"Sacred Weapon Holder"
Manuel's POV
Nagpapahinga kami ngayon dito sa isang town pagitan ng dungeon 7 na Lizardman's Villag at dungeon 8 na Mushunger's Pit
"Magpahinga muna tayo ngayon araw, may lakad din naman si EKhim dahil magkikita sila ng mga kapatid niya mamaya dito sa town na ito, you're free today kayong bahala sa gagawin niyo, pero bukas mga 7 o'clock nandito dapat tayo lahat"
Sabi samin ni Cloud
Astig bagay na bagay talaga siyang leader buti na lang ayoko ng mga ganiyan kung hindi lang kailangan na maging walo sa party para sa event na yun
Pero teka ang okay pa ba yung event na yun siguro malalaman ko na lang
"Cloud sige alis na ako"
Sabi ni EKhim sabay alis na tumatakbo
"Kami ni Ghost siguro mag s-side quest mag iisip kami ng linked combos"
Sabi naman ni Death at nagpaalam
Wow nagbago silang tatlo ah? Sa tatlong araw na pag sasama may natutunan sila, fast learners maganda yan
"Kami ni Star kakain muna, ikaw ba Manuel"
Tanong sakin ni Cloud
Ano nga kaya? Siguro matutulog muna ako
"Sige busog pa ako hahanap na lang ako ng INN inaantok ako"
Sabi ko sa dalawa at nagpaalam na sila
Saan kaya may maayos na INN dito? Habang naglilibot ay napansin kong parang medyo kunti ang heroes dito at karamihan mga matataais na ang level dahil sa mga set nila
Speaking of set makahanap nga ng pamalit sa set ko na ito na
Lone Set
Beginner Set of Hunter
My gawd level 36 na ako wala pa akong new set tanging nagpapalakas lang sakin ay yung dalawang ring na drop ng boss sa Dungeon 5 at 6 sakin napunta kasi wala nang ibang Beast Hunter ahahaha
Habang nag lilibot libot pa napansin long may nag vend o yung player na mag bebenta ng mga gamit niya gamit ang isang item na binibili sa larong ito Vend Card ang gamit at may sampong beses ka pwede mag vend pero pwede mag renew ng Vend Card after 2 weeks
Nilapitan ko yung naka vend at tinignan ang binebenta niya na nakalapag
Eye of the Storm Shield
Mythrill Hammer
Vendetta's Mask
Black Killer's Set
Cape of Black Killer
Odachi of Thousands Rage
Staff of the Wise Woman
Ring of the Onslaught
Ring of Wolf
Unknown Ring
Magaganda ang mga items na binebenta niya pero napako ang mata ko sa dalawang ring na pwede sa akin
Ang Ring of Wolf at Unknown Ring
Ano yun na Unknown Ring? Bakit Unknown at pati design may question mark sa bandang bato
Ma try nga wala naman siguro mawawala dun
BINABASA MO ANG
Sacred Weapons Online
Ciencia FicciónPaano mo malalabanan ang maraming kalaban kung kunti lang kayo? Paano mo sasabihin na may natatangi sayo Paano kung sa loob ng laro ay makilala mo ang hinahanap mo? Paano kung ang taong matagal mo nang hinahanap ay makikita mo sa loob ng laro? Ako s...
