"I'm afraid you'll have to share with someone else, Miss Nervosa"
Bumaling ako sa kanan at tinignan si Kyla pero ang tanga, umiling pa.
"What?", bulong ko. Hindi ko inakalang iiling siya ha.
"Ayokong mag share. Ble", sabi niya at nagpatuloy sa pagsasagot ng test. Ay supladang babae. Kung kelan kailangan ko siya, nag inarte?
"Ano ba? Hei, share please", sabi ko nang nakita ko siya pero tinignan niya lang ako na may naaawang mukha."Anlayo ko sayo. Sorry", bulong niya kaya napabuntong hininga ako.
Bumaling ako sa kanan at nakita ang bagong katabi ko na nag-uumpisa na sa pagsagot ng test.
"No choice. Share tayo", sabi ko at inilapit ang upuan ko sa upuan niya kaya napatingin siya sakin. Mukhang nagulat pa siya....
"Sabi ko nga, share tayo. Wala akong test paper oh", pero tinignan niya lang ako?
Alam mo bang nilunok ko pa ang pride ko para lang makipag share ng test paper sayo ha?
"Huwag mong sabihin na ayaw mo. Sabi ni Sir oh. Wala nga kasi akong test paper kaya-"
"Oo na, alam ko na. Oh hayan. Tapos na ako", sabi niya at binigay sakin ang test paper.
"T-tapos ka na?!", tanong ko pero di na hinintay pa ang sagot niya bago bumalik sa dating pwesto.
"Thank you nga pala ah", sabi ko bago mag-umpisa.
Hindi naman mahirap ang test ni Sir kaya, nakaraos rin. Ibabalik ko pa sana ang test paper sakanya pero sabi niya ako na lang daw ang magpasa. Kung sa akin lang, tinatamad siguro kaya ako na ang pinapasa. Mukhang di kami magkakasundo nitong Gian Khalil nato.
Lunch Break na sa wakas.
"FM, halika. Lunch tayo. My treat", yaya ni Kyla sakin pero pinanlisikan ko muna siya ng mata.
"Dapat lang. Sa test kanina, mukhang nawalan ako ng kaibigan ah", parinig ko sa kanilang dalawa.
"Sorry Fem... Kaya nga manlilibre si Kyla eh. Let's eat!", sabi ni Hei at naunang umalis.
Fem. FM. Abbreviation of my name, Fierra Marie. Hayaan niyo na lang ang mga weird nicknames kong ginagamit ng mga baliw kong kaibigan.
"Yung babaeng yun! Eh di rin naman siya nakipag share kaya dapat nanlilibre rin siya!", reklamo ni Kyla habang naglalakad kami. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Maya-maya'y narinig kong may tumatawag sa cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at nagulat ng makitang si Kuya pala. Bihira lang to eh.
"Oh Kuya? Bakit?"
"Asan ka na? Kanina pa ako naghihintay rito sa labas"
Napatakip ako ng bibig at nag umpisa nang tumakbo. Omiiiieeeee nakalimutan ko! Paktay lagot.
"FM! San ka pupunta?", sigaw ni Kyla pero hindi ko siya sinagot at tumakbo na lang.
Nang makalabas na ako ng school ay nahagilap ko kaagad ang kotse ni Kuya sa kalayuan. Nakita niya naman ako kaya hininto niya ang sasakyan sa tapat ko. Binuksan niya ang bintana at dinungaw ako sa labas.
"Pagong ka talaga. Ang bagal mo"
Sungit.
"Pagong pala ha? Sige, di na ako sasama sayo. Lilibrehin pa naman daw ako ni Kyla kaya-"
Hindi na ako natapos sa pagsasalita dahil hinila na niya ako papasok ss kotse.
Nakasimangot na naman ako buong byahe.
BINABASA MO ANG
Labelled
Teen FictionWhat is a relationship? Kailangan ba ng label para masabing may relasyon nga kayo ng mahal mo? Labelled or not, can it still be love? Kailangan ba ang label sa isang relasyon o, may relasyon nga ba talaga kayo kahit walang label?