Chapter [29]

2.7K 43 3
                                    

Pag dating namin sa harap ng bahay di muna ako pumasok sa gate. Pinagmasdan ko pa ang labas nito.

"Baby don't be afraid nandito lang ako"

"Kaya ko ba silang harapin"

"Oo naman, saka nandito ako para sayo di naman kita pababayaan."

"Haisst Keith ~

"Just think positive okay. Walang mangyayaring masama sayo hangga't nandito ako sa tabi mo"

"Salamat"

"So Are you ready?"

Huminga ako ng malalim.

"Yes"

"Shall we go now"

"Okay"

Magka holding hands kami pumasok sa mansion.

Medyo kinakabahan ako pero everytime na tumingin ako kay Keith nawawala ang kaba ko. Feeling ko safe talaga ako pag kasama ko sya.

Pag pasok namin sa bahay bumunga kaagad samin sila Papa at Mama sa Living room. Di maipinta ang mga mukha nila. Ma's lalo tuloy ako kinabahan. Ramdam ko
na mahigpit ang paghawak ni Keith sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at tumango lang sya.

"Papa… Mama gus~

Di pa ako tapos mag salita nabigla ako sa ginawa nila. Napatakip lang ako ng bibig ko dahil ko inaasahan na luluhod sila sa kaharap ko.

"Anak patawarin mo kami ng Mama mo."

Nakayukong sabi ni Papa.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Subrang naawa ako sa kanila dahil lumuhod sila sa harap ko. Feeling ko tuloy ansama ko dahil sarili kong mga magulang lumuhod sa harap ko. Subrang na coconsensya ako.

Lumapit ako sa kanila at pinatayo ko sila. Naiiyak ako habang pinapatayo sila.

"Pa,Ma ano bang ginagawa nyo! Tumayo nga kayo dyan. Nakakahiya sa mga tauhan natin na nakaluhod kayo sa harap ko"

"Anak alam ko mahirap patawan ang isang katulad ko pero nagsisi na ako sa lahat ng mga ginawa ko sayo. Kahit ipakulong mo ako kaya kong tanggapin yon dahil alam ko sa sarili ko na malaki ang ginawa kong kasalanan sayo. Naginh selfish ako, nasilaw ako sa pera pati sarili kong anak pinaltrato ko na. Anastasia anak sana bigyan mo ulit ng chance si papa para ituwid ang mga mali ko. Sana patawarin mo ako anak."

"Pa tumayo nga kayo dyan ni Mama."

"Anak walang kasalanan si mama mo. Nadala lang din sya sa kalupitan ko. Sinabi ko sa kanya kapag against sya sa ginagawa ko mag hihiwalay kami, kaya no choice si mama mo dahil mahal nya ako at ayaw nyang masira ang Pamilya natin kaya sinunod nya ako. Anak Mahal na mahal ka ng Mama mo. Wala na syang inisip kundi ikaw kaso ako lang itong nagagalit sa kanya kasi puro nalang ikaw ang iniintindi nya. Ngayon pinaintindi sakin ng Mrs. Weston kung gaano ka importante ang anak sa isang pamilya. Anastasia sana wag mong kamuhian si Mama mo dahil wala syang ginawang masama sayo, ako ang lahat ang may salanan nito at handa akong makulong sa ginawa ko sayo."

mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Papa. Napatingin ako kay mama naka yuko lang ito. Niyakap ko silang dalawa.

"Pa wag mo naman sabihin yan"

"Deserve ko naman makulong dahil sa ginawa ko sayo anak. Kahit sino siguro maiinis sakin at kakamunghian ako"

"Pa kahit gaano pa kayo kasama, kahit ano pa ginawa nyo sakin. Still Ama ko parin. Kayo ni mama ang nag bigay ng buhay sakin. Kung ano man ang ginawa nyo sakin nagpapasalamat ako dahil pinagsisihan nyo na yon. Pa, Mahal na Mahal ko kayo ni Mama. Araw-araw nagdadasal ako na sana balang araw mag bago na kayo na sana balang arAw mabubuo ulit ang pamilya natin at maging maayos na ang lahat. Ngayon dininig na ng diyos ang panalangin ko. Heto kayo ngayon sa harap ko humihingi ng kapatawaran sa ginawa nyo sakin. Pa hindi lang pa kayo nagkasala sakin ako din naman po nagkasala din po ako sa inyo. Sana po mapatawad nyo ako ni Mama."

Boarding House Ng Mga ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon