Episode 14

415 23 0
                                        

"Unspecialized"

Dane's POV

Ang diyos ng lugar na ito

Kakaiba naman ang iba sa palabas ang diyos ng mga disyerto ay mga mummy dahil patay na sila pero ito kakaiba may mahabang buhok, walang damit at naka mahabang pants at may leggings na armor at may korona na pa baliktad na U kung titignan at sa may bandang gitna ay may ulo ng oso

"Akala ko si Ursa ay isang full na oso mukhang mali ang mundo namin sa pagkatha sa iyo"
Sabi dito ni Zero kay Ursa

"Haha tama naman sa katunayan ito ang beastman form ko, parang katulad sayo at isa pa Dane ang sinasabi mong mummy ay di yun diyos mga hari yun na nakatadhana na mamuno sa lupain ko"
Sabi ni Ursa na kinagulat ko

Nakakabasa siya ng isip

"Di lang nababasa alam ko lahat ng nasa isip mo"
Dagdag pa nito

Kung alam niya ede alam niya na may

"Oo pati yun"
Sabi pa nito

Napaka ano naman ng diyos na ito

"Ano Dane?"
Tanong nito sakin

"Wala ahaha"
Sagot ko dito

Wag mo isipin wag mo isipin Dane

Tinignan ko lang si Zero at nagtataka ito

Kaya natawa na lang si Ursa dahil namula pala ang pisnge ko

"Oh sya sya ang dahilan kung bakit kayo nandito ay kayo, oo kayong dalawa ang itinadhana na gumamit ng sagradong armas na nilikha ng lahat ng diyos"
Sabi samin ni Ursa na napapaisip ako kami? Akala ko ba quest ito? Yun pala ay may itinadhana sa sandata na yun?

"Zero sa tingin ko ay nahihibang na ang taong yan"
Sabi ko dito at tinignan ako nito na parang nagulat

"Dane? Ano ka ba di tao yan diyos yan at napakataas na tungkulin ang maging diyos"
Sabi nito sakin kaya napatingin ako kay Ursa

"Di ko na papahabain pa ang usapan ito ang sandata na sinasabi ko sa inyo"
Sinabi nito sabay inaangat nito ang kamay sa kisame at may liwanag na kumikinang dito at may liwanag na nakaanyong parang payong at kamay nawala ang liwanag at bumaba sa harap ko ang gloves di pala kamay yun

Ang gloves na ito ay kulay dark green at may nga iba't ibang shape ng iba't ibang kulay na bato

Tumingin ako kay Zero at nakita ko na payong nga yun pero gawa lahat sa metal at ang hawakan nito ay mahaba, ma nakita pa akong silinyador at parang pindutan na di ko alam kung para saan

"SuperZero ang payong na yan ay ang Umbrella of gods, ang payong na yan ay nag s-shift sa lahat ng uri ng armas pero kailangan mo muna iyong sanayin na lahat na armas, nirerekomenda ko na pumunta ka ng Town of Beginnings at mag weapon practice ka sa lahat ng uri ng weapon"
Paliwanag ni Ursa kay Zero at may mga sinabi pa ito tungkol sa lihim ng sandata pero di ito winabi dahil gusto niya daw na si Zero ang makatuklas

Sacred Weapons OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon