagdating sa bahay napahiga nalang ako. Shit! Sakit ng katawan ko. Tinext ko si Kim na iidlip muna ako. Grabe di ko talaga binibitawan cp ko haha nag eenjoy ako sa kanya. Nakatulog ako ng halos isang oras. Syempre cp agad inuna ko. Ako na ang adik. Tinext ko si Kim na gising na ako agad naman siyang nagreply. Binantayan talaga text ko.(assuming) haha . gusto ko siyang maging kaibigan.