Kabanata 6

2K 42 1
                                    

"SUMUNOD KA sakin"sabi ni Boss pagkapark namin at dire-diretsyong lumabas ng kotse.Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa labas.

Anong ginagawa namin sa lugar nato?

"Hey! Bilisan mo.Wag ka ng mangarap na pagbubuksan pa kita"dinig kong sabi ni Sir habang nakatayo sa labas ng kotse at nakatingin sa akin.

Palihim ko naman syang inismiran bago nginitian ng malawak.

"Eto na po sir.Wait lang"kunwaring malambing kong sabi bago lumabas ng kotse.

Nagiwas sya ng tingin bago tumalikod at nangunang lumakad paalis,inismiran ko sya pagkatalikod nya!

Kala mo kung sino!

Umirap muna ako sa hangin bago patakbong sumunod sa kanya kahit masakit pa ang paa ko dahil sa magdamag na pagtayo.

"Sir wait!"maingay na sigaw ko.

Wala akong pakielam kung pagtinginan man ako ng mga tao dito,basta ang mahalaga matawag ko sya.Pero tulad kanina,wala pa rin,hindi pa rin sya nalingon o huminto man lang.

Inis akong napahinto sa pagtakbo at inis din syang tiningnan bago malumanay na naglakad.Titingnan ko na lang sya sa malayo,panigurado naman akong hihinto din ang isang to.

Adik sya kung lilibotin nya lang tong buong park sa buong oras namin dito,tsk.Oo,sa park nya ako dinala,tsk ang akala ko pa naman may mahalagang business meeting kaming pupuntahan para isama nya pa ako.

Hindi naman ako na-inform na dito nya ako dadalhin sa park kung saan unti lang ang tao,tsk nagsasayang lang kami ng oras dito.

Sunod lang ako ng sunod sa kanya pero malayo ang pagitan naming dalawa,sya ang nasa unahan habang ako nandito sa may likod at nakatingin lang sa bawat galaw nya.Tumitingin tingin lang naman sya sa paligid tila ba pinagmamasdan ito.

"Aray!"daing ko ng may biglang makabunggo sa akin habang naglalakad ako.

Huminto ako at inis yung tiningnan,handa na sana akong singhalan sya ng bigla na lang akong matigilan ng makilala ko sya."D-david?"mahinang sabi ko.

"Sorry miss"paghihingi pa nya ng tawad at bahagyang yumuko.Ng iaangat nya ang ulo nya biglang nanlaki ang mata nya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin dahilan para matawa ako.

"Loxien Sea Miranda?!"masayang sabi nya dahilan para matawa ako.

"David Charles!?"tawa tawang gaya ko sa kanya at umaktong yayakapin sya ang kaso napatigil yun ng may biglang humawak sa noo ko at inurong ako palayo kay David dahilan para hindi kami magkayap.

Taka kong tiningnan si Boss na syang nagpalayo sa akin kay David,wala na namang emosyon ang mukha nya na lagi kong nakikita habang nakatingin kay David na nagtatanong din ang mukha sa akin.

"Who's this guy?"baling sa akin ni David pero nasa kanya parin ang tingin ni boss.

Tengene!

"Ahm..David si Boss este Sir Right-"naputol ako ng biglang magsalita si Boss.

Syete talaga!

"Right Storm Martinez boss of Loxien Sea Miranda"walang bahid ng emosyong pagpapakilala ni boss habang nakalahad ang kamay nya kay David na nagse-seryoso na rin ang mukha.

"David Charl-"naputol si david sa akmang pagpapakilala ng biglang magsalita si boss.

Syete!

"I know"sabi ni Boss at binalingan ako ng tingin dahilan para kabahan ako ng todo!"Loxien Sea Miranda"tawag nya sa buong pangalan ko dahilan para dumagdag ang kabang nararamdaman ko!

Sa paraan palang ng pagbigkas nya sa buong pangalan ko,para bang inuutusan nya ako!

"Loxien.."tawag naman sa akin ni David dahilan para maguluhan ako.

Pumili ka loxien! Landi o trabaho?!

Tumikhim ako."Ahm..David"biglang nagliwanag ang mukha nya ng tawagin ko sya at ramdam ko din nagiba ang aura ni Boss sa may gilid ko habang matalim ang matang nakatingin sa akin! Ramdam na ramdam ko yun kahit hindi ako nakatingin sa kanya!"Ahm..mauna na kami"nahihiyang sabi ko sa kanya,naalarma naman ako ng biglang lumungkot ang mukha nya kaya ngumiti ako sa kanya bago sya hinawakan sa may balikat."Kung gusto mo punta ka na lang sa may condo ko pag may oras ka para dun tayo magkausap-"

"Condo mo?!"gulat kaming napalingon kay Boss ng bigla syang sumigaw.Nagaalinlangan naman akong tumango habang taka syang tiningnan.

"B-bakit Sir?"

"Bakit?! The hell loxien! Papupuntahin mo sya sa condo mo na magisa ka lang?! Hindi ka sigurado kung mapagkakatiwalaan mo ba yang lalakeng yan at hindi mo rin malalaman kung may masamang gagawin yan sayo!"inis nyang sabi sakin dahilan para kumunot ang noo ko at taka syang tiningnan.

"Boss este Sir wala naman pong masama kung papupuntahin ko sya dun sa condo ko at isa pa kakilala ko naman sya-"

"Kakilala-"naputol si boss ng biglang sumabat si David sa usapan.

"Ano bang problema mo dun Sir?"pinagkadiinan talaga ni david ang salitang 'sir' dahilan para mas lalong magkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa."Ano kaba nya para magalala ka ng ganyan?"

Nilingon ko si Boss ng wala akong marinig na sagot mula sa kanya.

"Im her boss"huling sabi ni boss bago ako hinawakan sa may pulsuhan at pwersahang hinila palayo kay David,nanghihingi ng tawad ang mukha ko habang nakatingin sa kanya,nginitian nya ako at kinawayan kaya ginantihan ko sya."Dapat talaga hindi kita iniiwang magisa,tsk"

"Ano yun Sir?"baling ko kay Boss ng mapansin kung may sinabi sya,hindi ko kase narinig ng maayos dahil wala sa kanya ang atensyon ko.

"Wala!"inis na sabi nya bago ako inis na pinaupo sa may upuang kaharap namin,tiningnan ko sya.

"Sir"

"Dyan ka lang may bibilhin lang ako! Wag kang aalis dyan kung ayaw mong mawalan ng trabaho! Behave!"sabi nya bago umalis sa harapan ko,hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya,among nangyare sa lalaking yun!

Bumuga ako ng marahas bago hindi makapaniwalang tumingin sa likod nyang nakalayo layo na.

"Ano daw?! Behave?! Mukha ba akong aso?!"inis kong tanong bago inis na umupo at nagcross arms bago ngumuso.

Maya maya din ay dumating na sya na may dalang.

"I-ice cream?"hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya pagkadating nya sa harap ko.

Tumango sya at umupo sa may tabi ko bago ibinigay sa akin ang isa,nahihiya ko naman itong inabot bago tumingin sa mga batang masayang naglalaro.

Ngumiti ako bago dinilaan ang ice cream."Salamat Boss este smSir-"

"Boss na lang"sabi nya kaya nahihiyang napatingin ako sa kanya.

"Yes Boss!"nakangiting sabi bago ulit binalingan ng tingin yung mga batang naghahabulan at sa hindi ko malamang dahilan,bigla kong namiss yung mga kababata ko,matagal tagal na rin simula nong magkita at magbonding kami,tawagan ko na lang sila mamaya pag may time ako.

"Nakakamiss yung pagiging bata no boss"baling ko kay Boss na abala sa pagdila ng ice cream,natawa na lang ako ng makita kong may ice cream sa gilid ng labi nya.

Lumapit ako sa kanya,natigilan sya bago ako takang tiningnan.Nginitian ko lang sya bago dahan dahan pinunasan ang gilid ng labi nya gamit ang hintuturo ko.

Nakatingin parin sya sa akin hanggang sa matapos ako dahilan para mailang ako.Ganun din sya,nagiwasan kami tingin at dumistansya sa isa't isa.

Ano ba yung ginawa ko?!tsk talandi ka talaga loxien!



Continue...

++Don't forget to vote,share and comment++

My Boss, My Lover!Where stories live. Discover now