Episode 16

350 30 3
                                    

"Unleashed the Void"

Dane's POV

"Sinasabi ko sayo Kat ang void spells mo ay mas malakas kaysa sa lahat ng elementong hawak ko"
Boses ni Kit mula sa realm ng mga diyos

"Kit ang void element ay isa sa mga mahihina kaya di kami nagagamit"
Sagot naman ni Kat kay Kit dahil kanina pa sila nagtatalo sa kapangyarihan na void element

"Mamaya na natin pag usapan yan, nagugulo ako sa inyong dalawa kailangan tayo ng mga kasamahan natin"
Sabi ko sa kanila at tumigil na ang gloves ko mag liwanag, violet kay Kat at Orange naman kay Kit

"Dane isang paralyzing spell nga!"
Sigaw ni Mikaela habang nakikipaglaban sa Earth Worm

"Lightning Shock"
Isang spell ko kung saan may babagsak na kidlat sa kalaban at ma p-paralyze ng anim na segundo

"Ngayon na!"
Sigaw ko sa kanila

"Summon: Excalibur - Burst"
Isang summoning skill ni Mikaela kung saan lalabas ang pinakamalakas na espada ng YGGDRASIL

Mabilis na sumugod ang excalibur at hinati hati ang katawan ng Earth Worm

Nakabawas na kami ng dalawang bar at may natitira pang anim at kalahati

"Transform: Samurai of Yas"
Nag transform na naman sa ibang klaseng weapon ang weapon ni Zero at sa tingin ko isa yung wind samurai dahil sa kilala ko yung god of wind na yun

"Tornado"
Skill ni Zero at may lumabas na ipo ipo sa harapan niya at papunta ito sa Earth Worm

At dahil sa puro buhangin ang lugar nakasama ang buhangin sa Earth Worm

Mukhang ang balak niya sa Earth Worm ay ma blind, pero di naman gagana yun dahil nga sa

"Ano ka ba SuperZero god, di yan gagana sa tingin mo bakit lulubog sa lupa yan kung i b-blind mo gamit ang buhangin"
Sigaw ni Jhin

Nakita kong ngumiti lang si Zero at biglang nawala

Nawala ang ipo ipo ng di na pa tumatama ito sa Earth Worm at biglang

"Raaaaaaaagh!"
Isang malakas na sigaw ng Earth Worm at ng tinignan ko ang dahilan ng pagsigaw nito at nakita ko si Zero na tinusok niya ang isang spear na may kuryente sa buong paligid nito

Nawala na ang paralyzing spell ko ng aakma itong lulubog sa lupa

"Zero alis na jan!"
Sigaw ko kay Zero kaya hinila niya na ang spear niya sabay talon paalis

Nararamdaman ko siya, at parang nakikita ko siyavsa ilalim ng lupa

Ganto ba ang kapangyarihan ng lahat na elementalist? Grabe napaka OP(overpowered) pala so kung meron kang kapangyarihan na lulubog sa lupa makikita ka nila at mararamdaman

Umiikot ikot lang siya at parang naghahanap siya ng target

Imposibleng si Mikaela dahil lumilipad siya si Jhin pwede dahil nasa malayo siya, ako kaya ko siyang ilagan kung ako ang target

Sacred Weapons OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon