IWOY: tree

2 0 0
                                    

Napatda si Kenjie sa nabungarang tagpo. isang lalaki at babae na naghahalikan ang kanyang napagbuksan.

"I-I'm so sorry!" hinging paumanhin niya ng makabawi sa pagkabigla. "I was looking for the rest room", pahabol niyang paliwanag.

Iniiwas niya angvtingin sa kama. Tumayo ang babae at lumapit sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka dapat nandito kung rest room ang hinahanap mo. You're spying and I think I know why", akusa nito.

"Stop that, Andrea," saway ng lalaki. Lumakad ito palapit sa kanila.

"I'm really sorry. I really didn't mean —"

"Shut up, faggot! Get out!", sigaw ni Andrea.

Hindi na natapos pa ni Kenjie ang sasabihin ng makita ang hitsura ng lalaking nakalapit na sa kanila at ngayon ay kaharap na niya. Hindi pwedeng mangyari  ito! hiyaw ng isip niya. Hindi pwedeng siya iyon.

Pero paano ba niya makakalimutan ang lalaki sa expressway? Ito ang lalaki sa itim na BMW. Ang lalaking nagpasakay sa kanya ng limang taon na ang nakararaan.

Hindi niya nakalimutan kahit minsan ang mukha ng knight in shining armour niya. At hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking kaharap niya ngayon at ang kanyang knight ay iisa!

"You are loking for.....?" kagaya niya ay nakatitig din ito sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "I-I am looking for the rest room. Sabi ng maid ay second door to the right daw pagkaliwa ko."

"It's the second door all right. Second to the last rows of doors. Iyong pangalawang pinto sa dulong iyon." Itinuro nito sa kanya ang pinto sa bandang dulo pa ng hallway.

Tinignan niya ang itinuro nito. Tanaw niya ang pinakadulo ng hallway at siguro ay may limang hilera ng pinto hanggang sa dulo niyon. Ang rest room pala na hinahanap niya ay iyong pangalawa sa dulo.

"Sorry again. Excuse me." tinalikuran niya ang pareha at naglakad patungo sa rest room na itinuro nito.

"Kainis, faggot." ani ni Andrea. Nagpatuloy na lang siya at ng sapitin niya iyon ay matagal niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Kitang-kita niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

After almost five years ay muli ko pala siyang makikita at dito pa kina Paul, of all places! Walang nabago sa hitsura ng misteryosong lalaki sa itim na BMW. Lalo pa nga itong naging mas maawtoridad at matikas.

Hindi na siya nito marahil natatandaan. Wala siyang nakitang rekognisyon sa mukha nito na natatandaan siya nito.

Inayos niya ang sarili at ng matiyak na kalmado na siya ay humugot siya ng malalim na na hininga. Gusto niyang paglabas niya ng kuwarto ay poised na poised na siya. After all, hindi na siya isang teenager na kailangang kabahan sa mga ganitong bagay.

Eh, ano ba kung makita niya ito muli sa ibaba? Pero ano nga kaya ang ginagawa nito sa party ni Paul? Marahil ay isa ito sa mga kaibigan ng papa ni Paul sa negosyo.

Lumabas siya ng silid at binaybay ang hallway na dinaanan niya kanina. Hindi niya naiwasang mapatingin sa pintong aksidente niyang nabuksan kanina. At muli ay sumagi sa kanyang isipan ang larawan ng lalaki at babae na naghahalikan. Asawa marahil nito ang babae.

Bigla ay tila may kumurot sa puso niya. Inignora niya iyon at pinuntahan si Shane sa terrace.

"Ang tagak mo namn," salubong nito sa kanya. Hindi siya sumagot. Nagyaya rin kasi kaagad ito na bumalik na sila sa kanilang mesa.

Nagkakasayahan ang mga kaibigan nila ng makabalik sila. Inabutan nila si Melody na umiinom ng alak. Nag-request daw kanina sina Archer ng hard kay Paul at nagpadala naman ng isang bote ng Duff and Gordon brandy ang lalaki sa kanilang mesa.

Sila ni Shane ang nabalingan ng grupo pagkaupo nila. Hindi naman nagdalawang-salita ang mga ito kay Shane. Isang lagok at ubos ang iniabot na isang shot dito ni Archer. Syempre p, siya na ang sumunod na inabutan ng maliit na kopita.

Hindi siya umiinom, pero sa mga ganitong okasyon qy pinagbibigyan niya ang kanyang mga kaibigan. Pilit niyang nilagok ang iniabot na alak ni Archer. Nagpalakpakan ang mga ito ng ilapag niya ang wala ng lamang kopita.

Natigil lamang sa pagkakaingay ang mga ito ng mula sa kanyang likuran ay marinig nila ang tinig ni Paul.

"Excuse me, guys," sabi nito. "Ipapakilala ko lang sa inyo ang binibigyan ng bienvenida party kasabay ng birthday ko. Si Zac Soriano, ang big brother ko." Halata ang proudness sa titig nito ng ipakilala ang kapatid nito sa kanila.

Hindi niya kaagad nagawang lumingon dahil medyo naninikip pa ang lalamunan niya sa nainom na alak. Bahagya siyang nakayuko dahil sa init na biglang gumuhiy sa kanyang sikmura.

"Kuya, mga friends ko sa school. You know Archer, Ronnick, Melody, Sandy, Shane and... of course, this is Kenjie." Hinawakan pa siya ni Paul sa balikat dahil nakatalikod aiya sa mga ito.

Magagalang na tumayo at bumati ang mga kaibigan nila. Tumayo na rin si Kenjie at sa kanyang paglingon para bumati rin sa nakakatandang kaoatid ni Paul ay nabura ang mga ngiti sa labi niya. Walang namutawing salita sa pagbati sa kanyang bibig.

He found himself staring at the man who helped her five years ago... the man he barged into a few minutes ago.

"Good evening. Please sit down," malumanay na sabi ni Zac matapos siyang titigan ng matiim.

Naupo muli sila ng mha kasama niya. Siya naman ay tila naestatwang nakatayo lamang doon. Tatlo silang naiwang nakatayo, siya, si Paul, at ang kuya nito.

Hindi pa rin siya makapagsalita sa sobrang kabiglaan. Wala sa hinagap niyang ang lalaking tumulong at nagpasakay sa kanya limang taon na ang nakararaan ay kuya ni Paul.

"How are you, Kenjie?" nahimigan niya ang amusement sa tono nito.

He lifted his chin. "Fine, thank you.".

"Brandy???, I don't think that is good for you." komento nito.

"Nagkatuwaan lang, Sir." salo ni Archer.

"Do you know each other?" nagpalipat lipat ang tingin ni Paul sa kanya at sa kapatid nito.

"Yeah, we accidentally met sa loob kanina," mabilis niyang sagot. Napapadalas ang kanyang pagkabigla ngayong gabi. Baka magkasakit siya sa puso nito.

"Is that so, Kenjie? I thought it was you I met five years ago," sabad ni Zac.

Natatandaan siya nito? "I don't know. Hindi siguro ako iyon," pagsisinungaling niya.

"Ganun ba? I'm very sure it's you."

Tahimik ang buong grupo at nakikinig lamang sa palitan ng salita nila ni Zac. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtataka sa anyo ng mga kaibigan at kaklase niya, lalo na si Shane.

"Nice meeting you again, Kenjie." Inilahad nito ang kanyang palad.

Napilitan siyang tanggapin ang palad nito. "Nice meeting you too, Mr. Soriano." Pinakadiinan niya ang kapormahan sa pagtawag dito, taliwas sa ginawa nitong pagtawag sa kanya on a first name basis.

Parang balewala lamang iyon dito. Matamis pa ang ngiting isinukli nito sa kanya. Hindi rin kaagad nito binitawan ang kamay niya. Pinisil pa nito iyon bago binitawan. Pagkatapos ay nagpaalam na ito sa lahat at saka tumalikod.

-----









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've Waited On You [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon