Episode 15

478 23 5
                                        

"Sand Worm"

Manuel's POV

Naalipungatan ako at tinignan ko ang bintana sa kwarto ko at hating gabi na, full moon pala ngayon sobrang liwanag sa labas ngayon tinignan ko ang oras sa virtual clock ko at 11:25 palang ng gabi hays siguro tama na ang tulog ko makalabas na nga

Binuksan ko ang pinto ko at kumatok ako sa pinto ni Dane at mukhang tulog ito o kaya naman wala siya dito, makababa na nga lang

Pagbaba ko ay nakita ko si Jhin na nag aayos ng self made na baril niya at silver tier na yun kaya malakas lakas na yun kung tutuusin

"Oh gising ka na pala, by the way tulog si Mikaela at si Dane parang kanina pa sa labas di pa bumabalik"
Sabi nito sakin habang pababa ako ng pababa ng hagdan pero di siya nakatingin sakin dahil sa focus niya sa baril niya

"Kanina pa si Dane sa labas? Mga anong oras?"
Tanong ko dito

"Di ko alam pero kanina mga ilang minuto lang siya sa taas nung umakyat kayo tapos bumaba siya at lumabas at ngayon di pa pumapasok"
Sagot nito sakin kaya nagtaka ako

Di ko na ito pinansin at lumabas na ako at hinanap si Dane

Siguro nasaktan ko siya sa sinabi ko kanina, ano ba ang gagawin ko eh sa di ako maka move on at siya pa rin ang nasa puso ko

Pag labas ko ay hinanap ko si Dane at nakita ko siya sa labas ng pyramid na sira

Lumapit ako dito at alam kong naramdaman niya ako dahil sa reaksyon ng katawan niya

"Ahm Dane?"
Tawag ko dito

"Oum?"
Sagot nito sakin pero di siya humarap sakin at parang may pinunasan ito sa mukha niya

"Umiiyak ka ba?"
Tanong ko pa dito

"Ah hindi ahaha na puwing lang ako humangin kasi kanina at may sand ata na pumasok sa mata ko"
Sabi niya sabay harap sakin at ngiti

Biglang tumahimik ang paligid

Di ko alam kung sasabihin ako o wala o aalis na lang ako

"May sasabihin ako"
Sabay naming salita

"Ah sige ikaw na mauna"
Sabi ko dito

"Hindi ikaw na"
Sabi naman niya kaya natahimik ako

Alam naman niya na may gusto ako sa kanya kaso di talaga ako magaling sa pag confess at lalo na sa pag hingi ng tawad

"Ah kasi Dane-"
Di na ako tapos sa mga sasabihin ko ng biglang yumanig ang lupa

"Lindol na naman?"
Sabi ko

Warning!

Unknown Boss is coming

Warning!

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang lumabas ang virtual notice

Agad akong gumamit ng telepathy

"Jhin, Mikaela dalian niyo may unknown boss dito sa labas!"
Pasigaw kong sabi at inihanda ko ang payong ko

Sacred Weapons OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon