Chapter 4

1 1 0
                                    

"Hoy san ka galing ha?", ang ganda naman ng bati sakin ng MABAIT kong kaibigan.

"Kay Kuya.....", sagot ko na lang at umupo na sa upuan ko. Alam na rin naman nila kung bakit eh....

"Di ko talaga maintindihan yang supladong torpe na Kuya mo, FM Radio", reklamo ni Kyla kaya nagkibit balikat na lang ako.

Teka FM what? Tung babaeng to!!

"Saksakin kita jan eh. Pwede naman kasing Fe na lang ginagawa mo pang FM... FM Radio mo mukha no", sabi ko a inirapan siya pero bigla ko rin napansin na parang may kulang.

Hmmm ano kaya?

"Teka Kyla... Ba't parang may kulang?", tanong ko kaya napataas ng kilay si Kyla.

"Anong kulang?", aniya.

"Basta. Ewan.... Parang ano.... Inportante pero nakalimutan ko", hmmm ano ba....

Baka sa gamit ko? Ahh kasi di ako nakapunta sa Canteen kanina at dun ako kumain sa University ni Kuya.

Teka hindi hindi! Parang iba talaga eh. Mas importante pa dun!

"Tao?", tanong ni Kyla.

Nagkibit balikat ako.

"Bagay?"

"Hmm parang di naman"

"May nakalimutan kang puntahan?"

Umiling naman ako. Wala naman siguro. Papuntang school lang ako lagi eh.

"School requirements???"

Nag-isip isip muna ako pero umiling din agad. Ako yung tipong di nagpapatagal ng gawain eh. Don't wait for tomorrow what you can do today.

Wag ka, motto ko yan.

"Argh. Hayaan mo na nga! Maaalala ko yan mamaya", sabi ko na lang at nilagay ang earphones sa tenga ko. Fifteen minutes pa naman ang first period sa hapon eh.

"Bahala ka"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Teka FM, asan nga pala si Heiza?"




YUN PALA YUN!!!

"Low", dinig kong sabi sa likod ko kaya napanganga ako nang makita si Heiza.

"Kanina ka pa?", san ba to nanggaling?

"Bago lang. Nakalimutan ko textbook ko kaya kinuha ko muna sa locker", aniya tsaka umupo.

In the end, hindi na lang ako nagpatugtog at nanatili lang na nakatingin sa cellphone ko habang hinihintay ang....

"Good afternoon class", yun na ang hinihintay kong bati ni Maam Averde.

"Good afternoon Maam", sagot naming lahat.

"Magkakaroon tayo ngayon ng maiksing pagsusulit. Kumuha ng kalahating papel"

"Maam? Crosswise?", laging tanong nila pag nag e-exam.

"Maam, ano maam? Lengthwise o Crosswise?"

"Lengthwise? Ano daw?"

"One fourth maam?"

Nakakairita talaga tung mga to. Ganito na lang palagi. Pwede naman kasing hintayin na lang ang instructions kesa magtanong ng paulit ulit. Kainis.

"Da Gama, makinig muna kasi! One half, CROSSWISE! Wala nang tanong tanong. Naiintindihan?", sigaw ni Maam kaya halos marinig na ang mga kulisap sa katahimikan ng room.

"Okay, number one! Sa test one, isulat kung Tama o Mali"

After 15 minutes....

"Number 20. Sinong Europeo ang naglimbag ng libro tungkol sa paglalakbay niya sa Asya lalong lalo na sa China?"

Hoo, finished.

"Exchange papers with your seatmates"

Ibibigay ko na sana ang papel ko kay Kyla pero nagpalit na pala sila ni Hei. Tsk...

"Dun ka kay GK oh", ani Kyla sabay nguso sa katabi ko.

No choice, edi sya. Di naman ako mahirap kausapin ehh.

Mukhang hinihintay niya rin akong magpalit sakanya kaya nagpalit na kami agad.

"Number one, Tama"

Natapos ang checking at perfect ang score ko. Sya..... Well two mistakes. Not bad. Talo nya pa si Kyla na seven mistakes.

Pero hindi parin talaga ako sanay na katabi yung si Gian. Siguro kasi first time na lalaki ang seatmate ko. Pero siguro dahil na rin masyadong walang pake tung Gian nato sakin. Parang nagkakatinginan lang kami tuwing mag e-exchange papers at share ng books or whatsoever. Ewan ko sa lalaking to. As if naman papansinin ko siya.

"Alam mo bagay kayo ng pinsan ko, Gian", tinignan ko agad ng masama si Jade. Pinsan ko. Paepal.....

Ngumiti lang si Gian na parang di naniniwala. Di rin naman ako naniniwala eh. Parang feeling naman tung lalaking to. Hindi ako cheap noh.

"Yang pinsan mo? Hay naku, Jade wala ngang gusto sa mga sikat na gwapo, jan pa sa walang pakialam sa mundo"

Inirapan ko na lang ang sinabi ni Kyla. Makapagsalita parang ang layo ko ah.

Hay sa wakas tapos na ang klase. Sobrang boring naman ng Araling Panlipunan. Para sa akin. Yun pa talaga ang panghuli ah. Kaya di kami nakikinig eh!

"Akala ko sasama si Heiza, Kyla?", sabi ko habang naglalakad kami paalis ng room ni Kyla.

"Nag research pa sa library eh. Ang hirap nang pinapa research ni Sir Jiro sakanya noh?", tumango na lang ako sa sinabi ni Kyla. Terror teacher yan si Sir Jiro Takashi. Half Japanese.... Sya yung boring magklase sa Aral. Pan.

Kami na lang ang magkasamang naglakad ni Kyla papuntang grocery store para sa kakailanganin namin sa camping.

"Ako na ang bahala sa food, Kyla. Ikaw na sa mga kakailanganin pang iba", sabi ko kaya naghiwalay kami ni Kyla.

Kumuha nako ng noodles, veggies, fruits pati snacks. Hmm pati na rin ba drinks?

"Kyla-"

Napatigil ako sa sasabihin nang makita kung sino ang nasa harap ko.

Si ADRIAN?!!!

Anong ginagawa niya rito???

LabelledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon