Patrick's POV

54 0 0
                                    

Bakit kung makatingin yung lalaking yun kay Janina gnun na lang. Ang sarap bangasin ang pagmumukha. Bakit sila ang pinagtabi ni Prof.  Nakakainis talaga. Di bale hindi ko siya hahayaang maging closed ni Janina.

Hays! Araw-araw kitang nakikita pero bakit parang ang layo-layo mo naman. Tapos! may isang pang dumating na mang-aagaw pa nang atensyon ni Janina uunahan pa yata ako.

Janina! Pwede ba kitang makasabay sa lunch mamaya? Habang ginagawa yung plano ng bahay na pinagagawa ni Prof. Ako siguro mamaya pagdating sa bahay. Napatingin siya sa akin at sinabi " Baka mamaya pa ako maglunch may pupuntahan pa ako mamaya after ko gumawa nito. Thank you na lang sa invitation mo. PJ!" Saka na lang tayo magsabay maglunch. Urgent! kasi yung pupuntahanan ko. 

Hindi ko na nagawang magsalita. Hindi pa rin ako umaalis sa tabi niya. Bakit ang ganda mo. Sarap mong pakasalan agad-agad para hindi na ako maagawan pa nitong asungot na ito na katabi niya. Abala rin kasi ang loko sa ginagawa niya. Pero alam ko malakas at mayabang ang dating niya. Baka main love pa sa kaniya si Janina. Hays! Makaalis na nga dahil gutom na ako.

Bago ko tuluyang umalis. Tumingin muna ko sa kanilang dalawa. Ayoko na yung nakikita ko ngayon dahil yung asungot na yun. Nakatitig na kay Janina habang hindi iniintindi yung nakatanghod sa kaniya. Parang kinakabisado ang bawat ginagawa niya at napapatingin sa maganda, makinis at mamumulang pisngi at mga labi.

Biglang may lumapit sa akin si Lorraine. Hi Patrick! Pwede ba kitang mayayang maglunch. Mukhang yung babaeng gustong kasama eh! Eh! hindi ka magawang samahan at mukhang may bago na siyang makakasama. Sabay angkla sa aking mga braso at naamoy ko yung nakakapangakit niyang scent yung nanunuot sa aking ilong.

Magkadikit yung aming mga braso at makinis at mamumula rin ang pisngi pero pouted ang kanyang lips na mapula kahit walang lipstick na nilalagay. Sana hindi ako maakit kay Lorraine. Pero grabe lang kasi ang charisma niya.

Nakakahalina at kahit na medyo sopistikada lang ang dating niya. Maganda rin siya. Pero para sa akin si Janina lang ang hindi ko pagsasawaang pagmasdan ang mukha. Sa hindi inaasahang lumingon sa amin si Janina at sumimangot. Pero hindi ko na lang binigyang kahulugan.

Anu ba Pat! Let's eat na! I'm hungry na kaya. Janina! pahiram muna si Pat ah! Kakain lang kasi kami, tutal ayaw mo namang samahan so ako na lang. Pwede ba? Biglang nagsalita si Janina . Bakit ka pa nagpapaalam eh! hindi ko naman siya boyfriend. Ako ay napatingin sa kaniya. Walang kong nakitang reaction blangko.

Ok! Let's eat Lorraine! Thank you PJ! your so sweet..hindi ko akalain na makakasama kita. Pero bago kami umalis. May nagsalita na kaklase namin. PJ! pwede sa susunod ako naman ang samahan mong maglunch. Jamaica! inggetera ka talaga sige! alis na kami ni PJ! Bleh! Ang bango mo PJ! ang sarap mong yakapin. Pwede bang magapply na girlfriend mo. Hayaan muna si Janina ni hindi ka nga niya pinapansin eh! Nasabi ko agad, ikaw talaga Lorraine puro ka kalokohan sabay pinidot ko yung ilong niya. Sabay kiliti niya sa akin. Tara na nga! Nagwawala na yung mga alaga ko sa tiyan. Baka ikaw ang kainin ko ng wala sa oras. Wow! Napatingin si Lorraine at napanganga sa akin at sinabing sige gusto mo mamaya na lang ako magpakain sayo after ng klase natin ng dinner. Oh! akala mo kung anu na noh! Hahaha! 

Buti naman at papunta na kaming dalawa sa canteen. Habang yung mga babaeng nasa paligid namin ay, Hi Patrick! bakit pagdumadaan ka kinikilig ako at yung pabango mo kulang na lang ipunin ko para hanggang paguwi ko parang kasama lang kita.

Girl 2 : Jethro! bakit ang sarap mong titigan kahit hindi pa ako nakakapaglunch titigan lang kita nabusog na ako. Hoy! mga feelingera...Sabay hiyaw ni Lorraine sa kanila. Akin lang si PJ assumera talaga kayo. Feeling nyo naman papansinin kayo ni PJ...

Ako! natatawa lang sa mga nangyayari. Ahahahah! Napapakanta tuloy ako. Mahirap ang maging pogi! Itong katabi ko feeling GF lang. Ahahahah! Ang gwapo ko lang..

Nakapila kami sa canteen ng may magulat ako sa biglang pag abot ng pagkain sa akin. Patrick! Heto na nga pala binili ko para sayo. Para hindi ka magutom. Nagiisip ako kung tatanggapin ko ba o tatanggihan. Pero naisip ko na tanggapin sayang eh! at hinawakan ko yung mga kamay niya at sinabing Thank you! hinalikan ko pa yung mga kamay niya. Nagulat ako sa ginawa niya. Dahil hinalikan niya ako sa pisngi. Nagiwan pa ng lipstick. Sana sa susunod kumain ka muna. Sige miss. Sa susunod wag ka na mag abala ha!

Dala na namin yung mga pagkain namin. Nang makita ko si Janina at Donna sa kabilang lamesa. Napatingin lang siya sa akin. Pero si Donna, Hi Patrick! Kamusta ka naman? lalo kang nagiging gwapo ah! Natawa naman ako sa kaniya. Napangiti naman ako sa kanya. Kumindat pa ako sa kanya. Napansin kong namula siya. Napangiti pa.

Bakit parang ang tahimik niya. At parang malalim ang iniisip. Sana kausapin na niya ako. Lagi na lang siyang may ginagawa. Parang iniiwasan niya ako.

PJ! gusto mo itong Lasagna? Buka mo yung bibig mo. Isinubo sa akin ang lasagnang kinakain ni Lorraine, masarap nga!. Tama na Lorraine! Busog na ako.Baka tumaba ako nyan. Mahirap na baka makabawas ng pogi points.

Ang sweet mo talaga. Kanina ka pa ganyan ah! Baka main love na ako sa niyan. Napangiti na lang ako sa kaniya. 

Sige nga main love ka sa akin. Hindi ka magsisisi pag ako yung naging gf mo. Natatawa na lang ako sa kniya. Grabe! talaga itong babaing. ito. Hays! sana nga ganun lang kadali ibaling sa iba yung nararamdaman mo. 

Bakit ba ganun ba siya. Wala naman akong ginagawa ah! Nakakawalang gana bumalik kung lagi mo na lang makikita yung asungot na yun. Na halos lumuwa na yung mga mata sa kakatitig sa kanya.

Pero naisipan kong bumalik sayang yung mga pagkakataon na makakasama ko siya.

Pogi Problems (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon