Epilogue

7.6K 59 3
                                    

"Ma nandito na ko!" Malakas na sabi ko bago dali daling umakyat papunta sa kwarto ko.

Nilock ko agad ang pintuan bago madaling lumapit sa may bintana at dahan dahang umupo dun.

"Ang ganda nya." Mahinang bulong ko sa hangin habang nakatingin don sa batang babae na masayang nakikipaglaro sa mga kalaro nito.

Sa pagkakaalam ko ang pangalan nya ay Pam.Di ko alam kung palayaw nya ba yun o yun talaga ang totoo nyang pangalan,hindi ko pa kase sya masyadong kilala.

Bagong kapitbahay ko sya,nong nakaraan lang sila lumipat dito sa lugar amin.Magkatabi lang din ang bahay namin na pabor naman sa akin pero kahit bago lang sya marami na agad syang naging kaibigan at marami na ding nakakakilala sa kanya dito sa village.

Na hindi tulad ko na lagi lang nandito sa loob ng kwarto at tahimik na nagmamasid sa paligid.Hindi ko kase trip yung gumala sa labas at magaliw aliw.Mas gugustuhin ko pang dito na lang sa loob ng kwarto kesa magpakainit sa labas at maging negro.

Hindi din ako masyadong kilala dito sa amin kahit magda-dalawang taon na kaming nakatira dito ni mommy.Maliban sa hindi ako lumalabas ng bahay iwas din ako sa mga tao dahilan para iwas din nila ako.

Hindi malaking problema sakin yun.Yon nga ang gusto ko eh,yong walang nakakapansin sa presensya ko.

Eto ang laging routine ko sa pangaraw araw,uuwi ako ng maaga para maaaga din syang makita.May gusto ako sa kanya,puppy love daw ang tawag dun sabi ni mommy.

Hindi ko alam kung pano nya matatawag na puppy love yun kung crush ko lang naman sya,diba dapat puppy crush? Tsk.

Napangiti na lang ako ng makita ko ang kabuuhan ng mukha nya.Medyo nakaharap kase sya sa gawi ko kaya kitang kita ko ang kagandahan nya.

Pero agad ding nawala ang ngiti kong yun ng biglang syang mapatingin sa gawi ko at kawayan ako habang nakangiti dahilan para mapatingin sa akin yung mga kaibigan nya,biglang naginit ang pisngi ko dahil dun bago dali daling iniharang ang kurtina sa pagitan namin.

"N-nginitian n-nya a-ako.."hindi makapaniwalang sabi ko bago patalong humiga sa may kama ko at dun wagas na ngumiti.

My Boss, My Lover!Where stories live. Discover now