PROLOGUE

3 0 0
                                    

Nagising si Kenjie nang marinig na kalampag. Inis na nagdilat siya. Sinulyapan niya ang orasang nakasabit sa dingding. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang oras. Alas sais y medya na!

Dali-dali siyang bumangon at hinila ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto at nagtungo sa banyo. Ngayon ang huling final exams nila. Graduating student siya sa kursong Legal Management sa UST.

Nanginig siya sa lamig nang tumapat sa shower.

"Anak, bakit hindi ka muna nagkape bago ka naligo? Baka malamigan ang sikmuta mo niyan," anang mommy niya mula sa labas ng pinto ng banyo.

"Mommy, last day po ng finals ko ngayon. Baka nga po ma-late na ako nito," tugon niya habang nagsasabon.

"Akala ko naman ay mamaya pang tanghali ang pasok mo. Nauna na sayo ang daddy mo. Aba, eh, 4 na ng madaling araw ay bukas pa ang ilaw sa kuwarto mo."

Madalas kasi ay sumasabay siya sa kotse ng daddy niya sa pagpasok sa eskuwelahan. Ibinababa siya nito sa Balintawak at doon na siya sumasakay ng papunta sa Blumentritt.

Hinila niya ang tuwalya sa pinagsabitan niya niyon. "Dalawa ang exams ko ngayon, Oh MY, kaya talagang dapat akong magreview nang mabuti," tugon niya habang pinupunasan ang buhok at basang katawan.

Lumabas siya ng banyo at tumuloy sa kanyang silid para magbihis.

Ilang sandali pa at handa na siyang lumakad. Dahil likas na mamula-mula ang maputi niyang kutis, hindi na niya kailangang maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha.

"Mommy, aalis na po ako," paalam niya nang puntahan ito sa kusina. Humalik siya sa pisngi nito.
"O, siya, mag-iingat ka," paalam nito.
"Opo."

Bago ang lahat, ay nais ko munang magpakilala:

Ako nga pala si Kenjie "Jie" Rodriguez Park, 20 years old, 5'6 ang tangkad, may mahabang buhok hanggang balikat, maputi at sinasabi din nila na para akong babae. Hindi mo mapapansin na isa akong serena kung hindi ako magsasalita. Isa pa sa sinasabi nila na best asset ko ay ang aking mata which is totoo naman, kahit ako mismo ay nagagandahan din. Hehe. Nagtataka siguro kayo bakit Park ang apelyido ko, oo, koreano ang daddy ko, dito na daw kami tumira sa Pilipinas pagkatapos siyang itakwil ng aking grandparents dahil sa nag-asawa daw ito ng Pinay. Nagiisa lamang akong anak at alam ko sa sarili ko mula pagkabata ay may iba sa akin, akoy isang serena. Laking pasasalamat ko dahil tanggap ako ng parents ko.

O siya...

Lumabas siya ng bahay at nag-aabang ng tricycle patungo sa Sta. Clara kung saan dumaraan ang mga jeep at bus na pa-Balintawak.

Hindi naman nagtagal ay may humintong tricycle sa tapat niya. Agad siyang sumakay roon.

Marami nang nag-aabang ng sasakyan nang bumaba siya sa kanto ng Sta. Clara. Panay ang dasal niya na umabot sana siya sa alas-otso y medya na exam niya.

Isang bus na wala pang sakay ang huminto sa harapan niya. Nakipagsiksikan siya sa mga tao para makasakay. Nakaupo naman siya.

Kung mabilis ang bus na ito ay tiyak na fifteen minutes lang ay nasa Balintawak na ako, aniya sa sa sarili.

Matulin ngang magpatakbo ang driver ng bus na sinakyan niya. Hindi nagtagal ay nasa kahabaan na sila ng North Expressway. Bagaman nagmamadali siya, hindi niya maiwasang kabahan. Kaskasero ang driver. Matulin na ngang magpatakbo ay hindi pa maingat sa paglusot at paglipat ng linya. Panay tuloy ang pag-antanda ng matandang babaeng katabi niya sa upuan.

Pati sa shoulder ng daan ay lumulusot ang driver. Hanggang sa minsang paglipat nito ng linya ay napadaan ito sa isang malalim na lubak. Bigla itong nagpreno.

I've Waited On You [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon