Chapter 2

11 15 0
                                    

Nakatulala lang ako sa kisame at walang kagana gana kumilos at kumain.

"Ms. Shanel Dee hindi na maganda to!" Pinadaanan ko lang ng tingin si Anika na basta basta na lang pumasok sa kwarto ko. "Isang linggo kanang hindi pumapasok."

Alam na nya yung sa nangyari samin ni Jake. Nakakailang missed calls din sakin si Anika sa isang araw pero ni isa hindi ko sinasagot. Alam kong hindi naman nya ako mapuntahan dahil walang mag aasikaso sa studio dahil tulad nga ng sinabi niya ay isang linggo na akong di pumapasok.

"Libangin mo sarili mo magpakabusy ka hindi yung ganito." Concerned na sabi niya.

Hindi ko alam, Nawawalan talaga ako ng gana sa lahat mula nung sa nangyari.

"Anyway nagpunta yung client natin about sa pictures Shanel, Di ko naman madaanan kahapon kasi sobrang busy sa studio. Ngayon nga supposed to be my day off pero ako na maghahatid sa kanila."

"Ako na." Nakakahiya na sa best friend ko.

Pati sya nadadamay sa pagmumukmok ko. Sya na nag asikaso sa studio for the whole week tapos pati yung pictures na natengga na sakin ng isang linggo eh iaasa ko pa ba sa kanya?

At tama sya magpapakabusy nalang ako at maglilibang kesa naman magmukmok ako mag isa sa bahay sa mga susunod pa na araw.

"Talaga? Or do you want me to go with you?"

"Di na, Its your day off." She smiled at yumakap sakin.

"Please be the old Shanel soon, Di ako sanay ng ganto ka."

I smiled weakly. Pag puso talaga nasaktan, Damay buong pagkatao.

---

Kinuha ko kay Anika yung address ng bahay ng client namin. Nakakahiya kasi dahil one week nadelay so bilang pakunswelo ay hahatid ko na mismo sa bahay niya.

"3,045 po Mam." I handed her my credit card.

Nakisuyo kasi si Anika na ikuha ko sya ng series ng book na matagal na nyang inaabangan at sakto ay kakalabas lang sa mall na to. I said yes tutal along the way naman.

"Ms. Shanel?" Napalingon ako sa magandang babae na nasa bookstore din. "Lara by the way." She laughed.

Halata nya kasing di ko maalala name nya.

"Ms. Lara im sorry nakalimutan ko." I shaked hands with her. "Anyway papunta sana ako sa inyo, Sorry pala sobrang nadelay nagkaproblema kasi ako im sorry napaka unprofessional ko."

"Its okay, I understand." She smiled. Buti nalang mabait syang client unlike sa iba.

"Lets meet sa statbucks Ms. Lara kunin ko lang sa car yung pictures and photo albums."

"Okay sure."

Naglakad na ako papunta sa parking kung san malapit lang naman sa starbucks.

I want to keep myself busy. Siguro diretso nalang ako ng studio after ng meeting kong to sa client ko.

Pabalik na sana ako sa coffee shop ng madaanan ko yung fave na kainan namin ni Jake kaya napahinto ako.

Yes one week palang pero I missed him so much. Kada araw ang hirap Jake, Kung alam mo lang.

"Sorry miss."

Agad akong yumuko para pulutin yung pictures. Masyadong occupied yung utak ko, Yan tuloy.

"Im sorry din." Napatingin ako sa kanya. He is wearing a formal attire, Muka syang business man sa dating nya. Wait parang familiar sya? Yaan na nga.

Yumuko sya at tinulungan din ako magpulot.

Pag minamalas ka naman talaga oh. Nagmamadali pa naman ako.

"Wait its me!" Masiglang sabi niya. Napatingin ako sa kanya at sa picture na hawak nya.

Yung lalaking stranger sa party at yung pinrint na picture ni Anika, Sabi na nga ba eh kaya pala familiar yung muka nya.

"Wait stalker ba kita?" Automatic na napa angat yung isang kilay ko sa sinabi nya.

"Excuse me Mister?" Irita kong sabi. Ang hangin nya ha!

"This is my stolen picture, Are you my stalker? You should tell me sana para nag smile ako habang pinipicturan mo ko." Nakangiti sya na para bang nang iinis.

"Sayo na yan, Ang yabang mo." Inirapan ko sya at naglakad na paalis.

"Wait! Maganda kuha infairness ha! Well thank you for this!" Sigaw nya dahil medyo malayo na rin ako.

Hindi na ako nag abala na tignan sya. Mr yabang!

---

"Good afternoon Mam nandyan po yung client ni Miss Anika." Bungad sakin ng staff namin ng makarating ako sa studio.

Day off ni Anika ngayon ha? Di ba sya ininform ni Anika.

*phone ringing*

[ Hello Shanel? Nasa studio ka? ]

"Oo kakadating lang, Nandito daw yung client mo. Pano to?"

[ Kaya nga ako tumawag, Please do me a favor ikaw muna bahala sa kanya then discuss mo nalang sakin tom. ]

"Bat kasi nag day off ka today eh may client ka pala na pupunta ngayon?"

[ Wow client kamo natin, Ikaw din kaya photographer nyan. Tsaka wala naman kaming sched ngayon eh, Biglaan yan. ]

Sa dinami dami ng client namin bakit si Amber pa?

Tinanong ako ni Anika nung nalaman nya kung itutuloy pa ba namin yung contract with Amber, I said yes. Ayoko naman masira ang pangalan ng studio namin at isa pa kailangan ko magpaka professional kaya labas ang mga personal issue dito.

[ Kaya mo yan Shanel, Be strong okay? Hehe love you! ] And then I hang up.

Sa tingin ko walang alam si Amber sa lahat, Kasi kung alam nya hindi nya pipiliin na magpa organize samin ng wedding nya. Take note girfriend ng fiance nya ang photographer, Oh let me rephrase that. Ex na pala.

Habang papalapit ako sa office ay mas lalong tumitindi ang kaba ko.

"Hi Ms. Amber, Kamusta?" Nakangiti kong bati sa kanya.

"Ms. Shanel, Im good. Anyway nasan si Ms. Anika?"

Pinadaanan ko ng tingin si Jake bago maupo. Oo kasama nya si Jake.

"Day off nya ngayon so sakin mo nalang idiscuss then ako na bahala mag parating sa kanya."

"By the way this is my fiance, Si Jake. Di mo sya nameet last time kasi maaga ka daw nag out."

Kahit di mo na pakilala sakin yung fiance mo, Kilala ko na sya. Kilalang kilala pa nga.

Five years ba naman kami naging mag karelasyon. Five years na sinayang lang nya.

"Ms. Shanel?"

Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Amber. "Sorry ano nga ulit yun?"

Diniscuss nya lahat sakin about sa pagbabago ng venue ng reception at sa theme ng wedding.

Di ko maiwasang hindi sila tignan, The way ng paghawak ni Jake sa kaniya at pagtitig sa kanya.

Ganyan din ginagawa mo sakin noon di ba?

"Thank you for trusting us Ms. Amber we'll make sure na magiging successful ang wedding nyo ni Mr. Jake. Congrats to the both of you."

Kinamayan ko silang dalawa bago umalis.

Agad nagbagsakan yung luha ko ng makaalis silang dalawa sa opisina.

Di naman matigas ang puso ko para di masaktan sa nakita ko.

10 Things About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon