Janina's POV

31 0 0
                                    

Ang hirap naman ng maraming inaasikaso, hindi ko alam kung matatapos ko yung course ko na ito.  Sa dami ng gastusin at kailangan bayaran sa bahay at sa School. Minsan nagkakasakit din si Nanay. Sobra na siyang napapagod sa trabaho sa patahian. Si tatay nakakatulong na naman kaya lang mas marami pa siyang oras sa kainuman niya. Kesa tulungan niya si Nanay.

Kaya palagi silang nag-aaway, minsan kong sinita si Tatay na huwag na siyang uminom sabi nya lang, "buti nga pinag-aral ka pa namin. Eh! Hindi ka naman naming tunay na anak. Kundi nga lang sa Nanay mo hindi kita ituturing na anak. Pasalamat ka pa nga pinagmalasakitan pa kita. Kundi ko lang mahal si Nanay mo". Sinasabi niya yun nang wala man lang siyang idea na nandun ako dinig na dinig ng dalawang tenga ko. Ang sakit sa pandinig na pagkatapos pala ng mabuting nagawa nila. Bigla isusumbat sa iyo na parang wala kang kwentang anak dahil lang napagsabihan ko siya.

"Bakit ganun si Tatay hindi nya man lang ba naisip na masakit na malaman yung katotohanan na hindi ka nila tunay na anak". Humahagulgol lang ako sa kabilang sulok nang bahay namin.

Kailangan ko nang matulog para maipasa ang lahat ng kailangan ko sa Library. Para hindi na problemahin ni Nanay yung pangtuition fee ko sa UST. Napakamahal pa naman ang mga gamit ko sa Architecture. Pati allowance ko para hindi naproblemahin pa ni Nanay.

At kailangan pa naming paghandaan ang college week dahil maraming activities sa school na kailangan mong magparticipate. Kung hindi naman ako papasok. Lalo ko lang maiisip yung mga sinabi ni Tatay sa akin sana hindi totoo yun. Dahil napakasakit lang kung totoo yun.

Hindi ko ubos maisip na may malalaman ako sa aking pagkatao. Na siyang lalong ikagugulo nang isipan ko. Talagang buong araw yun lang lagi ang laman ng isip ko. Sa mga nagdaang araw pinilit kong ilaan sa ibang bagay ang tungkol sa pagkatao ko. Alam kong hindi magiging madali lalo na sa akin na tanggapin ang lahat dahil napamahal na sa akin si Nanay at Tatay. Kahit ganun naman si Tatay mahal ko siya. Dahil mabait siyang Tatay kahit naging iresponsable siya lately sa amin ni Nanay. Pero sadyang may mga taong nagbabago pagtagal-tagal. Dahil ang mabuting tao ay binabago ng mga taong walang alam gawin kundi ang magpasarap sa buhay. Mga naging bad influence kay tatay. Sana ngayon na natili pa ring mabuti si Tatay.

Hindi ko muna inintindi ang mga gumugulo sa aking isipan at marami pa akong gagawin sa library kaya. Pumunta mua ako para sa aking shift ngayon. Dahil makakatulong iyon para makabawas sa mga iniisip ko.

Habang papalapit na ako ay may namataan akong naglalandian sa may gilid ng campus. Pero napatingin ako sa dalawang taong parang silang ang taong naroon. Dahil magkayakap sila. At tila sarili nila ang mundo. Akala ko sila Patrick at Lorraine.. Bakit ko nga ba naisip na sila yun. Hay naku! Janina nagiging madumi na yung isip mo dahil nakita mo bang magkasama silang dalawa sa classroom. 

Ayokong maging dahilan para masira yung mood ko. Ayoko munang intindihin ang mga taong magpapagulo sa puso ko. Palakad na ako malapit sa classroom ng tawagin ako ni Matthew. Janina baby! How's your day? Hinawakan  niya ang kamay ko ng walang paalam at napatingin ako sa kanya. Anu bang problema mo at may patawag-tawag ka pang baby sa akin ah! at pwede ba wag mong bwisitin ang buhay ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kin. At bigla niyang sinabi na " Baby you know what? Your beautiful when i saw you smiling. Just don't forget to smile everyday by the way dun kaba ngayon sa library ng work as assistant librarian? ". Napatingin ako sa kanya at tumango ako. Lumakad siya palayo sa akin pero biglang lumingon at kumindat pa. Piling ko namula ako sa ginawa niya. Siraulo talaga yung lalaking yun. Hindi ko ubos na ganun siya sa akin dahil una ko siyang naencounter nasapak ko yung mukha niya. Natawa ako ng wala sa oras. Hmmmm. tama na nga. makapasok na sa classroom at may tatapusin pa akong design nung bahay ko. Kulang pa sa flooring. at yung rooftop hindi pa maayos.

Papasok na ako ng makita ko yung papel na nakalapag sa desk ko. 

Note: Janina,

I just wanna say that your catching my heart when you punch me at the canteen. I don't know if your laughing right now.  Because i fallen for you when you hit my gwapong face.. No one can do that for me. So many girls that adore me.

the one who truly admire your angelic face. 

Your Gwapong  Admirer

Matt

Napataas ako ng kilay sa huling sinabi sa note nya ah! mayabang pero sweet..hindi na hiyang sumulat ah! Infairness may effort siya. 

Tinago ko ang note mamaya ko na sagutin ang note niya. Piling ko biglang sumaya yung atmosphere ng paligid ko. Parang ganado yata akong tapusin yung pinapagawa ni Prof. 

Thank's to you Matt sa iyong kilig notes.

Pogi Problems (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon