I deleted everything on my phone, Pictures namin together, Chats and Texts. Even his number. Mukang wala na talaga, Kita naman sa mata nya na masaya at kuntento na sya kay Amber.
Nilapag ko yung phone ko at tinignan yung mga natambak na gawain sa mesa ko dahil sa pag absent ko ng one week.
"Shaneeeel!" Nagmamadaling lumapit sa mesa ko si Anika.
"Bakit?" May nilapag syang sobre na may letter pero bukas na. Panigurado inunahan na naman nya ko magbasa nun. Kahit kailan talaga tong si Anika.
"Galing sa Del Van incorporated and they want you to be their photographer para sa clothing line nila!" Di ko na ata kailangan basahin dahil napaliwanag na ni Anika.
"For real?" Masayang tanong ko.
Magandang opportunity to para sakin. Isang malaking company ang gustong kumuha sakin bilang photographer nila! Biruin mo sa kabila ng malaking problemang dumating sakin ay may maganda paring dumating.
"Igrab mo na yan Shanel, I'll support you. Congrats my bestfriend!" Masayang yumakap sakin si Anika.
Oo naman, Hinding hindi ko na papalampasin to.
Nagpaalam ako kay Anika na mag out muna para i confirm sa company nila about sa offer nila sakin.
Excite na excite ako ng matunton ko yung company nila. Napakalaki!
"Good afternoon Miss do you have any appointment po?" Nakangiting bati sakin ng nasa information.
"Kay Mr. Primo Del Van po." I handed her the letter na galing sa company nila.
May isang staff na nag asisst sakin at hinatid ako sa office ni Mr. Primo.
"Please wait for Sir Primo nalang po Mam padating na po yun."
"Okay thank you so much."
Para kong ewan na ngiting ngiti dito at the same time ay kinakabahan din.
Maibalita nga yung good news kay Jake-- Wala na pala akong pagbabalitaan.
I smiled weakly. Ito na yung simula ng paglawak ng career ko sa photography pero di ko na sya kasama sa pagtupad ko ng mga pangarap ko.
"Hello there Ms. Shanel Dee"
"Hello-- Ikaw?!" Napatayo ako sa gulat.
"Ako nga." Nakangising sabi niya.
"So what brought you here? Are you interested in our offer?" Casual na sabi niya.
Tinitignan ko lang sya. Yung tingin na may halong pagka bwisit.
"Yes." Sagot ko.
"Madali ka naman palang kausap." Inirapan ko sya.
Nilapag ko sa mesa nya yung portfolio ko para makita nya rin yung ibang shots ko.
"I dont need to see your portfolio dahil nakita ko na yung mga pictures mo sa party ni Lara and maganda naman sya actually."
Lara? Ah oo yung client ko na nagparty at invited nga pala sya dun.
"Thank you." Tipid kong sagot.
"And this" Hinarap nya yung frame sa table nya, Yung picture nya na nakunan ko sa party. "Ang gwapo ko rito oh actually gwapo naman talaga ako pero kitang kita yung tangos ng ilong ko yung kaputian ko yung ganda ng kilay ko actually lahat naman maganda sakin."
Seryoso ba sya sa sinasabi nya? Wala ata tong salamin sa bahay nila eh.
"Mr. Primo Del Van I came here for business hindi para marinig kung gaano po kayo kagwapo." Sarcastic na sabi ko.

BINABASA MO ANG
10 Things About You
Novela JuvenilShanel Dee na isang simpleng babae at isang mahusay na photographer. Abangan ang kaniyang kwento sa pagpasok nya sa kumpanya ng Del Van at pakikisalamuha sa kanyang terror na boss na si Primo Del Van. Mula sa pagkakasawi sa pag ibig ay maari kaya i...