CHAPTER ONE

158 2 0
                                    

Crystal

"Crystal bumaba kana! Kanina pa naghihintay ang anak mo baka malate pa siya sa school niya" dinig kong sigaw ng mama ko.

"Yan na po" balik na sigaw ko. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko ang anak kong nakaupo na sa mahaba naming sofa.

"Andrey. Let's go?"

"Okey po mommy" seryosong sagot ng anak ko.

Ganyan na yan magmula ng magkaisip na. Tahimik, masungit sa iba, hindi yata ngumingiti parang ama niya lang.

Nagdrive nako papuntang school. Sa private na siya pumapasok paano naiinip kasi siya sa school niya at paulit ulit lang daw tinuturo. Matalino kasi ang anak ko mana sa ama ang loko.

"Okey kana ba dito? If you want hahatid kita sa room mo?"

"No mom kaya ko na po" nakakunot noong sagot niya.

"Alright Drey see you later" sabay kiss sa lips.

On the way nako sa office ng maalala ko ang pangyayaring yun na bumago sa buhay ko.

Sa bar umiinom celebration naming magbabarkada for graduation. Pagkatapos kasi ng graduation for sure hiwahiwalay na kami.

Nagenjoy kami naging wild ng biglang may humila sakin at sumayaw kami sa gitna ng dance floor. Tinignan ko kung sino nahulog panty ko! Ang gwapo! Sabi ko sa isip ko na nasabi ko rin pala. Narinig ko siyang natawa pati pagtawa ang sexy! At natawa nanaman siya nasabi ko nanaman ba ng malakas?

"Yeah. Loud and clear baby" sagot niya.

"O-okey" kinakabahan ako kaya lalo yata akong nahilo.

"Wanna go with me somewhere else?"

I just nod. Hilong hilo nako eh. Tinignan ko friends ko wala din sila sa mesa namin kaya dumaan lang kami sa mesa namin to get my bag.

Napansin yata ng kasama ko hindi na ko makasabay sa paglalakad kaya inalalayan nako. Nakarating kami sa parking lot. Umupo na ko sa harapan at nagdrive na siya sa lugar na hindi ko alam.

Then the next thing wala nakong matandaan. Nagising na lang akong walang kahit na anong saplot sa katawan at may katabing gwapong lalaki. Kahit nakadapa kitang kita kong may abs to. Likod pa lang maglalaway kana eh. Ang una kong ginawa pinulot yung damit kong nagkalat at lumabas na. Dun ko lang nalaman nasa condo ako at nasa top floor kami wala siyang kahit na anong kasama sa floor na yun yung room lang talaga niya.

Hay... bakit ko pa iisipin 5 years na rin! Tanga tanga mo kari Crystal.

Pagdating ko ng office nagkakagulo sila. Ano bang nangyayari?

"Sandra anung ganap? Bakit parang nagkakagulo?" Tanong ko sa isa sa secretary CEO close kami eh.

"Yung bagong boss dumating na" 

Meron pala kaming bagong boss? At bakit ba bigla akong kinabahan?

THE BILLIONAIRE'S BABYWhere stories live. Discover now