Kabanata 11

1.7K 16 0
                                    

Loxien POV

"GOOD MORNING Loxien!"sabay na masayang bati sakin nila Manny at Candy pagkarating ko sa cubicle ko maliban kay Martin na nakangiwing nakatingin kila Manny.

Ako din ay napangiwi dahil sa inasal nilang dalawa,mukhang may magandang nangyare sa kanila kaya ganyan sila kagood vibes.Ano kaya yun?

"Maayos ba ang araw mo,Loxien? Kase ako sobrang ayos!"parang kinikilig na sambit sakin ni Manny bago ako inangklahan.

"Hays"nakangiting buntong hininga ni Candy?"Ang ganda din ng sa akin para yatang ayoko ng magising"sambit nya bago umangkla sa akin na ikinangiwi ko ng todo.

Mukhang hindi lang maganda ang naganap sa buhay nila,batay kase sa nakikita ko sa mga inaasal nila higit pa sa salitang maganda ang naranasan nila.

"Parehas tayo"nakangiti paring sambit ni Manny bago dahan dahan ipinilig ang ulo nya sa balikat ko na ginawa din ni Candy.

"Hays"sabay na buntong hininga nila na ikinatawa ko bago takang tiningnan si Martin na umiiling iling.

"Tatawag na ba ako sa 911 Martin?"natatawang tanong ko sa kanya.

"Mabuti pa nga!"asik nya.

"Hahahahahaha!"tawa ko.

"Tsk! Mukha talaga natamaan sila ng sobra dun sa lalakeng yun.Tsk! Hindi naman gwapo,mga walang taste!"biglang sigaw nya kila Manny at Candy na natigilan.

Natawa naman ako nong pinalibutan sya nong dalawa.

"Loxien.."tawag sakin ni Martin pero nginitian ko lang sya."Loxien!"

"Hahahaha"tawa ko.

"Anong hindi gwapo?! Bulag kaba o tanga lang?!"sigaw sa kanya ni Manny."Gwapo sya! G.W.A.P.O! Gwapo! Palibhasa kase nong ipinanganak ka ganyan na yang mukha mo kaya hindi mo alam ang salitang gwapo!"sigaw pa nya kay Martin dahilan para mapatawa ako.

"Anong gwapo dun?! Mukha nga lang syang talampakan!"balik ding sigaw sa kanya ni Martin.

Napansin ko ding nakatingin na sa aming lahat ang mga ka-trabaho namin,yung iba ay natatawa at yung iba naman ay nakangiti habang nakatingin samin.Napailing ako,sino ba kase yung tinutukoy nila para maging ganyan kagalit yang dalawa? Tsk.

"Panget ka kase kaya hindi mo alam ang definition ng salitang gwapo!"maarteng sigaw sa kanya Candy.

"Ha?! Ako panget?! Bulag kang bakla ka! Alam mo bang kasunod sa pangalan ko ang salitang gwapo-"naputol sya nong binatukan sya ni Manny.

"Hahahahahaha!"malakas na talaga tawa ko.

"Gago! Martin Leo Reyes ang pangalan mo! Saan dun ang salitang gwapo?!"sigaw sa kanya ni Manny.

"Yun! Leo! Leo ang sumasagisag sa kagwapuhan ko!"sigaw nya dahilan para matawa kami!

"Hahahahahahahahaha!"tawa naming lahat.

"Assumero!"maarteng sabi sa kanya ni Candy bago kunwaring nagflip ng hair.

"Tangina mo Martin!"sigaw sa kanya ni Manny bago sya kinutusan.

Tawa tawang tiningnan ko sila bago takang tiningnan."Ano bang meron? Sino ba yang pinaglalaban nyo?"tanong ko.

"Kyaaaaaaaaaaaaah!"bigla akong napangiwi nong bigla silang tumili,pati yung mga ka-trabaho naming nanoood kanina ay tumili na rin?

Eh? Ano ba kaseng nangyayare? Yan! Pa-late kapa! Tsk! Malay ko bang hindi ako gigisingin nong hinayupak na Evans na yun! Speaking of Evans hindi ko sya nakita kanina sa bahay,nagtaka nga ako non pero baka may pinuntahan lang sya kaya maaga dyang umalis,malaki na rin naman yun kaya hindi na ako nagaalala dun.

My Boss, My Lover!Where stories live. Discover now