CHAPTER 1

118 4 0
                                    

CHAPTER 1

ANOTHER REASON TO WRITE

DIANE DELA CRUZ

KRING!!!

Ang pagtunog ng bell ay pumalibot sa buong building ng senior highschool. Nagsigawan sa saya ang mga kaklase ko habang ang teacher naman namin ay pinapatahimik kami.

Nang tumahimik na kami, sinabi na ni sir ang mga homeworks na ipapasa next week.

"Goodbye, class", sabi niya. "See you on Monday."

"Goodbye and thank you, sir."

Tahimik ang buong klase pero uminggay muli ito nang lumabas na ang aming guro.

Nagmadali akong umalis sa classroom pero naabutan parin ako ni Johanne.

"Diane~Kaibigan ba talaga kita? 'Bat 'di mo tinitingnan 'yung mga chats ko?!" tanong ni Johanne na para bang naiinis.

"Busy ako kahapon, okay? Tinapos ko 'yung project namin sa Science." sagot ko sa kanya pero hindi siya naniwala. Totoo na tinapos ko 'yung project namin pero hindi talaga ako busy kahapon. Alam ko kasi na tatanungin niya lang ako kung paano siya makakabawi kay Catherine...

I gotta make a lie that will persuade him.

"Due na talaga 'yung project na iyon kahapon at ipapasa na sana namin kaso napangitan ako 'dun sa gawa namin kaya nagvolunteer ako na gagawin  ko 'yung finishing touches. Alam mo naman na sobrang strict ng tita ko sa mga projects na ganito." sabi ko sa kanya habang nag-puppy eyes ako para ma-persuade siya.

Actually, 90% of what I said is true kaso ayoko lang talagang tingnan 'yung messages niya dahil ayoko sa girlfriend niya. Minsan kasi, kapag nagkukwento siya, kailangan niya pang sabihin 'yung mga memories nila at 'yung mga magandang traits ni Catherine(kung meron).

Biglang tumunog ang phone ko which can mean na may nag-message or it's just a notification. 

"Sana message..." bulong ko sa sarili ko na sobrang hina at sure ako na hindi iyon narinig ni Johanne.

"Nag-message si mommy." sabi ko at dahan-dahan na tumingin kay Johanne. "Alam mo? Kailangan ko nang umuwi."

"Dyan ka lang naman nakatira sa apartment complex na katapat ng school, 'di ba?" tanong ni Johanne.

"No, I meant sa bahay namin. Friday kasi ngayon."

Napabuntong hininga nalang si Johanne at sinabing,"Basta sagutin mo 'yung chats ko, ah?"

~

Finally, nakadating narin sa bahay!

Hinalungkat ko ang bookshelf ko at nakita ko ang notebook na hinahanap ko.

"Its been a while, huh?" sabi ko habang naghahanap ng ballpen.

"Reason #13: Grabe siya magtampo. Kala mo naman mahal niya si Johanne..."

After I wrote that, itinago ko muli ang notebook sa shelf at kinuha ang phone ko.

"Goodnight, b*tch!"

Then, I tapped the send button. Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang aking mata.

Bago ako nakatulog, tumunog ang phone ko. I shrugged it off at sinabi sa sarili ko na bukas ko nalang iyon titingnan.

Reasons Why I Don't Like Your Girlfriend (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon