Cinco

12 2 0
                                    


"Mahal na Dew Lei, halika na."
Tawag ng matandang babaeng mukhang diwata—na may nakatagpi-tagping mga dahon na nagsisilbing damit. Ni-‘head to toe’ ko ang babaeng nakatalikod na tinawag ng matanda. In all fairness ha, kahit nakatalikod siya ang sexy pa rin tignan. May flower crown pa at naka-white overflowing dress. Napaka-graceful niya kaso di ko nga makita ang kanyang mukha kasi puro buhok ang nakikita ko. Take note, nakalutang ang dalawang babae huh. Sumunod ako sa kanila. Bale, nasa unahan yung naka-white at nasa likuran ang naka-green at ako ang huli. Taray, parang parade lang?
Discarding the thought, I still followed them as I roam my wandering eyes and I just can’t believe what I’m seeing right now!  Ma-puno ang lugar at napakatahimik, may lagaslas pa ng tubig akong naririnig at nakapaligid ang mga paru-parong nakadapo sa mga dahong bulaklak? Wow, ang ganda! May maliliit na mga bulaklak na nasa stem ng halaman at ang pinakamalaking parte ay ang dahong bulaklak. Parang I suddenly feel so nostalgic? I dunno…
Napatigil ako nang may nakita akong isang napakagandang babae na half kabayo. Hala, ang ganda niya! At mukhang papalapit ito sa dalawang naglalakad—este nakalutang.
"Kumusta na ang Kababaeyo, Kae?"
Tanong ng diwatang naka-white gamit ang ibang lenggwahe… pero bakit parang naiintindihan ko?
“Okay lang naman Mahal na Dew Lei. Naghahanda kaming lahat sa muling pagsulong nila.” Sagot ng babaeng nagngangalang ‘Kae’. Tsk. Weird. Pero bakit ng aba ako napunta ditto? Tsk.
Dahil sa bored at di ko alam pinagsasabi nila, I continued exploring the place. Its magical! Pag napapadaan ako, nag-iiba ang kulay ng kapaligiran, from brown into rainbow colors. Wow, amazing! Sa sobra ko ngang pagka'amaze, binalik-balikan ko ang dinadaanan ko to see kung babalik ba ang kulay. And it was!
Napadako ako sa isang lugar kung saan parang may invisible barricade. I touched it and...
Napunta ako sa gitna ng giyera. Nakita ko kung pa'no nag-aaway-away ang mga beast na may mga 10+ antlers ‘ata? Mapupula ang kanilang mga mata at may mga pangil sa baba ng ngipin. Baliktad ang pangil?!
May mapupupulang mga mata biglang lumingon sa'king puwesto. Bakit napansin nila ako?! Oh no! Papalapit siya nang papalapit! Napatakbo ako nang mabilis... Ngunit para siyang kalahi ni Edward Cullin ng Twilight, napakabilis!
"Ansa Lawaam Kona Nayongga An!"
Di ko alam kung saan ko nakuha ang term na yun basta bigla na lang akong bumilis at napunta sa ibang lugar.
Woah, that was effin’ close!
Napatigil ako sa pagpupunas ng pawis dahil sa aking nasaksihan! Napamulagat ang aking mga kyot na mata at bahagya pang nakabuka ang aking kissable lips.
Nakita ko lang naman ang 'diwata'-na nakatalikod at ang... syete! Ang gwapo ng guy! THEY ARE KISSING.... Di lang basta-basta kiss, laplapan na 'ata eh. Syaks, mga bastos! I forcefully shut the windows of my cute eyes.
After decades, I think? In-open ko ang aking kyot na mga mata at nakita kong nakangiti ang lalaki habang magkadikit ang kanilang mga noo. I don't know why my muscles in my cheeks involuntarily stretched!
"Things will be alright" said the guy. At sa akin nakatingin!
Then biglang nagtransform ang lalaki into a monsterous beast! Bigla niyang sinakal ang babae at itinaas!
"Waaaaaagggg!!!"
"'GIT?!"
"Bulinggit! Buksan mo yung pinto! Okay ka lang?! 'Git!"
Biglang nawala ang dark aura dahil sa boses. And I opened my cute eyes. God, I'm sweating!
"Okay ka lang 'Git?" Hinihingal na tanong ni Kuya.
Nakanganga pa rin ako at parang nakakapos ang aking hininga. Parang ako yung sinakal!
"Magsalita ka 'Git! Ano ba, pinapakaba mo ako lalo eh!"
"Ya, napanaginipan ko ang... babaeng diwata na may flower crown then monsters... Kababaeyo... beasts with antlers…Tap—"
"The time's up for you." He said seriously while looking straight in my cute eyes.
Ni hindi man lang siya na-shock or what?
"W-what do you mean?"
Nang tila may narealize siya, biglang naging malikot ang kanyang mga mata.
"Wala. Time's up kasi magsisimba pa tayo! Nang mapadaan ako dito kanina narinig kong umuungol ka. Papalampasin ko na sana baka nagwewet dreams ka lang ngunit bigla kang sumigaw, I panicked. Akala ko may intruder nang nakapasok sa kwarto mo eh."
Mahabang pagpapaliwanag ni Kuya. And I can see worriedness was written all over his face.
"Ya, give me a break. Wala kang balak kunan ako ng tubig? Grabe ang pinagdaanan ko huh."
"Sige, kukuha na po."
Sinundan ko ng tingin si Kuya. Halatang may itinatago siya. Ano kaya ito? At bakit naman niya itinatago?
Napatuon ang atensiyon ko sa pintuan. Hala, nasira ni Kuya? As in sirang-sira! Paano niya nasira ang pisagra ng double-door design nang ilang minuto lang?! Di lang yun ang nasira kundi lahat-lahat! Syete!
Teka, ba’t ko ba napanaginipan yun?
“Dew Lei. Tama ito yung nabasa ko kagabi… at tinawag ako. Syete, ang sakit sa vangs! Eh sino yung lalaking sumakal? Di ko na maalala. Ano ba, Faye. C'mon! Bakit ba ka—”
I stopped talking when I caught Kuya looking at me intensely. Tama ba ang nakikita ko? Parang kanina pa siya diyan sa may sirang pinto ah.
“U-uh Ya, k-kanina ka pa?” tanong ko reluctantly.
Instead of answering me, he just walked smoothly without removing that intense look of his.
"Y-ya, okay ka lang?" Nag-aalangang tanong ko. Sinubukan ko pang tumawa na naging ngiwi. Kinakabahan ako sa kanya. In my 19 years of existence, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka'intense makatitig.
Nang mapalapit na siya sa'kin, he smirked as if he's planning something bad... really bad. Bigla akong kinilabutan.
"Dew Lei huh? Do you think you deserve it?! All of you sucks! You ruined my life!" Sigaw niya sa'kin. At sinakal niya ako! At katulad ng sa panaginip ko, he turns into a monsterous beast. May antlers na parang sa deer, mapupulang mata at baliktad na mga pangil. Unti-unti niya akong inangat.
"Ya, b-bakit?" Sabi ko na nahihirapang huminga.
Imbes na sagutin niya ako, tumawa lang siya na parang demonyo.
"Ginawa ko ang lahat just to please you. I do love you as my brother. But why do you have to kill me? Go on, if that's what would make you happy. Atleast, nagbayad ako sa aking utang na loob sa'yo. If this would be my last, I'm greatful that I have this chance to say Thank you and I love you Ya." Syete mukhang dito na lang yata ako! Napaubo ako nang maramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan. Nawawalan na 'ko ng hangin. Basang-basa na rin ako sa pawis. Natalsikan pa ng tubig-ulan. Wait, ulan?!
Napabalikwas ako sa higaan nang maramdaman kong basa ako. Napagtanto kong umuulan sa labas ng bintanang nakabukas sa bandang kanan ko. Nakapatay ang aircon at nakaka-suffocate ang kadiliman sa kwarto. Black out siguro. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, its still early. It says 4:37 am. Syaks! Its been two months na palaging halimaw…. Dew Lei’s…. the place… Palagi silang naglalakbay sa aking utak. Pati ang Kuya ko napasali na sa tagpong yun. Lahat ba ng mga ito may bahid na katotohanan?
----
“Hoy te, okay ka lang?”
“Ha?”
Tila nagising ang diwa ko sa tanong ni Juma.
“Kanina ka pa te tinatanong. Ba’t ba lutang ka? Ilang katol ba natira mo?”
“Syete ka Juma. Lubayan mo ‘ko. Dami kong thoughts wag ka nang dumagdag. Please lang.”
“Wow, sungit ng lola dear. Well, as far as my question is being raised… may balak ka pa daw bang um-attend ng practice sa dance troupe mo. It’s been 2 months, di ka na daw nagpaparamdam. Grabe ha, parang sobra naman yatang napakalaki ng IMYU para maiwasan mo sila ah. Kaimberns ka girl. Mind sharing your thoughts?”
“Ang lalaki mo sa part na yun, Jums.”
“Yucks. Tumigil ka nga te. Ew lang ha. So, ano na nga? Hoy, bruha ka malapit na ang University’s Orgs Show Off oh. Kami nga sa Campus Chorus Org eh halos muntikan nang maputol litid kaka-practice tapos ikaw, relax?!”
“Ang OA mo Jums. Ito ba naman kasing si John Matthew, may pagka-perv. Natatandaan mo ba no’ng last performance namin? Diba partners kami no’n, alam mo bang ilang practice no’n eh kulang na lang hipuan niya lahat ng parte ng katawan ko. No’ng una, akala ko part lang yun sa routine. Buti sana kung di makapanindig-balahibo bigote no’n at makalyong mga palad. Yun nga, nang maglaon parang iba na, may malisya na. Di ko naman masabi sa troupe eh tingin nila kasi sa kanya santo. Kahit noon pa man, may ginagawa na yang kahina-hinala sa mga ka-troupe namin.”
“Ireport mo kaya sa Org coordinator?”
“At tapos? Ako naman ang makikick off? President yun ng org. Malakas kapit no’n sa admins. Kaya ayoko, alam mo namang first love ko ang pagsasayaw.”
“Sinabi ko bang ikaw lang mag-isa?” At ipinakita niya ang phone sa’kin.
“All this time, kausap mo si Nicca?”
Si Nicca ang pinaka-close ko sa troupe.
“Oo te. Ang lutang mo ba naman, di mo napansin kanina.”
He handed me the phone.
“Hello, Nics. 'You sure? Okay. Uhuh. Kausapin mo na rin yung iba. Okay. Saan? Pub Lib tayo? Oh sige, text me na lang. okay. 2PM, vacant ko rin yan. Sige, thanks. Bye. Lovelots!”
“Oh, ano te? Go lang kayo te ha. Save our race! Para sa mga kababaihang tulad natin! Push!”
Iniangat niya pa ang kanang kamay.
“Hoy, anong ‘natin’? wala kang matres, bobitanga 'to. Tsaka Jums, paki-close ng armpits please… nangangalingasaw eh.”
“Ang charaught mo te. Oh siya, tara na sa klase. Wala akong time sa ka-waleyhan mo.”
“Si Rhyzie?”
“Ewan ko sa babaitang yun. Ni di ko nakita dulo ng split ends no’n.”
“Faaayyee!” Tili ng isang malanding nilalang na paparating.
“Oh, hinay-hinay lang! Yung mga tutule ko, baka magsilayas. Oh, ano naman ang ganap mo?”
“Mayroon daw tayong bagong professor!”
“Oh, ano naman ang nakaka-excite do’n?”
“Guess what? Ang sabi ng chika, hottie na, yummy pa daw Faye!”
Mukhang nagningning naman ang mga mata ni Juma sa sinabi ni Rhyzie.
“I’m not interested. Sorry to cut your babble Rhyz. Masakit na nga ang ulo ko sa mga kaganapan sa’king panaginip tapos dagdag pa yung sa org at ito pa malapit ng mag-midterm. Kaya lubayan niyo nga ako sa mga kalandian thoughts niyo. Spare me, please.” Mahaba kong litanya sa kanilang dalawa—but only to find out… ando’n na sa labas yung dalawa at may sinusulyapan.
“Ayan na siya!”
“Why so pogi ni Sir?”
“Tignan mo ang umbok, besh! Yum-yum, delisyoso!” alam niyo na kung kaninong line ‘to. Syempre kay Rhyzie! Mas malandi pa ang thoughts niyan kaysa sa baklang InDe eh.
“Guys, ayan na siya! Behave na this.”
Mula sa maingay, biglang naging “di-mahulugang karayom” ang classroom. Real quick, bruh. Real quick.
*clears throat*
Do’n na napako ang paningin ko sa harapan. Syete! Is that HK?! After two months, ngayon ko lang ulit siya nakita. Mula nang makita ko siyang gano’n nang gabing iyon, iniwasan ko siyang makasalubong, makausap at makahalubilo.
“Good morning, class. I’m your new World Literature professor. My name’s Jeuz Avin Cruz.”

Knight and DaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon