Diyes

19 0 0
                                    

Unang pagmulat ng kyot kong mga mata, ay ang malabong imahe ng isang matandang babae na nakatalikod sa gawi ko.

"H-HK?"

Kinusot kong muli ang kyot kong mga mata. At malinaw kong natanaw na si HK ang kausap ng matandang nakatalikod kanina—na ngayon ay nakaharap na ang dalawa.

"Nasaan tayo?"

HK just nodded and the old woman opened her palm and walked in air towards me.

"Mahal na Serripa, tayo po'y nasa libreta ng Rakanaa"

Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"She's Jfruiah. Its her true form" HK answered.

Inilibot ko ang aking paningin. Parang nasa loob kami ng isang libro, na may mga nakasulat na salita in Latin. Kami ay nasa gitna at kinukumpas ni Jfruiah ang dalawang kamay habang may chi-na-chant na mga foreign na salita habang hawak ni HK ang aking kaliwang kamay.

"Hoy, HK. Aba, parang nammihasa ka na ah" he just smirked at me and never let it go.

"Come on. Don't tell me you're not enjoying this?" with that reply, I unclasped our hands. He just laughed at me and held my hand again. Ay, pabebe oh pero kinilig ang malandi! God, di kita keri! Singit ng subconscious ko.

HK coughed while laughing. I just hissed at him while chuckling deep inside. I just can't help looking at him though. Naudlot lamang ang aming munting moment nang tumingin sa gawi namin si Jfruiah.

"Mahal na Serripa, Mahal na Knight hawakan niyong dalawa ang aking mga kamay. Simulan na natin ang pagbabalik-tanaw"

- -

Ang Simula...

Ang Isla Mangui ay napakatahimik at ligtas na isla kung saan pinamumunuan ng Dew Lei. May iba't iba itong rehiyon at ito ang; Dew Lei, Mid Dew, Common Dew, Kampo Majiika at Kababaeyo. Sa bawat rehiyon may kanya-kanyang abilidad. Ang mga Mid Dew, sila ang pangalawa sa herarkiya o antas sumunod sa Dew Lei at kaya nilang mag-teleport at magbago ng anyo o shape-shifter. Ang mga Common Dew naman ay tinaguriang "The Protector"—sila ang inatasang magprotekta sa mga Dew Lei. Kaya nilang basahin ang nilalaman ng iyong isipan at magbukas at magsara ng portal. Ang mga taga-Kampo Majiika naman ang siyang may alam sa mga spells o mahika. Ang mga Kababaeyo naman ay taglay ang pambihirang bilis at lakas. Ang Dew Lei naman ay taglay ang kakayahan ng lahat ng rehiyon at may bonus pang kakayahan, ang i-predict ang future.

Ang Bathala ang siyang magtatakda ng bagong Dew Lei at maging ang mapapangasawa nito o mas kilalang Dae. Ang magiging bunga naman ng dalawa ay bibiyayaan ng lakas at kapangyarihan, di man kasinglakas ng isang Dew Lei pero naaayon sa iilang porsyentong ipagkakaloob ng isang Dew Lei.

"Mga Isugon ng bawat rehiyon ng Mangui, at mga mamamayan ng Mangui, ngayon ay aking ika-isang daang taong pamumuno at ngayon ang araw na itinakda ng Bathala—ang pagpili ng hahalili sa akin. Ang sinag ng buwan ang siyang pipili sa kung sino ang karapat-dapat na maging Dew Lei na siyang mamamahala sa buong Mangui at tatanggap ng kapangyarihan mula sa Itaas. Humakbang ng dalawang beses ang mga pangalang aking babanggitin. Talimeon ng Kababaeyo, Milhelm ng Kampo Majiika, Dakutawo ng Common Dew at Omtinorria ng Mid Dew." mahabang litanya ni Dew Lei Makisig sa itaas ng nakausling malaking bato.

Pagkatapos magsalita ng Dew Lei, parang nagkaroon ng sariling buhay ang buwan. Biglang mayroong lumabas na nakakasilaw na liwanag mula rito.

"Mukhang nakapili na ang Bathala."

Maririnig ang mga singhap ng buong Mangui.

"Ating tatandaan, ang Bathala ang siyang pumili. Ating igalang ang Kanyang pasya sapagkat Siya lamang ang nakakaalam ng ating tunay na kakayahan. Hindi sa Kanya importante ang antas ng ating angkan at lahat ng ito ay nasa Kanyang plano—na Siya lamang ang nakakaalam. Aking tinatawag si Dakutawo ng Common Dew, pangatlong antas ng Mangui." sumayaw ang blue-green na apoy sa kanyang mga kamay at, "Levitate!" Umangat mula sa lupa ang katawan ni Dakutawo at ngayon siya'y nakatayo sa harapan ng Dew Lei.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Knight and DaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon