First love (IV) LAST

4 0 0
                                    

___________________________________

"Asan ka na?"

Walang duda, sa'yo galing ang text message na ito na kare-receive ko lang. Hindi dahil sa memoryado ko ang number mo kahit hindi ko ito i-save sa phonebook. Hindi dahil sa bumabakat ang fingerprints mo pag nag-a-appear sa cellphone ko. Hindi dahil sa nakikita ng mala-teleskopyo kong mata ang DNA mo bawat message na pinapadala mo. Kundi dahil ikaw lang naman ang kanina ko pa kapalitan ng text, ikaw lang naman kanina pang nangungulit at tumatawag sa akin sa kadahilanang hindi maabot ng naguguluhan kong isipan. Sino pa ba iba kong pagdududahan, diba?

Ewan ko ba. Nawala na sa isip kong i-save ang number mo at lagyan ng pangalan mo. Siguro dahil ayoko na rin makita pa ang pangalan mo na nagpa-flash sa screen ng cellphone ko. Dahil siguro ayoko nang maramdaman ulit 'yung abnormal na pagtibok ng puso ko 'pag nalalaman kong galing sa'yo ang text o tawag. 'Yung parang sinupalpalan ka ng hollowblocks sa lungs at dagling natigilan ka sa paghinga.

Napabuntung-hininga ako. Nakatitig sa message mo. Napaisip. Sabay nguya ng twister fries. Ewan ko ba kung bakit ito naisipan kong orderin kanina. Napangiwi ako. Bakit nga ba kailangang gawing komplikado ang mga bagay-bagay? Tulad na lang nitong pinaikot-ikot na patatas na 'to. Pinahihirapan lang nila mga sarili nila. Pareho lang naman lasa nito kumpara sa tuwid na mga fries. But then, sabi nga, life has its own twists and turns. Siguro dun nakuha ang konsepto ng paggawa ng ganitong kakaibang fries. Para nga naman daw exciting. Ewan.

Binalikan ko ang text mo. Nag-type.

"Andito lang ako sa bandang gilid mo. Tanaw ko nga ang nagugulumihanan mong pagmumukha eh."

Muli kong pinasadahan ang reply ko. After 10 seconds of thinking, pinaharurot ko ang backspace key. Ibinalik sa bag ang cellphone. At muli, pinagmasdan ka nang taimtim mula sa di kalayuang sulok ng fast food chain na 'yun. Siguro kung matyaga ka lang magmasid, kanina mo pa ako nahuling nagtatago sa likod ng mapagbigay at matulunging dingding na 'yun. Siguro kung ini-activate mo lang ang peripheral vision mo, masisilip mo na kanina pa ako pasulyap-sulyap sa pinagpala mong gwapong mukha. At kung hindi mo sana pinapairal 'yang kakapalan ng balat mo, mararamdaman mo din 'yung tagusang pagtitig ko sa'yo. Parang detective lang. Pinagmamasdan at pinag-aaralan ang bawat kilos mo, ang bawat paghigop mo sa coke float, ang pagtingin-tingin mo sa cellphone mo habang inaantay ang reply ko, ang paminsan-minsang pagtanaw mo sa pintuan sa tuwing may bagong papasok.

Ramdam ko ang sobrang pagkainip mo. Kung tama ang calculation ko eh mga kalahating oras ka na nakaupo sa pwesto mo na yan. Di ko lubos maisip kung papano mong napaabot ng ganun katagal ang coke float mo, ang nag-iisa mong inorder kanina. Natatawa pa ko sa hitsura mo kanina habang nakapila sa counter. Ang tagal mo kasi pumili, palinga-linga pa. Parang napipilitan ka lang umorder. At 'yung coke float na lang napagdiskitahan mo. Oo nga naman, nakakahiya nga naman tumambay dun na wala man lang kahit isang order. Pagkatapos umupo ka na sa pwesto kung saan madali mo matatanaw ang mga pumapasok at lumalabas ng kainan na yun. Nagpasalamat ako at nauna ako sa'yo ng mga fifteen minutes doon. Mas may time ako magtago at makapili ng magandang lugar kung saan ikaw ang naging taya sa laro nating taguan.

Nag-vibrate ang cellphone ko.

Sinilip ko. Number mo, tumatawag.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa cellphone na nanginginig din. Gustong-gusto ko i-accept ang tawag mo na yun. Pero ano sasabihin ko? Na parating na ko? Na na-traffic lang ako? Yun ay kung maniniwala ka ngang nagkakaron ng traffic 'pag ganitong alas-dos ng madaling-araw at Linggo pa. At pa'no na lang 'pag narinig mong pareho pa tayo ng background music di'ba? Ano yun, coincidence? Fate? So deadma, balik sa bag ang cellphone.

Tumingin ulit ako sa'yo. Itinigil mo na ang pag-dial at nakuntento na ulit tumunganga at maghintay.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa lamesa. Pero pinigilan ko sarili ko. Baka nga naman makuha ko pa ang lumulutang mong atensyon. Pero talagang gusto ko magwala at that very moment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT COLLECTION♡♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon