IWOY: Tuu

3 0 0
                                    

Lumapit ang mag asawang kasabay niya sa pagpasok kanina. Sila ang mga magulang ni Paul. Palagi niyang nakikita ang mga ito, kung hindi sa business section ay sa lifestyle section ng newspaper. Ang mga ito ang sumasalubing sa mga baging dating.

Bigla siyang nag alinlangan kung tutuloy o hindi.

Mukhang aristokrata ang mama ni Paul. Tatalikod na sana siya nang mahagip ng paningin niya ang kumakaway na si Paul.

Binalingan nito ang kausap. Ang hula niya ay nagpaalam ito dahil kasunod nun ay naglalakad na ito papunta sa kinaroroonan niya.

"Happy Birthday!", bati niya rito ng makalapit ito.

Pinagmasdan siya nito. "You're very beautiful. Bagay na bagay sayo ang ayos mo."

"Nambola ka pa, alam mo namang di ako sanay sa ganitong okasyon eh, pero salamat." ani niya sabay abot niya sa regalo para kay Paul.

"I was about to call you up na nga. Akala ko hindi ka na darating", sabi ni Paul matapos tanggapin ang regalo.

"Tara, ipakikilala kta kina Mama at Papa", dagdag nito.

"Kelangan pa ba, hindi ba nakakahiya."

Namalayan na lamang niya, nasa harap na siya ng mga magulang nito at ipinakilala sa mga ito. Mainit naman ang pagtanggap ng mga ito sa kanya pero mukhang nagiba ang expression ng mga magulang ni Paul pagkatapos itong ipakilala.

Matapos ang pagpapakilala ay nagpaalam si Paul sa mga ito at hinila na siya patungo sa mesa ng mga kaibigan at kaklase nila.

Nasa isang mahabang mesa ang mga ito malapit sa swimming pool na korteng beans. Napapalamutian pa ng lumulutang na mumunting papel na bulaklak na may kandila sa gitna ang tubig ng pool.

Nagkakaingay ang mga ito. Lalo pang nagkaingay ang mga ito ng tuluyan na silang malakapit ni Paul.

"Wow! Sinong magandang dalaga yang kasama mo, pare?", biro ni Reggie.

"Ang ganda naman pala ng girlfriend mo, Paul," biro naman ni Christian.

"Heh! Magsitigil nga kayo," taray tarayan niyang utos, pero nakangiti. Alam niyang nang-aasar lamang ang mga ito.

"Kayo na ang maging gwapo. Syempre maganda ang girlfriend este boyfriend ko", ganting biro ni Paul.

Binalingan niya ito. "Heh! Isa ka pa riyan. Babawiin ko yung regalo ko sayo, sige ka!"

"Ang ganda mo, Jie. Pinagtitinginan ka ng mga bisita kaninang naglalakad kayo palapit dito ni Paul", bulong ni Shane ng makaupo siya.

"Maganda nga, bakla naman. Hayst! pero thanks for the advice na ito ang suotin ko" pabulong ding sabi niya rito.

"Kahit naman ano ang isuot mo, mapalalaki at babae pa yan ay babagay sayo".

"Jie, tara, sasamahan kita sa buffet table", yaya ni Paul sa kanya.

"Kumain na ako". tanggi niya. Alam niyang gagabihin siya kaya nag-take out na siya ng hamburger at iyon ang kinain niya pagdating sa bahay.

Tumawag na lamang si Paul ng isang waiter at nagpa-serve sa mesa nila ng finger foods at margarita. Pagkatapos ay saglit itong nagpaalam sa kanila ng lapitan ito ng isang katulong.

Habang nagkukwentuhan sila ay nabanggit ni Archer na dumating na nga raw ang kuya ni Paul na si Zac. Galing daw ito ng Switzerland on an official business trip bilang representative ng papa nito. Parang bienvenida party na rin daw ang pagtitipon para dito. Successful daw kasi ang pagpunta nito sa Switzerland.

Ayon sa kwento ni Archer, si Zac daw ang hahalili sa papa nito sa pamamahala sa iba't ibang negosyo ng pamilya nito kaya ngayon pa lamang ay gino-groom na ito.

Dagdag naman ng mga kaibigan niyang babae, ubod daw ng guwapo si Zac. Kanina nga raw na mag speech ito bilang pasasalamat sa lahat ng dumalo sa pagtitipon ay kinikilig sila dahil lalaking-lalaki ang dating nito. Maluluma raw ang kagwapuhan ni Paul dito.

Sa tingin naman niya ay hindi nagsisinungaling ang mga ito. Gwapo naman kasi talaga si Paul.

Nagpaalam siya sandali sa mga ito ng makaramdam ng panunubig. Niyaya niya si Shane na samahan siya sa rest room.

Mangilan-ngilan lamang ang mga tao sa loob ng bahay. Napakaluwang na sala ang tumambad sa kanilang paningin ng pumasok sila roon.

Nagkatinginan silang magkaibigan. Sa laki ng bahay ay hindi nila alam kung saan ang banyo. Mabuti na lamang at may napadaang katulong. Itinuro nito sa kanila ang direksyon ng banyo.

Ngunit sarado ang pinto ng magtungo sila roon kung kaya't bumalik sila sa pinanggalingan nila. Nakita uli nila ang napagtanungan nilang katulong. Matapos nilang sabihing naka-lock ang rest room sa ibaba ay itinuro nito sa kanila ang rest room sa second floor. Ikalawang pinto raw sa kanan pagliko sa kaliwa ang rest room. Nagpaiwan na si Shane at sinabing hihintayin na lamang siya nio sa terrace.

Pumanhik siya sa hagdan. Binagtas niya ang  mahabang pasilyo at narating niya ang sinasabi ng katulong na magkakrus na dulo. Lumiko soya sa kaliwa at ng matapat sa ikalawang pinto sa kanan ay pinihit  niya ang seradura at itinulak pabukas.

Napatda siya sa nabungarang tagpo..........

----

Ano kaya ang nakita ni Kenjie??










I've Waited On You [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon