Chapter 1

7 1 0
                                    

"Gwapo, mayaman, talented... Ano pang hahanapin mo? Siya na ang para sayo!"

Hindi ko na lang sinagot si Kyla at patuloy na nagtipa sa keyboard ng laptop.

"Ay sungit ni Madame. Hinahanapan na nga ng idi-date nag iinarte pa, tseh!", aniya habang tinitigan lang siya ng masama ni Hei.

"Sure ka may utak yan? Baka kasi pag tinanong mo kung ano ang one plus one, bibigyan ka lang ng yaman pero ang ulo walang laman. Nope. Hindi yan pwede sayo, Fe", sagot ni Hei sabay iling kaya tinignan naman siya ng masama ni Kyla.

"Matalino yun for sure. Mayaman eh", buong kumpiyansang sagot ni Kyla.

"Tanga. Maraming mayaman na bobo gaya ni Mekyla", parinig ni Hei kaya hinagisan siya ni Kyla ng unan.

"Sinong bobo? Alam ko ang one plus one noh!"

"Oo pero ang eight times eight ba alam mo?"

"Ano.... Umm wait.... Eight times six equals forty eight. Forty eight plus eight equals.... Fifty six. Fifty six plus eight equals..."

"Oh diba? Hahahaha! Nag plus ka pa eh multiplication ang tanong ko"

"Ano bang paki mo?"

"Paki ko? Ako lang naman ang matalino at ikaw ang bobo kaya.... Oo nga naman. Wala pala akong pakialam"

"Papatayin na talaga kita!!!"

Pinikit ko ang mata ko ng mariin at hinarap sila. Minulat ko ang mata ko at tinitigan silang dalawa ng masama. Hindi ko na talaga kayabg makinig pa sa kanila.

"MAGSILAYAS NGA KAYO RITO! DITO PA KAYO MAG-AAWAY EH KWARTO KO TO!!! ALIS NA!"

Sinarado ko ang pinto at nagbuntong hininga. Pasaway. Umupo ako ulit sa kama at hinarap ang laptop ko. Hindi nga talaga ako makakapag concentrate tuwing nandyan silang dalawa. Sinuot ko ang headset ko at nakinig na lamang ng Ai no Scenario by Chico. English cover.

Gajeel held my hand and said:

"I Love You, Levy"

Napangiti ako sa tinype ko. Writer ako. Oo, ng mga fanfictions ng paborito kong anime ships. Sa Fanfiction.net ako nag pa-publish ng mga gawa kong fanfics at marami naman ang natutuwa sa mga gawa ko. Marami narin ang followers ko kasi ginagawan ko rin kasi ng fanfics pati yung di ko ship. Pinagbibigyan ko ang mga requests nila sakin. Pero hindi lang yung kalaban ng mga ships ko kasi loyal ako sa mga ships ko.

Kai x Misaki...

Aichi x Kourin....

Naruto x Hinata.....

Sasuke x Sakura....

Zen x Shirayuki....

Mitsuhide x Kiki....

Kirito x Asuna....

Taki x Mitsuha....

Natsu x Lucy....

Gray x Juvia....

Examples lang yan ng mga anime ships ko. Marami pang iba.

"Maria! Kakain na!"

Bumusangot ako sa tawag ni Mama. Ganito siya pag galit. Minu-murder ang maganda kong pangalan. Ma, Marie nga kasi. Kinuha ko ang headset sa tenga at tiniklop ang laptop.

Bumaba na ako mula sa kwarto at nakitang nakaupo na silang dalawa ng kuya ko.

"Ang tagal mo talagang bumaba, kailangan ka pang tawagin ng paulit ulit ni Mama", asik sakin ni kuya nang maupo na ako sa tabi niya. Hindi ko siya pinansin at kumuha na lang ng pagkain.

"Gabi na kaya pinauwi ko na sina Heiza. Kanina pa umalis yung mga kaibigan mo pero di ka parin umaalis ng kwarto mo", sabi ni Mama kaya tumahimik na lang ako kasi alam kong misa na naman ang aabutin ko nito. I know....

In three....

Two......

One.....

"Nagpuyat ka na naman noh? Wag ka nang magsinungaling pa. Kitang kita, mata mo pa lang, itim na itim na", sermon niya habang nag uumpisa na akong kumain.

Sabi ko na eh.

"Wala to Ma. Gumawa lang ako ng mga requirements namin sa school", sagot ko kahit ang totoo, tinapos ko talaga ang Chapter 5 ko kagabi.

"Requirements daw. Eh bakit ang hina ng signal kagabi? Nag connect ka gidlang!(Nag connect ka kaya)"

Pinitik ko siya sa noo niya.

"Buang ka hay?(Baliw ka ba) PLDT gamit natin. OA, paanong naghina.....", sabi ko at tinignan siya ng masama.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Hindi ko kayo maintindihan", suway ni Mama. Si Mama kasi, hindi siya marunong mag Bisaya o Jamindanganon to be exact. Kay Papa namin natutunan to.

Nagkatinginan kami ni Kuya pero inirapan ko agad siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Arte...", bulong niya pa. Suplado.

"Greyson, tigilan mo na nga ang kapatid mo. Nga pala, pumunta rito yung girlfriend mo kanina", nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama.

"Girlfriend?", sabay naming tanong ni Kuya.

"Oo, girlfriend mo raw. Di ko nga kilala eh. Hinahanap ka pero sinabi kong umalis ka na kaya umalis na rin. Babalikan ka raw ulit bukas", ani Mama.

Sana naman si Hannah yun. Kikiligin si Kuya pag siya nga ang nagsabing Girlfriend niya siya.

Bumalik na ko sa kwarto ko nang matapos ang hapunan namin at nakapaghugas na ako ng pinggan. Binuksan ko ang laptop ko at sinimulan ulit ang pagtitipa ng bagong chapter sa fanfic ko. This time, Raku x Chitoge fanfic na naman.

I stared at him with wide eyes as he slowly kneeled down in front of me. I can also feel the liquid running down my eyes as I look at the scene unfolding in my eyes.

"Chitoge, the fake engagement.... Let's make it real. Will you take my hand and spend the rest of our lives together?"

I nodded repeatedly as if it was everything I've ever dreamed of. Honestly, it really is though. He smiled at me with teary eyes as he carefully slid the diamond crested ring on my finger. He stood up and hugged me very tight as I cried on his shoulder. This is what I've been waiting for, my entire life.

"Now, you can finally be mine"

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nalibang na ako aa pagsusulat. Kaya ko to. Tatapusin ko ang fanfic na to ngayong gabi!

"Fierra Maria, matulog ka na!"

"Opo, matutulog na!"

Kainis naman.

Author's Note:

Yehet! Ikailang story ko na kaya to? Hmmm I lost track😂 Basta ang alam ko, nadagdagan na naman ang nakatambak na On-Going stories ko. Iisa pa lang ang natapos😆 Anyway, balik na naman ako sa Humor kaya kabaliwan na to. Please bear with some anime stuffs and other things here that defines my personality. Hindi niyo ko masisisi, sisihin niyo ang utak ko. Yun ang nag-iisip eh😁 Basta!!!!! Sana magustuhan niyo💕 Saranghae, Wo Ai Ni, Aishiteru, I Love You, Mahal kita!😘 Sorry pala sa mga umaasa sa Sequel ng Smile, Selena pero hindi ko pa siya tapos eh. Wala ring ideas na pumapasok sa utak ko ngayon kaya On-Hold muna ang Look For That Missing Smile. If I could, I'll immediately update it😘 Anyeong😊

-KillAndAll

LabelledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon