I knew him since grade 5. Hindi kami magka-section so hindi ko pa siya gaano kakilala nun. Pagtuntong ng grade 6, same section na kami. My first impression: gwapo pero mayabang mayabang pero gwapo naman. (I don’t like describing him as cute. ‘Coz he’s deeper than that. Naks.) During classes I doubt kung napapansin din ba niya ako. Malikot kasi siya, maharot, maingay. Ako naman tahimik lang, mahiyain at kahit matalino ay punong puno pa rin ng insecurities sa katawan dahil alam ko wala ako sa kalingkingan ng ganda ng mga babae na nakapalibot sa kanya. Bata pa lang kasi heartthrob na ang mokong.
Pagtuntong ng highschool, classmates pa rin kami. Hindi ko akalain na mas lalong titindi ‘yung paghanga ko sa kanya lalo na’t alphabetical ang seating arrangement namin. Dahil sa natatangi kong apelyido, napunta ako sa bandang likod. Siya naman ay hindi nalalayo sa akin, abot-tanaw ko lang din. Kita mo nga naman kapag sinuswerte diba? Makalipas ang ilang linggo at buwan, nagkalimutan na sa seat plan. Yung mga babae nagsilipatan na sa harapan lalo na yung mga naiingayan sa likod. Ako lang ang natataning loyal sa seat plan ko. Kasi naman yung mga boys, gaya ng inaasahan, nagsilipatan sa bandang likod lalo na yung mga maiingay at pasaway. At sa akin sila nakapalibot. Advantage daw yun sa kanila lalo na kapag may exams. Sadyang hindi kasi ako madamot pagdating ng mga exams at kahit oral exams pa. Hindi ako katulad ng ibang matatalino sa klase namin na masyadong sineseryoso ang mga grades. I’m a cool person kahit tahimik lang. First honor pa rin naman ako nun kahit ganun. Kaya rin naman ako naging mapagbigay ay dahil sa kanya. Tuwing exams kasi nagiging ka-close ko siya. Hahaha. Bakit ba? Gusto ko lang makatulong. Hahaha. Simula noon, napansin ko na napapansin na niya ako. And it made my heart flutters lalo na kapag binabati na niya ako. Sabi ko, “Waw may improvement”.
Dumaan ang mga araw, nagbibinata na rin siya at mas lalo siyang nagiging ‘hot’ sa paningin ko. Landi lang eh. Eh ako, parang bata pa rin, maliit lang, payat, mahiyain pa rin. Naiimagine mo na ba kung gaano kalayo yung agwat namin sa isa’t isa? Kasi ako nung time na yun, OO. At ang sakit-sakit sa heart kapag nakikita ko na meron siyang ibang nililigawan or nilalandi. Sa sobrang sakit, halos sumabog na yung puso ko. Gusto kong ipaalam sa kanya na mahal ko siya, pero paano? Kapag kaharap ko na siya, natatameme na lang ako.
Until that time came. I reached my limit. Sumabog ako at inamin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Na mahal ko siya. Na nasasaktan ako dahil alam ko namang kahit kelan ay hindi naman niya rin ako mamaahalin. Dahil sino nga ba naman ako diba? Isang nerdy payatot na tatanga-tangang na-in love sa kanya.
Second year high school na kami noon. Hindi ko alam kung gaano kabagsik yung sumapi sa akin. Nakita ko na lang ‘yung sarili ko na pasikretong inilalagay ‘yung love letter na ginawa ko the night before sa bag niya habang walang tao sa room namin. Tapos nagmamadali akong lumabas ng room. Nang nasa labas na, naramdaman kong humiwalay na ‘yung sapi sa katawan ko. Nang ma-realize ko ang mga pangyayari, gusto kong bumalik sa room para kunin ‘yung ipinuslit kong sulat sa bag niya. But it was too late. Nagdatingan na ‘yung iba naming mga classmates.
Sa buong araw na ‘yun ang hitsura ko ay parang ‘di matae. Sumisikip ang dibdib, hindi ako makapag-concentrate sa lessons. Tapos nung hapon na, last subject namin ay maglinis sa school ground. Ewan ko rin ba, naturingang private school pero walang ma-hire na janitor para maglinis. Katwiran ng eskwelahan, makakatulong daw ‘yun sa aming kinabukasan. Duh! Haha. Ang oras ng paglilinis ay oras din nang tsismisan sa amin. Kanya-kanyang tumpok, kanya-kanyang grupo. Habang kasama ko ang mga barkada ko, hindi ko naiwasang mapatingin sa grupo nila. Doon ko nalaman na nabasa na niya NILA ‘yung sulat ko para sa kanya. Kahit malayo ay naririnig ko ang hagikhikan at mga tuksuhan. Nag-panic ang lola mo teh! Parang sasabog ang isip at puso ko sa dami ng iniisip.
Wait! Pinalitan ko naman ‘yung penmanship ko dun diba? Imposibleng malaman nila na sa akin galing ‘yun. Teka, ano ba nilagay kong signature doon? Di naman siguro ako ganun ka-careless para isulat ang pangalan ko. Basta sigurado ako Wonderwoman ang ginawa kong code name doon. Sigurado nga ba talaga ako? Oo! Pero bakit parang dito sila banda nakatingin? Ako ba pinag-uusapan nila? Of course not, imposible ‘yun. ‘Wag kang paranoid. Kalma lang. Kalma.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COLLECTION♡♥
No Ficción♥♡♥♡ Ibat-ibang storyang inyong maiibigan at mababasa kada chapter. :-)