Kabado. Najejebs. Hindi mapakali at giniginaw dahil sa lamig ng hangin sa loob ng bus. Iyon ang nararamdaman ko nang bumiyahe ako isang gabi papunta ng Batangas.
Alam kong malayo na ako sa Makati dahil sa tantiya ko ay mahigit isang oras na ang tinakbo ng bus na 'to. Palinga-linga ako sa may bintana. Sinadya kong umupo sa may harapan, sa may likod mismo ng driver dahil hindi ko kabisado ang pupuntahan ko, para isang kalabit lang ay malalaman ko na kung hindi pa ba ako naliligaw.
Maya-maya ay tumabi sa akin ang konduktor na katatapos lang magtiket sa mga bagong sakay na pasahero. Konti lang naman ang mga pasahero dahil mag-aalas-onse na 'yun ng gabi. Hindi ko sigurado kung nahalata ba ng konduktor ang kaba ko nang tanungin ko siya ng "Kuya, malayo pa po ba ang Tanauan?".
"Ay malapit na po."
"Ah okay. Pakisabihan na lang po ako. Dun po ako sa mismong babaan."
Tumango naman ang konduktor. Medyo nabawasan ang kaba ko. Kinuntento ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid sa daan. First time kong magawi sa parteng ito ng Batangas. Wala akong kaide-ideya sa hitsura ng Tanauan. Biglaan kasi ang nagingd esisyon kong dayuhin ito. Ni hindi na ako nakahingi ng tulong kay Google Map at sa ganitong dis oras pa ng gabi.
Gusto ko ngang sabihan ang sarili ko ng "Wow girl, ang tapang mo!" pero agad ko ring winaksi iyon sa isipan ko. Hindi ito katapangan. Bagkus, ito ay isang malaking katangahan.
Napatigil na lang ako sa pagmumunimuni nang kalabitin ako ng konduktor sabay sabing "Miss, Tanauan na po."
"Thank you po kuya", nakangiti kong tugon sa kanya at dali-dali nang bumaba ng bus.
Sa pagbaba ko, bigla akong napayakap sa sarili ko nang salubungin ako ng malamig na hangin. Naka-long sleeves naman ako, skinny jeans at sneakers pero pakiramdam ko tagos hanggang bone marrow ang nararamdaman kong lamig. Nakakapanginig. Nilinga ko ang paligid. Sa likod ko ay isang gas station. Buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa mga taong gising at nangaghuhuntahan pa.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Puwesto ako sa gilid ng gas station at binasa ang kadarating lang na text message.
"Ano na dude? 'Asan ka na?"
Agad akong nagreply. "Dito na. Kabababa lang."
Wala pang isang minuto ay nag-vibrate na muli ang cellphone ko. "Ah okay. Basta dun tayo magkita sa may Jollibee. Konting lakad lang yun mula jan sa bus stop."
"Okay dude. Text kita 'pag andun na ko." reply ko.
Pagkatapos ko ma-send ang reply ko, agad kong nilinga ang paligid. Sa di kalayuan ay nakita ko kaagad ang malaking pagmumukha ni Jollibee. Pilit akong napangiti sabay tawid sa kabilang side ng highway. Habang naglalakad, muli kong naramdaman ang himagsikan sa loob ng tiyan ko.
"Shit!" At binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Pagpasok na pagpasok sa Jollibee, agad kong tinanong ang guard kung nasaan ang CR. Buong lugod naman niyang iminwestra ang kinaroroonan nito.
Pagkatapos matunton ang CR, agad kong inupuan ang toilet bowl. Buti na lang walang ibang tao sa loob kaya malaya kong nailabas ang kanina pang kinikimkim. Matapos ang ilang ire, nakaramdam na ako ng kaunting ginhawa. Sabay punas at hugas ng kamay, tapos ay nanalamin, inayos ang sarili, huminga ng malalim at ibinulong sa sarili ang forever mantra na "Kaya mo 'yan Tet!".
Paglabas ng CR, umorder ako ng kape at pinili ko ang upuan sa may bandang sulok kung saan kitang-kita ko kung sinumang papasok sa naturang kainan na 'yun. Nang nakaupo na, tinext ko na siya. "Dude dito na ako."
Habang taimtim na humihigop ng kape, naka-concentrate naman ang mga mata ko sa pintuan. Alam kong any moment ay darating na siya. Gusto kong ako ang unang makakita sa kanya. Gusto kong makasigurado na siya na nga yung kanina lang ay ka-chat ko sa Facebook. Bago ako umalis ng bahay kanina ay minemorize ko muna nang maige yung bawat hilatsa ng pagmumukha niya na naka-post sa Facebook profile niya. Ayoko magkamali.

BINABASA MO ANG
ONE SHOT COLLECTION♡♥
Non-Fiction♥♡♥♡ Ibat-ibang storyang inyong maiibigan at mababasa kada chapter. :-)