Chapter 1

14 14 0
                                    

Masakit na mata ko kakatingin ng pictures at pag bubura ng mga hindi magandang kuha.

Kanina pa rin ako nagpiprint dahil gusto ng client ko na ialbum lahat ng pictures sa event.

Napasandal ako sa upuan ko at sabay vibrate din ng phone ko sa mesa.

Shanel we need to talk, Meet me by 7pm at the park.

Bigla akong kinabahan sa text ni Jake. Ano kayang problema?

"OMAYGAAAD!" Kamuntikan ng mahulog yung cellphone ko ng biglang sumulpot si Anika. Napakatining talaga ng boses nya!

"Who is he?!" Napatingin ako sa tinitignan nya sa computer ko.

Picture ng isang lalaking stranger sa party kahapon.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Pindot lang ako ng pindot sa camera ko at nagpipicture sa mga tao sa party dahil ayun naman talaga ang trabaho ko.

"Magaling ka ngang photographer! Ang gaganda ng nakukunan mo!" Kilig na sabi niya sabay tawa.

Napairap nalang ako sa kanya at babalik na sana sa ginagawa ko, Pero di ko pa rin maalis sa isip ko yung text ni Jake eh. Ang tagal naman kasi mag 7pm!

"Print it." Aawatin ko palang sana sya pero napindot na agad nya. Tignan mo to napaka pakialamera talaga tss.

"Lumayas layas ka na nga dito! Nakakagulo ka lang sa trabaho ko eh." Inis kong sabi at inirapan sya.

She just winked at me bago bumalik sa mesa nya.

Anika is my super duper long term bestfriend. Kaming dalawa ang nagtayo ng business na to, A studio to be exact at office na din.

Photographer ako at Event organizer naman sya, Ang perfect combination lang di ba?

Matapos ang ilang oras ay inayos ko na din yung mga naprint ng pictures. Imemeet ko din kasi mamaya ang client para iabot lahat ng to at para kunin na din yung kalahati ng payment.

Fifty percent down payment kasi kami and then yung another fifty percent ay pagtapos na ng event.

"Shanel." Silip ni Anika sa mesa ko.

"What?"

"Nandito na yung client natin sa wedding." Tumango ako at nag ayos ng konti bago humarap sa client namin.

"Hello Ms. Amber kasama mo na ba yung fiance mo today?" Bati ni Anika sa kaniya.

Sya yung client namin last week na nag inquire at sa kabutihang palad ay nagustuhan naman nya yung mga inoffer sa kanya ni Anika.

Ang gandang bride nya nga eh at take note, Galing din kasi sa mayamang pamilya.

"Ah oo nasa labas sya nagpapark lang ng kotse. Anyway papakita ko sayo yung gusto naming maging design sana ng venue for the reception pero make it simple, Hindi yung ganun na ganun. Ayoko ng masyadong maraming nakasabit sa ceiling kasi." She said with a smile.

"No problem Ms. Amber, C'mon sa office lets talk about it." Sinenyasan ako ni Anika na sumama dahil ako rin kasi yung kinuha nilang photographer pero I mouthed her na may pupuntahan ako at tumango naman sya.

Bumalik ako sa table ko para kunin yung phone ko at yung pictures na pinrint ko. Dadalhin ko na din kasi yun after namin mag usap ni Jake.

"Babe?" Gulat na tanong ko ng makita ko si Jake sa labas ng studio namin. "Sinundo mo pa talaga ako, Thank you babe."

That feeling na kahit anong pagod mo sa trabaho makita mo lang yung taong pinaka mamahal mo eh nawawala lahat agad. As in instant pampawala ng pagod.

Yung ngiti ko abot tenga habang papalapit sa kanya. Di ko mapigilan eh.

I was about to kiss him pero pinigilan nya ako. "May problema ba babe?" I asked him.

Tinignan lang nya ako, Cold na tingin. Hindi ako sanay ng ganto siya.

"Ihhhh sobrang pagod ako today Babe, Kain muna tayo?" Pag aya ko.

Hinawakan ko yung kamay nya at hinila sya papunta sa parking lot pero nakatayo lang sya.

