Chapter [23]

2.3K 37 1
                                    

Anastasia's Point of View

Pagbaba ko ng kotse diretso kaagad ako pasok sa bahay. Nasa living room nakaabang sila Mama at Papa at di maipinta ang mga mukha nila.

Medyo kinakabahan ako pero pilit kong pinakalma ang sarili ko. Gusto ko maging matatag at maging matapang sa harap nila.

"Papa, Mama~

SLAAAAAP

Isang malakas na sampal na natamo ko galing kay Papa. Ramdam kong uminit ang mukha ko at dumugo ang labi ko. Nagsi unahan ng dumaloy ang luha ko ko, pilit ko itong pigilan pero dumadaloy parin ito.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanila. Ngumiti ako na parang wala lang sakin ang ginawa ni Papa.

"That's all? Tapos na ba kayo"

SLAAAAAP

Sa pangalawang pagkakataon sinampal nya naman ako sa kabilang pisngi ko. Nanginginig na buo kong katawan. Napayukom nalang ako ng kamay ko.

"Anastasia why are you doing this to us. Pinalaki ka namin ng mabuti, lahat bunigay namin sayo pero anong ginawa mo inabuso mo lang. What kind of daughter are you. Sana di ka nalang namin pinanganak. Sana di nalang kita sinilang sa mundong to puro sakit sa ulo ang binigay mo samin ng Papa mo. Wala kanang magandang ginawa. Puro kahihiyan ang dulot mo sa pamilyang ito "

Galit na sabi ni Mama sakin. Lumapit ako sa kanya.

"So ganun! Puro kahihiyan? Sana nung nasa sinapupunan nyo palang ako pinatay nyo nalang ako para di na ako mabuhay sa mundong ito. Sana di nyo nalang ako pinanganak alam nyo kung bakit? dahil  WALA KAYONG KWENTANG MAGULANG. MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAGING MAHIRAP KESA NAMAN MAMUHAY NA KASAMA KAYO. OO LAHAT BINIGAY NYO SAKIN PERO MA, PA NASASAKAL NA AKO SA MGA GINAGAWA NYO SAKIN. GUSTO NYO KAYO ANG MASUSUNOD, WALA AKONG FREEDOM SA PUDER NYO. KAYA AKO LUMAYAS PARA MAIPARAMDAM SA INYO KUNG GAANO KASAKIT MAWALAN NG ANAK PERO PUTANG INA WALA EH! PAGBALIK KO DITO WALA DIN AT HETO SINAKTAN NYO NAMAN AKO. HINDI NYO MANLANG AKO TINANONG KUNG KAMUSTA AKO SABAGAY WALA NAMAN KAYONG PAKI ALAM SAKIN."

"Hindi mo lang alam kung gaano kami nag alala ng papa mo sa pag alis mo dito sa bahay"

"Talaga? E di wow nag alala pala kayo sakin."

"Anastasia tama na yan. Simula ngayon di kana makakaalis ng bahay. Bawat galaw mo may magbabantay sayo at ako ang Ama mo dapat ako ang masusunod dito"

"Bahala ka kung anong gawin mo. Wala akong paki alam. Tapos na ba kayo sa kakasermon nyo sakin pwedi na ba akong umalis at mag pahinga sa kwarto ko?"

"Sino ang lalaking to"

Pinakita nya sakin ang picture ni Keith.  Nakaramdam na naman ako ng sikip sa dibdin ko. Pero nilabanan ko ito, ngumiti ako kay Papa.

"Sya ba? Well ka sex partner ko lang naman yan at wala kaming relasyon ng lalaking yan so please leave him alone."

"Napakadumi mong babae ka! Proud kapa sabihin samin na ka Sex partner mo sya"

"I don't care kung ano man ang sabihin nyo sakin basta nag enjoy ako sa pagkikipag sex sa kanya. One more thing wag na wag nyo syang galawin or else ako ang makakalaban nyo"

"Wow! natutu kanang lumaban ngayon sakin. Yan ba ang tinuro sayo ng lalaking yan para kalabanin ako."

"Anastasia wala kang respeto samin ng Papa mo."

Umiiyak na si Mama.

Yan nga ang gusto ko na umiyak sya para maramdaman nya din ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Yon kung may damdamin sila dahil sa pag kaka alam ko mga wala silang puso. Masahol pa sa hayop ang ugali nila.

Boarding House Ng Mga ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon