Cuatro

19 1 0
                                    


Pinagmamasdan ko ang batang lalaki na nakaupo sa may paanan ng malaking puno. Likuran lamang nito ang tangi kong nakikita. May biglang nag-appear na isang bata mula sa aking likuran. Really, bakit puro 'to likuran ang aking pinagsasabi? ... At nakikita?
"Bata, napa'no ka? Bakit ka umiiyak?" tanong ng cute na batang babae.
"Eh kasi... wala na ang Mama ko." Humihikbing sagot naman ng batang lalaking nakaupo sa may paanan ng malaking puno-na bahagyang nakayuko.
"Hala, wag ka nang umiyak bata. Parehas pala tayo. Namatay din ang Papa ko. Ipinagpe-pray ko na lang sa Itaas n asana gabayan Niya 'kamo si Papa sa pagpunta doon sa taas." Alo ng bata at ngumiti nang bahagya. "'Nga pala, ako si Fi." Sabay lahad nito ng kamay.
Nag-aatubili namang kinuha ng batang lalaki ang kamay ng huli. "Ako naman si Jeuz Avin. Ipagpe-pray ko na lang din mamaya sa Itaas si Mama." Nakangiting sagot nito.
"Yan! Nag-smile ka na! Ilang taon ka na ba?"
"8 na ako. Ikaw?"
"Hala, Kuya ka nap ala! Eh 5 pa lang ako eh."
"Wag mo na akong tawaging Kuya. Jeuvin na lang. Gusto mo bang maglaro, Fi?"
"Sige ba!"
At masaya silang naglalaro habang ako nakanganga. Nang lalapit na sana ako, biglang nagbago ang paligid! Kung kanina'y nasa park kami, ngayon nandito ako sa school-na parang garden 'ata? And in all fairness huh, ang laki na ni Jeuvin. I think, Grade six na siya at ang poging chubby. Ang kyot!
"Hoy, tabachoy! Akina nga baon mo!"
"Jeuvin Tabachoy! Jeuvin tabachoy!" chant ng ibang bata.
Mukhang binu-bully ng mga bata si Jeuvin. Pipigilan ko n asana nang magulat ako nang nakita ko si Fi sa aking kanan na parang may pasigaw na binubulong.
"Anasaa Itipilmiima Yooka!"
"Aahh!"Nagulat ako nang sabay-sabay sumigaw ang mga batang nagbubully kanina kay Jeuvin. Nakahiga na ang mga ito at nakahawak pa ang mga ito sa kani-kanilang tiyan.
"Jeuvin, okay ka lang?"
"I'm okay Fi." Nakasmile nitong sagot kay Fi.
Napangiti ako sa tagpong iyon. I can't pull this smile off my face-nang bigla na lang lumindol! I don't know where to hold kaya napaupo ako nang wala sa oras sa lupa. Nasaksihan ng kyot kong mga mata ang paglabas ng mga halimaw na may mga ANTLERS! At oh my freaking shit! May mga pangil sa baba ang mga ito at mapupula ang mga mata. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga yun! Mas nagulat ako nang makita ko si Fi na tila nakikipaglaban sa titigan habang prinoprotektahan si Jeuvin!
"LEAVE US ALONE! You'll never win against us!" Sigaw ni Fi. Taray huh, English pa.
"F-fi, sino sila?" kinakabahang tanong ni Jeuvin.
"They are the creatures you never want to know. They will kill you Vin!"
"F-fi..." Ito na lang ang nasagot ni Jeuvin sa sobrang pagka-shock.
Grabe, intense! Parang ibang Fi ang nakikita ko ah.
"Who you?! You're not in your f*ckin' royal kingdom! We're not afraid of you."
Woah, English din ang feedback ng ta-err halimaw na tumutulo na ang saliva. Gross!
Nagtataka namang tinitigan ni Jeuvin ang halimaw. Halatang confused sa nangyayari.
"Tell me what you want! I might just give in." Nakangisi namang sagot ni Fi.
"We want our young master back. Let him know his father's side."
"NO! I won't give him up!"
"Wait... What?!" singit ni Jeuvin na napa-English na rin. Lumabas na siya sa likod ni Fi. To his surprise, nagbow down ang apat na halimaw.
"Yes, young master. You're father is-" Hindi na naituloy ng halimaw ang sasabihin nang in-attack siya ni Fi.
"Niihd Aarrammi" Sabi ulit ni Fi.
At biglang nagalit ang halimaw sa kanyang ginawa! Nang aatakihin n asana ng halimaw si Fi, biglang iniharang ni Jeuvin ang sarili kaya napaigik ito sa sakit.
"I'll go with you. Just don't hurt her."
"No Vin. You're not coming with them!" Pero tila nabingi si Jeuvin at patuloy lamang ito sa paglalakad kasama ang mga halimaw.
Fi just cried helplessly.
"Mamimiss kita. I'll see you soon" wika ni Fi habang humihikbi.

Ay, okay na ba ito?! Should I upload it? Tsk. Para namang may signal. Bakit ko ng aba napanaginipan yon?! Actually, napakahaba talaga ng panaginip ko puro sa dalawang batang yun. Parang puro adventure nila together. Ang kaso, di ko na matandaan ang itsura nila pati mga pangalan. Sige ise-save ko na lang muna ditto. Yung ibang extra schemes are just product of my figments.
Nang dahil sa panaginip nay un nagkaroon tuloy ako ng drive na isulat yun. Actually, I'm a writer in wattpad. Ito yung trendy website for writers-to-be and readers who wants to escape from reality shits. Hopefully, sana magkaroon ng chance ang stories ko to be adapted in movies or maging libro someday. I decided to entitle this story, "The Not-so Encounter". Sana nga ma-grant. Eh kaso nga mayroon akong 5 followers at 5 reads in all of my stories. Yung dalawa diyan counted na yung dalawa kong besties. So far, parang bet ko 'tong storya kesa sa mga nauna kong gawa. Pa'tsam (tsamba) lang kasi yung mga nauna kong gawa.
Bumaba na 'ko dahil drain na masyado ang utak ko sa kakaisip ng next scene.
Oh, gising na pala Kuya ko.
"Good morning sa iyo! Sweet and wild ang kasama ko." Pakanta kong bati kay kuya.
"Hello, Bulinggit liit!" Pakanta rin niyang sagot at may pahabol pang pukpok sa dibdib at sabay sigaw ala Tarzan.
"Tara na, jogging na tayo Ya." Di ko na kinutya yung pagkanta kasi umay na ko sa kaka-comment eh.
"Yan na outfit mo?" Nagtatakang tanong ni Kuya.
Ano ba problema sa suot ko? Naka-jogging pants ako. (Paano ba naman, ayaw niyang naka-expose legs ko.) at naka-racer back.
"Oh, problema mo? Pinantulog ko 'to para hussle-free. Wala ka nang choice. Tara na Ya habang di pa mainit."
"Seryoso ka 'Git? Magjajogging ka na sa lagay na yan? Hello, nakamedyas ka nga wala namang sapatos?!"
"Ay, oo nga! Teka magsasapatos na ako. At ikaw, yan na outfit mo?"
Biruin mong tanging sweat pants lang suot niya?!
"Ya, baka ma-pulmonya ka niyan! Pinapaala ko, hindi ka model Ya. Isa kang huwarang guro, alam mo yan."
Malutong na tawa lamang ang tanging sagot niya.
"Sorry 'Git. Kahit na mala-adonis katawan ko, di ko ipapagkanulo lisensya ko. Teka, bihis lang ako. Magsapatos ka na 'Git." Sabi niya-no, more of... utos niya.
"K fine. Go away Anna!" Ginaya ko pa boses ni Elsa. (Frozen fever!)
"Okay bye." At ginaya pa niya si Ana.
Natawa na lang ako kay Kuya. Natatandaan ko pa nung pinanood ko ying Frozen. Nadownload ko lang yun kasi nga ang ganda ng plot ng story. Then, sa sobra kong engross sa panonood di ko napansing nasa likuran ko si Kuya. When that moment when Ana was slowly freezing off, naging watery na eyes ko.. pero nagtaka ako ng nakarinig ako ng sumisinghot. Syaks, si Kuya pala!
Mababaw talaga ang Kuya. He's tough on the outside yet he's soft in the inside. Parang mamon lang noh?
"Tara na 'Git."
Di ko man lang naramdamang bumaba na siya.
Nag-warm up muna kaming dalawa bago nag-jog. Maganda talaga ang umaga! Hay, fresh air oh. I breathe in and out while my eyes were closed.
"Ahh"
Napadilat ako nang may napasinghap na suaveng boses. Woah, syete ang gwapo! Mabuti na lang di gaanong malakas ang impact ng pagkabangga ng shoulder ko sa katawan niya.
Di ako makapagsalita. Syaks, ang gwapo talaga! Ang tangkad niya, medyo tan ang skin niya (ma-muscle bae), may cleft chin, well-sculptured nose, mapang-akit na mga mata na pinaresan ng magagandang pilik-mata, mga labing nang-aakit at-
"Done assessing my features?"
Napatitig ako sa kanyang mga mata. Bahagya pang naningkit na tila hinahamon ako. Syaks, in fairness huh ang ganda ng boses. Napaka-presko pakinggan na napakasuave.
"'Mind stepping aside?" Tanong niya ulit nang di ako nakasagot.
"Oh, hi Vin!" Biglang singit ni Kuya.
"Magkakilala kayo?" Napamulagat pa ng bahagya ang kyot kong mga mata.
"Oo.Nagkatrabaho kami no'n sa dating school ko." At nakipagngitian na siya kay 'Hilaw na Kano'. Psh.
"'Nga pala 'Git, siya yung nakabili ng bahay diyan sa harapan natin. Ah, Jeuvin meet my princess Faye. Faye meet Jeuz Avin Cruz."
Napanganga ako sa nalaman. Syaks, this can't be real.
"Oh bakit 'Git?"
"Wala. His name sounds familiar. Ge, jog na 'ko."
Nagpatiuna akong nag-jog. Napaka-coincidental naman masyado ng pangalan niya. Ang weird lang. Saan ko nga napulot yung name na yun? Ah, di ko na maalala. Ask ko na lang mamaya sa ka-MU kong si-
"Avoy!"
[Avoy- an expression of fear; surprise]
Muntik na akong matumba nang bigla akong makakita ng bato. Buti na lang naagapan... Sheez hawak pala ni Hilaw na Kano ang braso ko.
"Ah, thanks. You may now let go of my arm."
Binawi niya ang kamay na tila napaso.
"Okay. I'll jog ahead."
Ano kayang problema no'n as if we're really that close. Psh.
"Oh, 'Git bakit nakabusangot ka? Para ka ng si Daisy Duck diyan."
"Wala lang. Pauso lang. Gayahin mo Ya kung gusto mo."
"Salamat na lang. I prefer to smile. Mga ganito kalaki." At ngumisi siya nang napakaplastic.
"Wow, ang plastic. Pwede nang ideliver sa junk yard. Diyan ka na Ya." Patuya kong sagot.
"Antay 'Git. Ah, by the way may pa-warm welcome party mamaya si Jeuvin. 5:30pm ang start. Invited ang buong Belle Famille Village." Sabi niya nang nakahabol sa pag-jog.
"Parang chicks lang ah. Ge, Ya."
***
At the "Welcome Party"
At exactly 5:30, nagreready na kaming dalawa ng kapatid ko. Rinig na rinig ko na nga ang musika at ang mga babaeng maiingay sa kabilang kalsada-na mas malakas pa yata sa tugtog. Tsk. Mga hindot talaga oh. Kung sabagay, may mase-say naman talaga yang Jeuv-errr it really gives me creep. Paano kaya naging magkapareho ang pangalan ng character ko sa 'Hilaw na Kano' nay un? Hay.
"'Git, okay ka na? Tara na't huli na tayo.""Oh sige Ya." Sagot ko sa kanya habang inaayos ang suot sa salamin. I have decided to wear white loose shirt and paired with black shorts-but wait, I have pair of brown boots...and I'm all set!
"Naks, di ka lalamigin niyan?", nang walang makuhang sagot, "Tara na, kanina pa ako tinetext ni Jeuvin eh."
"Okay. Tara na, nag-aantay na ang limo." Patuya kong sagot sa kanya at nauna na kong lumabas. Psh. Makikikain lang naman ako do'n at magsusulat na rin sa iba kong story. Masyado nang maraming araw ang nagdaan. (Naks, parang totoong writer lang noh?) Kahit naman maraming yamot sa'kin eh mag-uupdate pa rin ako. Eh sa gusto kong magsulat eh bahala na sila kung patuloy pa rin nila akong ija-judge.
"Oh, ba't nakabusangot yang 'chura mo? Gutom ka na noh?" tanong ni Kuya nang matapos niya mai-lock ang gate ng bahay.
Hindi na ako sumagot, alam naman niya ang sagot.
"Gutom ka ba o excited? Which is which 'Git?" Tanong niya nang makahabol siya sa'kin sa paglalakad.
"Psh. Ewan ko sa'yo Ya."
"Oh, Hi Filipp!" Bati ng 'Hilaw na Kano' kay Kuya ... at tumingin siya sa'king feslak na nakabusangot. "And... Faye."
"Aren't you supposedly inviting us inside and offer us food?" Pataray kong sagot. Wag siyang ano, gutom na ako. Di na ako naghintay na sumagot siya pumasok na 'ko sa gate at dumeretso sa buffet sa kanilang garden.
"Ah pasensya ka na sa kapatid ko Vin. Ganyan yan pag-gutom." Narinig kong sabi ni Kuya kay 'Hilaw na Kano'. Liningon ko nga silang dalawa at nakita ko pang tumingin ang HK (Hilaw na Kano) sa'kin at ngumiti ng nakakaloko. Inirapan ko na lang at kumuha na 'ko ng plate.
"No, it's okay. Girls sometimes are moody. No worries, Filipp."
Woah, ang daming pagkain! Parang hindi pang-warm welcome ang handaan, pang-reception ng kasal! Sa sobra kong tuwa sa mga pagkain, di ko na naririnig ang ingay ng mga nakapaligid sa'kin at di ko na rin pinapansin ang mga babaeng shock na nakatingin sa plates ko. Huh, bahala sila gutom ako! Nang makahanap ako ng bakanteng mesa, inilapag ko na ang tatlong plate ko. Hmm... yummy! Bahagya ko pang ipinikit ang mga mata at inamoy ang nasa hapag.
"Oh 'Git, ang sweet mo naman kinuhanan mo ako ng pagkain." Sabi ni Kuya habang papaupo. Buti naman at di niya kasama ang HK.
"Nah-uh not so fast." Bahagya ko pang binawi ang plate na hinawakan niya. "Diet ako Ya. Wag kang magulo diyan. Kumuha ka na lang do'n oh." Tinuro ko pa ang buffet gamit ang aking nguso.
"Oo na." At inis na inis siyang tumayo.
Nagdasal muna ako nang nakapikit. At nagsimula nang kumain, kiber na ang nasa paligid. May naramdaman naman akong umupo sa left chair next to mine.
"Oh Ya, ang bilis mo ah." Utas ko na hindi lumilingon.
"*insert macho chuckle* Piggy much Faye."
I never did bother to answer him, I just rolled my eyes heavenward.
"It seems that this is your last supper."
"Psh. Yeah and it seems that I have bunch of last suppers."
"Yeah, I bet." At sinabayan pa niya ng nakakalokong tawa.
"You know what, just go. Leave me alone here. FYI, my appetite's being affected here. What a nuisance!"
"Woah, chill." And he smirked.
Bwisit siya. Ang sakit niya sa vangs! Bahala nga siya sa buhay niya, ikain ko na lang 'to baka maubusan pa ako ng English. Hmp.
"Are you aware of our age difference, aren't you?""So? You wanna be called 'Kuya" or something? Well, news flash I WON'T CALL YOU THAT. You're not worth it you know."
"Oh."
Nagkunwari pa siyang gulat na gulat eh tumatawa naman mata. Psh.
"So, what you wanna call me then?""Well, *sshole would be great-no scratch that it was an understatement. I think, nuisance *sshole would do-ah no scratch that again. Hmm. Aha, eureka! 'Hilaw na Kano' is perfect." And I flashed my evil smirk.
"I never thought you'd ever think of perfect descriptions for me." And he winked! Then tumatawa na siyang tumayo. Syete talaga! Sa syakness ko, kumain na lang ako nang kumain.
"Oh, Bulinggit hinay-hinay lang. Hindi ka pa naman bibitayin. Di pa oras."
"HAH-HAH. Nakakatawa ka talaga Ya. Insert sarcasm here."~ø~ø~ø~
Dahil nga sa wala akong makausap sa welcome party kuno, nagsulat na lang ako para sa istorya ko through phone. Busy na ang lahat ng tao sa pagpaparty-party pati nga si Kuya may chicks nang kausap.
I don't know what I'd do. I promised my sister that I won't be in a relationship not until I got my diploma. I'm torn between my promise and what my heart wants.
"Alam kong mahal mo ako, Fayenne. At alam mong mahal na mahal kita." And he cupped my beautiful face. I can see his sincerity through his eyes.
"I... love you Dwayne." At nakita kong parang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko. "But... I want us to graduate first before we'll label our relationship. I made my promise to my sister. Got that Dwayne?"
"Oo naiintindihan kita, Fayenne. As long as you'll also promise you won't forget this day that I'll mark my own property." And he kissed me passionately. Pouring all his emotions to it. And his passionate mouth moved down to my neck... and down to my flower part. Ramdam na ramdam ko ang init niya kahit na may mga saplot pa akong suot. Ngunit bigla siyang huminto.
"Alam kong di ka pa handa, Fayenne. I'll wait." And he smiled.
"Thank you Dwayne for understanding. Ang swerte ko na may lalaking nagmamahal sa'kin ng ganito. Mahal na mahal kita. Sobra pa sa sobra. Alam kong... two years won't be long. Just promise me di ka hahanap ng iba huh." At yinakap ko siya ng napakahigpit.
"Wala ng papantay sa'yo Fayenne because you have my heart. Kahit na aalis ka ngayon, you'll remain here-in my heart. Two years would be hell but you're worth the wait Fayenne."
THE END.
Nagulat na lang ako ng may tissue'ng biglang nag-appear sa harapan ko.
"You alright? Did someone dump you?""What?!" Nakatingala kong sagot sa HK.
"If you haven't notice yet, you're crying. By the way, brought you some water."
"Salamat, nag-abala ka pa. Alam mo bang mas nakakaiyak yang kaka-English mo?!"
"Nah, I'm used to it. So, why were you crying?"
Imbes na sagutin ko siya, ipinakita ko ang na-encode ko sa phone. Nakikita ko pa ang bahgyang pagkunot ng noo niya na tila pilit iniintindi ang nakasulat do'n. Nang matapos niyang basahin, binigyan niya lang ako ng what-I-can't-believe-it look niya.
"You know what, it sucks."
"Is that all you want to say?" pataray kong tanong sa kanya.
"No offense meant but... yeah I think it is. You know, it lacks of attachment of feelings to the readers... lack of convincing power, lack of important details, and the events were fast-there's no pacing time you know. Though its beautiful story yet it needs improvement."
Bahagya naman akong nakonsensya sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Magaling pala siyang mag-critic noh? Hay, oo na tama siya.
"Well, yeah. On point. Okay, I'll take that. *yawns* Ah, by the way I gotta go. Busy pa si Kuya sa chick oh."
"I'll walk you home.""Ah, no thanks. Para namang di ako laking Belle Famille niyan. At isa pa, magkaharap lang bahay natin."
"Oh com'on! You're my guest. You're my responsibility since Filipp is busy."
"Okay then. If it makes you responsible enough to walk me home, go on."
Pinagbigyan ko na nga baka sa'n pa humantong usapan namin. Pagod na rin ako makipag-talk. Mabigat pa rin pakiramdam ko kina Fayenne at Dwayne noh.
"Are you upset? Why were you sighing for nth time?"
"Hindi naman siguro ako umabot sa upset level noh. I'm just... thinking over things. Lalo na yung sinabi mo."
"Wait, what is your course?"
"I'm taking Bachelor of Elementary Education. And... I am a writer kuno sa wattpad."
"Ah, what's wattpad?"
Nagtataka naman akong bumaling sa kanya.
"Hello, don't you know, it's the famous website!? Its where writers stayed and write something out of this world... and there are readers who want to escape from the real world... to be drawn to someone's world.""It seems you really love being in the site.""Beats me."
At sa di malamang kadahilanan, nagtawanan kaming dalawa kahit wala namang nag-joke. Di ko man lang napansing nandito na kami sa tapat ng gate namin.
"Hey, salamat sa paghatid. Kahit boring yung party mo, atleast nakabawi ka rito sa paghatid mo. I enjoyed the walk."
He just chuckles. Babaw talaga ng kaligayahan ng HK.
"Nah, I'm glad to be with you tonight. Good night then."
"Night."
At pumasok na 'ko sa aming gate. Bago pa 'ko pumasok sa bahay, sinilip ko pa kung umalis na siya ngunit nagulat na lang ako nang makita siyang lumutang nang mabilis pabalik sa kanilang bahay. May naiwan pa ngang itim na usok!
Syete! Guni-guni ko lang ba yun?! Ipinikit ko pa nang mariin ang aking mga mata at kinurot ko pa ang aking eyebags. Syete, ang sakit! Gising nga ako! Pinanidigan pa ako ng balahibo. Syaks lang! Pumasok ako ng bahay na lutang. Imbes na mag-eedit ako ng story eh naghanda na lang ako sa pagtulog.

Knight and DaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon