Sa malayong tanaw ay nagmumuni-muni
Ngunit ang pag-awit ng ibon ay di mahuni
Napayuko at wari'y may inaalala
Subalit ang lahat yaon ay di maalalaHigit pa sa sampu ang ating samahan
Ngunit sa paglipas ng oras ay unti-unting nalalagasan
Paghahanap niyo ng ibang malalapitan
Ay nagdulot sa akin na madulas sa kinakapitanAkala ko ay lahat kakapit ng mahigpit
Tulong-tulong at kapwa magkakapit bisig
Ngunit iba ang nakikita ng aking mga mata
Kayo'y humawak lamang upang guminhawaHumakbang ng ilang beses para dumistansya
Subalit iyon ay lumagpas lima at sumobra
Kaya ngayon kayo'y nakagawa ng isang di katanggap-tanggap na pasya
Ang paglisan ninyo na nagdulot sa aking pag-iisaMay mali ba akong nagawa?
May kulang ba ako sa lahat?
Ginamit niyo lang ba ako? O
Sadyang katuwaan niyo lang ako?Oo, masakit ngunit ang luha ko'y di para sa inyo
Ang luhang ito ay para sa sarili ko
Sa lahat ng pagsisisi dahil sa kasamaan ko
Na pumili ng kaibigan na alam kong tatraydurin at iiwan ako sa dulo.[Plagiarism is a Crime punishable by law.]
©2018
ALL RIGHT RESERVED.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry 101
PoetryThis book contains spoken word poetry made by me. Ahm i just wanna share what's on my mind. But please don't copy my own poems. Kamsahamnida💕