Kabanata 13

3.3K 42 22
                                    

Loxien POV

"Knock! Knock!"tawa tawang sambit ni Martin habang magkakasama kaming kumakain dito sa cafeteria.

"Who's there?"natatawa ding tanong namin sa kanya.

"Nanay ni wally!"

"Nanay ni wally who?"

"NANAY NI WALLY ako sa poreber,magmula ng makilala ka!~"kanta nya dahilan para malakas kaming mapatawa!

"HAHAHAHAHAHA!!!"

"Hahaha ito pa! Meron pa ko! Knock! Knock!"

Tumawa muna kami bago sya sinagot."Who's there?"

"Pillowtalk!"

"Pillowtalk who?"

"Ako ay may lobo lumipad sa langit di ko na nakita PILLOWTALK na pala!~"

"BWAHAHAHAHAHA!!"

Wala na kaming pakielam kong pinagtitinginan na kami ngayon ng mga ka-trabaho dahil tanging kami lang ang maingay dito sa cafeteria namin,basta masaya kami okay na yun.At hindi na rin namin kasalan kong hindi sila masaya tulad namin.

"HAAAAAAAAA!!"

Napatigil lang kami sa pagtawa ng biglang malakas na umismid si Manny.Sabay sabay na kumunot ang noo namin nila Candy bago sya dahan dahan nilingon,katabi ko lang kase sya.

Bumungad samin ang nakaismid nyang mukha habang nakacross amrs.Mas lalong kumunot ang noo ko bago sya takang tiningnan.Anong nangyayare sa kanya? May mens ba sya kaya mukhang badtrip sya? Kinalabit ko sya at mas lalo akong napangiwi ng kunot noong nilingon nya ko,sobrang salubong na salubong ang kilay nya pero bahagya naman syang nakangisi? Weird.

"A-anong problema mo,Manny?"tanong ko pero nagulat ako ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sakin! Nanlaki ang mata ko bago mabilis na lumayo!"A-anong problema mo?!"medyo napalakas na sambit ko!

Nakakagulat kase yung ginawa nya! Kahit naman yata sino magugulat! Basta basta na lang kaya nya inilapit yung mukha nya sakin! Hindi kaya ako ready!

Pinanliitan nya ko ng mata."Talagang natawa kayo sa joke ni Martin?"parang nandidiring sambit nya kaya tumaas ang dalawa kong kilay.Anong pinagsasabe nya? Di ko sya maintindihan."Ha!"ungot na naman nya bago umayos ng upo at hinarap ang pinsan nya na nagtataka sa ikinikilos nya."Knock! Knock!"malakas na sambit nya.

Dahilan para maguluhan kami at hindi makaimik.Naguguluhan na talaga ako sa kanya,hindi ko sya maintindihan.Hindi ko alam kung galit sya badtrip o baka tinamaan na naman sya ng sakit nya—ang pagkabaliw.

Tiningnan ko sila Candy na nakatingin din pala sakin.Sinenyasan ko sila kung ano bang sinasabi nitong si Manny pero nagkibit balikat lang sila.Tiningnan ko din si Evans para tanongin ang kaso nagkibit balikat din sya.

"W-w-who's there?"napatingin kami kay Martin ng sya ang sumagot.Natigilan kami nila Candy at Evans matapos maintindihan ang gustong sabihin ni Manny bago sabay sabay na napatingin sa isa't isa pero hindi kami nagsasalita.

Magjo-joke din pala sya!

Pero kaylangan bang ganyan kaseryoso? Tsk naguguluhan talaga ako sa kanya.Ano bang nangyayare sa kanya para maging ganto sya ka-weird ngayong araw? Nagbreak na ba sila ng jowa nyang koreano? Wag naman sana.

Pero daks ba yun o juts? Hehehehe..

Landi mo Loxien ha!

Talandeeee!

"Chandelier.."sambit ni Manny.

Chandelier?

Nagkatinginan muna kami nila Candy bago sya sinagot."C-chandelier,who?"sabay sabay na tanong namin.

"CHANDELIER na lang maari bang pagbigyan~"

Mahabang katahimikan ang namayani sa lamesa namin matapos nyang kantahin yun.Para kaming dinaanan ng anghel dahil sa sobrang tahimik.Tamang tinginan lang kami at nagaabang kung sino ang unang babasag ng katahimikan yon.Bakit ba kase kaylangan mangyare samin ng delubyong to?

"HAHAHAHAHAHAHA!!!"

Taka lang kaming napatingin kay Manny ng bigla syang malakas na tumawa? Mas lalo kaming naguluhan sa inasal nya.Kanina para syang tigreng galit na galit tapos ngayon para syang baliw na tumatawa?

"Baliw na ba sya?"napatingin ako kay Evans na nasa kaliwa ko ng bigla nya kong kinalabit.

Dahan dahan akong nagkibit balikat."E-ewan ko.."sambit ko bago ngumiwi.

"BWAHAHAHAHAHA!!"tawa nya habang kinakalampag ang lamesa namin dahilan para dahan dahan akong mapalayo sa kanya at mas lalong mapalapit kay Evans.

Ang weird talaga nya ngayon..Ewan

"A-ano ng sa tingin mo,Loxien?"mahinang tanong pa sakin ni Evans at kahit hindi ko nakikita ang mukha nya alam kong nakangiwi na din sya ngayon tulad ko.

"Baka..n-nga baliw na talaga sya"mahinang sagot ko.

"HAHAHAHAHA! ANG EPIC NG MUKHA NYO! MGA MUKHA KAYONG PINAGBAGSAKAN NG LUPA! HAHAHAHA! LAUGHTRIP TALAGA!"tawa tawang sambit nya habang nakahawak sa tyan nya at isa isa kaming tinuturo.

Mahina akong napatawa.Pinagti-tripan lang pala nya kami kanina pero infarness ang galing nyang umarte.Hahahaha! May pagkasaltik talaga ang babaeng to,tsk.

"Kaloka ka bakla! Kala ko sinapian kana!"inis na sabi ni Candy at inambahan sya na babatohin ng baso kaya napailag sya habang natawa parin.

"Matamaan ako nyang bakla!"

"Hahahaha! Pero nadali mo kami dun! Pwede ng artsita tong pinsan mo Martin!"baling nya kay Martin.

"Ha!"ungot ni Martin bago nandidiring tiningnan ang pinsan nya."Hindi pa no! Wala pa nga sya sa kalingkingan ko! Kumbaga patay na kuko ka palang kumpara sakin! Hahahahaha! Ako parin ang bida—"

"Syempre bida bida ka e!"putol sa kanya ni Manny bago sya binato ng tinidor.

Ang kaninang ngiwi ko ay mas lalong ngumiwi.Mukhang magsisimula na naman sila ng gera sa panig ng isa't isa.Tsk panibagong away na naman,wala talagang kasawaan ang dalawang to.Napailing iling ako bago nakitawa na rin.

"Hahahahahahaha!"tawa namin nila Candy at Evans habang pinapanood na magpatayan yung dalawang magpinsan.At habang nanonood ipinilig ko ang ulo ko sa balikat ni Evans.

"Aray ko Manny! Nakakasakit kana!"

"Anong sabe mo kanina?! Patay na kuko ako?!"

"Oo! Bakit?! Totoo naman yun ha!"

"Hahahahahaha!"tawa namin.

"Aba't inulit mo pa talaga!"inis na sabi sa kanya ni Manny bago tumayo at sinabunutan sya."Tikal din talaga yang mukha mo!"

"Aray!"piglas ni Martin bago din inis na tumayo.Mas lalo pa kaming napatawa dahil don,ayan na.Sinisimulan na nila.

"Hahahahahahaha!"

"Tinatanong moko e kaya sinagot kita! Ano bang pinaglalaban mo?! Gusto mo ba ng atensyon? Ha! Sige!"inis na ani ni Martin bago nilingon ang mga ka-trabaho namin na tawang tawa na ngayon habang pinapanood sila."Hoy mga tropa! Alam ko namang kilala nyo tong si Manny,diba?"tanong nya sa mga ka-trabaho namin.

At mas lalo kaming natawa nong tawa tawa silang tumango.

"Oo!"sagot nila.

"Hoy! Putangina mo Martin! Tumigil ka nga—"

"Hindeeee! Diba gusto ng atensyon,Pinsan? Eto na! Pagkakataon mo na to!"putol sa kanya ni Martin.

"Hahahahahahaha!"tawa namin.

"Gago ka Martin! Masasaktan ka talaga sakin pag hindi ka pa tumigil!"

"Takot ako sayo!"

"Dapat talagang matakot ka!"

"Can I join?"natigil kami sa pagtawa ng biglang may nagsalita.Nilingon namin yun at halos manlaki ang mata namin ng makilala namin kung sino sya!

Boss Right!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Boss, My Lover!Where stories live. Discover now