"Huy Babe, Okay ka lang? Ano bang problema?" Natatakot na ako sa kinikilos nya at kinakabahan pero I still manage to smile para di nya ako mahalata.

"Sabi ko kasi kay Amber bukas na pumunta eh." Napakunot yung noo ko.

"A-Amber? Teka ano bang meron?"  Utal na sambit ko at napabitaw sa pagkakahawak ko sa kamay nya.

Unti unti ng nagsisink in sakin eh pero ayaw ko tanggapin. Baka mali lang iniisip ko di ba? Hindi naman siguro yun ganun di ba? Tama hindi nga.

Si Amber yung client namin ni Anika, She said nasa labas ang fiance nya. Hindi naman siguro si Jake yun di ba? Cause Jake is my boyfriend kaya hindi naman ata pwede mangyari yun.

Tumutulo na yung luha ko pero pinunasan ko iyon at pilit na pinipigilan habang nakatitig sa kanya.

"Shanel listen to me." Ayokong pakinggan parang gusto kong takpan yung tenga ko para di ko marinig ano man yung sasabihin niya. "Me and Amber are getting married." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga salitang binitawan nya.

Lalong nag unahan yung mga luha ko sa pagbagsak. Pano? Bakit? Gusto ko syang sampalin gusto ko sya sigawan pero nakatayo lang ako habang patuloy pa rin sa pag iyak.

Totoo ba lahat ng to?

Parang gumuho yung mundo ko at ayaw paniwalaan yung mga sinasabi nya.

"Babe b-bakit?" Sambit ko sa pagitan ng pag iyak ko.

"Im sorry Shanel three weeks ng buntis si Amber at pinagbantaan ako ng magulang nya kaya napilitan ako magpakasal sa kanya, Maniwala ka hindi ko ginusto to."

Sa wakas nakahugot ako ng lakas para sampalin siya. Sampal na may halong galit, hinanakit, sakit at sama ng loob.

Ang sakit na nga nung magpapakasal sya sa iba mas doble pa yung sakit ng nakabuntis sya ng iba!

"Nabuntis mo? Nakabuntis ka ng iba habang tayo?! Tapos sasabihin mo saking hindi mo ginusto?!"

"Shanel hindi ko sadya--"

"Anong dahilan yan Jake! Hindi mo sadya? Sasabihin mo natukso ka? Kahit maghubad sya sa harapan mo kung mahal mo talaga ako lalabanan mo yung tukso!"

Mas lalong lumakas yung iyak ko at tila naghahabol na ako ng hininga. "Pano mo nagawa to? Wala naman tayong problemang dalawa di ba? Okay na okay yung relasyon natin pero bakit ganto!" Napaluhod na ako sa tindi ng nararamdaman ko. Ang sakit sakit, Sobrang sakit. "Jake may girlfriend kang tao pero bakit ganto yung ginawa mo."

"Shanel sorry, Im so sorry." Mangiyak ngiyak na sambit niya at inalalayan akong tumayo.

Tinitigan ko sya sa muka. Nanumbalik lahat ng alaala naming dalawa, Yung panahong masaya pa kaming dalawa na akala mo wala ng katapusan at di na mapaghihiwalay pa. Sa isang iglap nawala lahat.

Sana panaginip lang tong lahat, Sana panaginip lang. Sabihin nyo sa akin na nananaginip lang ako please.

Pinunasan ko yung luha ko. San ba ako nagkulang? Ano bang ginawa ko sa kanya para gantuhin nya ako?

"Sana nakakawala ng sakit yung sorry Jake." Yumuko ako at tumungo na sa kotse ko.

Dun ako umiyak ng umiyak, Yung iyak na kala mo hindi na titigil pa.

Ang sakit sakit, Parang hindi totoo yung nangyayari. Napakabilis ng lahat eh. Pano na ako? Pano pa ako magsisimula nito?

Yung mga plano natin sa isa't isa.

Yung mga alaala natin na magkasama.

Kung tuluyan ng aalis ka, Please Jake pwede bang isama mo na?



















10 Things About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon