Donna's POV

30 0 0
                                    

Ang tagal na naming di nagkita ni Janina ah! Sobrang naging busy kasi ako dito sa course ko. Dami na agad kasi akong assignments, may mga activities na agad na dapat salihan.

Pero infairness ah! di man lang siya nagdalawang isip nung sapakin niya yung guy na yun. Dapat lang kasi arogante at mayabang ang dating niya. Nabalitaan ko lang sa isang kaklase ko yung nangayari sa canteen.

"At nasabi niya rin na close na rin sila nung Patrick na yun ah! Naku! di ko talaga maintindihan itong si Janina oh!" Akala ko galit siya sa mayayabang na lalaki. Pero napansin ko kahit anung yabang ni Patrick mabait naman siya sa mga babae.

May respeto kahit maangas din ang dating at talagang gwapo, sabagay may ipagmamalaki naman siya kahit umasta siya ng ganyan. Kahit marami talagang nagtitilian sa kaniya eh! Di naman siya aroganteng lalaki. Mukhang type ni Patrick si Janina kasi kung tignan niya parang siya lang ang pinakamagandang babae sa mundo.

Kakainggit naman si Janina.. Hinahangaan ni Patrick samantalang ako kahit nakakalapit at nakakausap ko siya. Kinikilig talaga ako kapag napapalapit siya. Siguro ganun talaga kapag may gusto ka sa isang lalaki masaya ka na kahit makita mo siya sa malayo pa lang.

Feeling mo ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo kapag malapit siya at kinakausap ka niya. hays! Sana ako na lang si Janina. Para kasing sira itong si janina wala namang ginagawang masama si Patrick kung makasimagot ganun na lang. Sana hindi siya magsisi kung sakaling iba na ang babaeng pagukulan ng pansin ni Patrick. Kawawang Patrick!

Mapuntahan nga mamaya sa classroom si Janina at Patrick. Sa lunch break namin. Tutal naman magkakapareho lang kami ng schedule. Kaya lang busy lang ako lately dahil sa dami ng activity sa course ko. Nakakabangot naman ang history. Naku! inaantok talaga ako sa subject na ito. Makatulog na nga at sana hindi ako makakita ni Prof. Salgado, Pero maguumpisa pa lang akong matulog may naramdaman akong kumakalabit sa akin at napalingon ako sa taong kumalabit sa akin. Bakit mo ba ako kinakalabit? Kitang inaantok ang tao. Istorbo talaga oh! Biglang may Tumawag sa pangalan ko. Ms. Silvestre! Sabay lingon tumawag sa akin si Prof. Salgado pala napatayo ako ng wala sa oras.

Nang mahihilo pa sa antok. Kanina pa pala ako tinatawag sa recitation Ms. Silvestre! mukhang bang kuwarto mo ang classroom ko. Ma'am hindi po. sagot ko kay Prof. Hays! nakarinig na lang ako ng malakas na tawanan. Ahahahahah Kanina pa kita tinatawag ah! eh! Ma'am ano ho yung tanong ninyo? What's is the history about economy of china in the early years?

Nang masabi niya ang kaniyang sagot. Biglang sinabi ni Prof. Salgado. Very well answered Ms. Silvestre! Napangiti ako sa sinabi niya. At sabi niya pa. By the way Ms. Silvestre! Sa susunod wag kang matutulog sa klase ko. sige you may take your seat.

Thank God. Nakasagot din ako. Siguro iba talaga kapg pinanganak ka nang matalino at matiyaga sa pag-aaral. Kasi sayang ang panahon mo kung babagsak ka lang dahil sa mga walang kwentang bagay. Na ginagawa nang mga kabataan. Puro gimik at panay pagaaksaya sa mga walang kabuluhang bagay. Kailangan ko naman magunwind. Dahil puro aral na lang ako. Mapuntahan nga si Janina minsan sa kanila.

Nang nasa harap na ako ng sudivision nila Janina. Kahit na alam ko mahirap lang sila pero dahil sa pagsisiskap ng nanay niya sa pagtatrabaho nakabili sila ng bahay. Pero alam ko minsan may mga problema siya sa pamilya. Dahil yung tatay niya lasinggero.

Pogi Problems (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon