Chapter 5

0 0 0
                                    

"Kita na lang tayo bukas ah?", sabi ko kina Heiza at Kyla. Pagkatapos naming mamili ay bumalik muna kami ni Kyla sa school para ibigay kay Maam Harlyn ang mga kailangan para sa camping kaya nagkita kami ulit ni Heiza.

"Bye FM!"

"Bye Fe"

Kumaway muna ako bago tumungo sa kabilang direksyon papunta sa bahay.

Maya maya'y nag vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakitang si Mama pala ang nag message.

Mama:
Nasan ka na?

To Mama:
Pauwi na po ako Ma. Andito na po ako sa may intersection malapit sa bahay.....

Tinago ko muna ang cellphone ko sa bulsa. Pero bigla akong may naalala.

Si Adrian!! Shocks nakita ko sya kanina. Totoo ba yun? Eh pano ba yan, di ko tinanong si Kyla. Baka nagha hallucinate lang ako?

Hindi. Hindi. Wag naman sana. Kung alam mo lang Adrian, ikaw ang rason kung bakit wala akong boyfriend!

Hindi to alam nina Kyla kaya akala talaga nila ABNORMAL ako kasi pag wala daw crush, di normal. Mga utak nila puro kalokohan. Kaya ayokong sabihin sa kanila kasi malamang maghihisterikal yun at pag aasarin ako eh! Akala nila puro anime lang nasa isip ko....

Nga pala, nagustuhan ko si Adrian kasi....hmm siya yung ideal man ko eh. Yung mga crush ko sa anime.

May pagka cold pero matalino. Ayie!!!

"Aray ko bwisit!"

Tiningala ko ang lalaking nakabangga ko ay nakita ang pinala pangit na nilalang sa mundo.

"Malapit lang daw pero parang isang kilometro ang nilakad sa tagal...."

Inirapan ko lang sya at dumiretso sa pagpasok sa gate ng bahay namin. Bakit nga pala ako nagkaroon ng asungot na kapatid? Ito na siguro ang kapalit ng lahat ng pagkakasala ko pero di ba talaga pwedeng mawala na lang sya? Wala naman kasing silbi.

"Ma, andito na po ako", sabi ko pero walang sumagot.

"Natutulog siya sa kwarto niya. Wag kang maingay", sabi ni Kuya kaya tinignan ko muna sya ng masama bago umakyat sa taas.

Pagkatapos magpalit ay binuksan ko kaagad ang laptop ko. Oh may nag email sakin. Request na naman siguro to.

From: Kawaii-desu😋

Konnichiwa(Hi in Japanese) Marie-chan!! I've read your works and i'm very impressed. I love your stories so much!!! As you might have already expected, I'm going to make a request please.

My ship is Takumi and Misaki from the anime Kaichou wa Maid sama. I'll let you take care of the plot and all but please make it a happy ending :-) Arigato gozaimasu(Thank You in Japanese)

TakumixMisaki? Hmm first time ko to ah. Di ko pa napapanuod ang anime na yun. Well, ayoko sa ibang requests kaya ito na lang muna ang gagawan ko ng fanfic. First of all, since wala akong kaalam alam tungkol sa kanila, mag reresearch muna ako.

Akala niyo madali lang maging fanfic writer na tulad ko? It's not. Lalo na kung di mo kilala ang characters na gagamitin mo at ang story ng anime o manga. Gaya ng sabi ko, kailangan ng research. Pwede namang gumawa lang ako ng kahit anong gusto ko gamit ang characters na yun pero di ko gawain yan eh. Gusto ko umaayon talaga sa kung ano ang expectation nila.

Dapat ang description mo sa mukha nila, mula kulay ng buhok hanggang sa kulay ng mata nila, tama. Maraming writers ang mali mali sa descriptions. Pero ako, specific. Gaya nito:

I tied my long and curly red hair while he combed his spiky navy blue hair with his hand. His emerald eyes darted to me that made my heart skip a beat.

Ganyan sa fanfiction. Well, syempre anime, kaya may kulay talaga ang mata at buhok.

Ang isa pang challenge sa fanfiction ay dahil sa specification, mahihirapan ka sa pag describe ng mga events na dapat talagang SPECIFIC. Halimbawa, kapag nagsusulat ka ng fanfiction about Cardfight Vanguard. Anime yun na umiikot sa isang card game na sobrang hirap intindihin. Mula sa mga moves hanggang pangalan ng mga Vanguards, dapat Accurate.

At kung magsasabi ako ng research, ibig sabihin nun: panunuod ng lahat ng episodes ng anime o yung mas mahirap, pagbabasa ng buong manga. Kailangan ko ring tignan ang mga articles tungkol sa kanila para makakuha ng mas madali intindihing inpormasyon.

Pero kahit mahirap, masaya ako sa ginagawa ko. It's become my life already. Dito gumagana ang pagiging mautak ko. Hindi matalino ah, mautak lang. Yung talagang pinag iisipan.

Matapos kung gawin ang one shot requested story na yun ay bumaba na ako para kumain.

"Hoy sa diin si Mama(nasaan si Mama)?", tanong ko kay Kuya na panay sa pag titipa ng message. Malamang para sa crush niya.

"Tulog parin", tanging sagot niya.

Shocks. Ibig sabihin, walang nagluto? Hayss.

Wala ang Mama mo, walang pakialam ang Kuya mo, at wala naman ang Daddy mo, kaya malamang ikaw ang magluluto, Fierra Marie.

Nagluto na lang ako ng noodles at pritong isda. Kainis. Kalalaking tao, ang tamad.

"Pukawa to bi si Mama(gisingin mo nga si Mama)", sabi ko sakanya.

"Ayoko nga. Ikaw dun"

Anak ng palaka..... Ano?!!

"Bahala ka nga jan!"

Padabog akong pumasok sa kwarto ni Mama. Nang buksan ko ang pinto, natigilan ako.

Nasa kama si Mama, hindi pa nga nakakapagbihis mula sa uniform niya sa school. Oo, teacher si Mama.

Mukhang pagod na pagod pa naman sya...

Alam kong mahirap para sa sitwasyon ni Mama na palakihin at alagaan kami na nag iisa lang siya. Naiintindihan ko si Mama.

"Ma, kakain na. Nagluto na po ako", sabi ko habang tinatapik siya ng bahagya. Minulat ni Mama ang pagod niyang mga mata.

"Oh sige. Mauna na kayo... Magpapahinga pa ako", aniya at natulog uli. Malungkot ko lang na tinignan ang mukha ni Mama bago ko siya kinumutan.

"Okay ma...."

Sinarado ko muna ang pinto bago pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko.

Pagod na pagos siguro si Mama buong araw. Siya lang kasi ang nagtatrabaho para samin.... And it pains me seeing that way.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LabelledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon