Nakatingin lang ako kay Amber habang inaayusan sya, Napapatingin din sya sakin at nginingitian ako, Ganun din naman ako sa kanya.
Ang ganda nyang bride sa totoo lang, At ngayon alam ko na bat naghanap si Jake ng iba dahil kitang kita naman na maraming meron si Amber na wala ako.
"Let's start na." Marahan akong siniko ni Anika at tumango naman ako.
Ang gwapong groom ni Jake, Nakakatuwa syang tignan sa suot nya pero mas nakakatuwa kung ako sana yung bride niya.
"Ms. Amber dikit mo ng konti yung face mo sa kanya." Kahit sa totoo lang gusto ko magkalayo sila.
"Yan that's perfect."
Nakailang shots ako sa kanila at sa totoo lang kada iciclick ko yung camera ko ay nahihirapan ako.
Kada click masakit eh.
Lahat kami nagulat ng matapilok si Amber, Buntis kasi sya eh delikado.
"Are you okay?" Sambit ni Jake na tipong concern na concern talaga kay Amber. "Be careful." Kiniss nya to sa noo.
Naalala ko tuloy yung graduation ball namin nung college. Di ako sanay sa ganung kataas na heels eh kaya ayun nasubsob ako pagbaba namin ng car.
"Babe are you okay?" Nag aalalang tanong nya sakin at inalalayan akong tumayo.
"Yes Babe hehe." Nahihiyang sagot ko dahil ang dami ring mga school mates namin ang nakakita.
"Be careful tss alam mo naman ayaw kong nasasaktan ka." Nanlaki yung mata ko ng buhatin nya ako pa bridal style hanggang sa loob ng hotel kung san gaganapin ang graduation ball namin.
Kaya ayun lahat sila nagtitinginan samin pagpasok namin at hiyang hiya ako pero si Jake? Dedma lang.
"You're my Princess and I'll do everything kahit na nakakahiya just for you. I love you so much Babe."
"Okay lunch break muna tayo." I said at naglakad palayo.
Di ako okay, As in sobrang hindi na ako okay. Di ko na kaya yung sakit! This is too much!
Parang kahapon lang ako pa kasama mo sa lahat. Naaalala ko pa lahat satin, As in lahat.
"Shanel." Nag aalalang lumapit si Anika sakin.
Yumuko ako at dun na tumulo ang luha kong kanina pa gustong gusto kumawala. "I can't handle this anymore, Ang sakit sakit parang di na mawawala tong sakit na to. Kada lumilipas ang araw mas masakit."
"Sa una lang mahirap di ba? Everything will be fine pagdating ng tamang oras at panahon."
"Akala ko kasi talaga kaya ko." Nagpunas ako ng luha.
"Feeling strong ka din kasi eh. Gusto mo hanap nalang ako ng ibang photographer nila?"
Napaisip ako, Nandito na eh. Baka mas madali akong maka move on pag nakikita ko sila, As in parang sinasampal nila mismo sakin yung katotohanan.
At tsaka kailangan ko nalang maging masaya for him di ba? Kasi mahal ko sya eh. Mahal na mahal pa rin.
Pero paano na kaya pag sa mismong kasal na nila? Parang di ko ata kaya yun.
Kinuha ko yung phone ko para tignan ang oras pero yung maraming messages galing kay Primo ang kumuha ng pansin ko.
I'll wait for you here in my office.
What time are you coming?
Where are you?
On the way kana ba?

BINABASA MO ANG
10 Things About You
Teen FictionShanel Dee na isang simpleng babae at isang mahusay na photographer. Abangan ang kaniyang kwento sa pagpasok nya sa kumpanya ng Del Van at pakikisalamuha sa kanyang terror na boss na si Primo Del Van. Mula sa pagkakasawi sa pag ibig ay maari kaya i...