PROLOGUE
WHERE IT STARTED
Hi! Ako si Diane Kathleen Dela Cruz. Isang senior high student sa strand na STEM. Hindi ako bobo pero hindi 'din ako matalino. Average lang.
Meron akong childhood friend na kaibigan ko pa hanggang ngayon.
Ten years ago, noong namatayang lolo ko, may grupo ng mga batang lalaki na napadaan sa cementerio kung saan inilibing ang lolo ko. They gave me looks of sympathy at umalis na ngunit may isang naiwan at lumapit sa akin. He wiped the tears on my face and hugged me. At doon na iyon nagsimula...
Siya si Johanne Perez. Ang aking childhood friend at ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
I started having feelings for him noong nine years old. Bilang mga bobong grade three students, may kaklase akong babae na nagtanong kung pwede niyang ligawan si Johanne. Nainis ako pero dahil bobo ako that time, sinabi 'kong pwede. Ang bobo ko, right? Pero doon ko na nalaman na may gusto ako kay Johanne.
In two years, I still doubted my feelings. Baka kasi ito ay isang admiration, infatuation, or maybe crush lang! Dahil ito ay madalas nangyayari sa mga elementary students.
Noong pumasok kami ng grade six, naging kaklase ko si Johanne. At the same time, naging kaklase ko 'din ang lahat ng girlfriends ko. It made my last year in elementary very memorable.
Pagpasok namin ng junior high, nahiwalay ako sa kanilang lahat. Inasahan ko na 'to dahil nabasa ko 'to sa horoscope of the year. It felt like I paid for the happy moments that occurred during grade school.
Kahit hindi man kami nagkaklase, sinasabayan niya pa 'din ako tuwing break time. I think iyon ang dahilan kung bakit minahal ko na siya that time.
For seven years, itinago ko ang feelings ko dahil takot ako na baka hindi niya ako tanggapin at baka hindi na kami maging magkaibigan.
Once, noong grade ten, aamin na sana ako sa kanya pero meron siyang sinabi na nagdurog sa puso ko.
"Diane, alam mo bang tinanggap na ako ni Catherine?"
The fact na aamin na ako sa kanya and sinabi niya sa akin na meron na siyang girlfriend broke my heart.
There were times na magkakaroon sila ng konting break tapos sasama sa akin si Johanne tuwing break time. Pero pagnagbalikan na ulit sila, ako na ang maiiwan.
Maybe, this can prove that not everyone can live like a Disney princess.
Well, this is it. Everything you need to know para maitindihan ang magulo 'kong buhay.
Welcome to my happily never after!
BINABASA MO ANG
Reasons Why I Don't Like Your Girlfriend (on hold)
Romance"I have reasons kung bakit hindi ko gusto 'yung girlfriend mo."