A/N: Hey, guys! I wanna say sorry for not updating. Actually, I edited the whole thing in Third Person POV but then di na gumising si lappy. So, I had a file in my phone which is in First Person POV and I uploaded it. Hihih. So, starting Tres up to the end, is in First Person POV (If only if! XD) By the way, yesterday's my birthday! So, here's a treat! Nyehehe. Enjoy!
- - - - - - - - -
~Oh Monday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday. Miss kita pag Tuesday. I hate this day. Oh Tuesday~
Nagising si Faye sa halos pasigaw na pagkanta ng Kuya niya.
Abnormal talaga. Pag nalaman 'to ng mga studyante niya, naku ewan ko na lang.
"Kuya! Hinaan mo boses mo! Nabubulabog mga tutule ko sa'yo. They are pleading for silence!"
Pasigaw niyang sabi kay Kuya niya. Naka-volume up na naman kasi yung speaker habang nagluluto ng almusal ang isang yun. One step away lang naman ang distansiya ng kanilang kusina at sala.
No choice siya kundi bumangon. Nagdudugo na tenga niya sa pagkanta nito.
Pagdating niya sa sala, hininaan niya ang volume baka kasi maglayas na mga tutule niya sa sobrang lakas ng tunog. Nakapagligpit na pa naman sila.
"Ya, ganda talaga boses mo. Pang-horror. Bagay sa'yo. Nahiya naman talaga sa'yo si Jay-ar Siaboc."
"Huh! 'Git Bulinggit inggit! Oh rhymes yun para sa'yo. Kain ka na. Tamang-tama gising mo."
Nagutom siya bigla sa amoy ng mga pagkaing nakahain! Me peborito!
"Teka 'Git bago mo lantakan yang pagkain. Pasalamat muna tayo sa Taas"
"Hmp. As if. 'Ge na nga"
"Lord, you know what I mean. Amen."
"Napaka'ewan mo po"
Nilantakan niya na ang sunny side-up egg with tuyo!
"Kuya, kape ko?"
"Magtimpla ka. Di mo 'ko yaya"
"Grabe ka. Parang naglalambing lang." sagot niya kahit puno ng pagkain ang bibig.
"'To naman parang nagjojoke lang." he said mocking me.
Tatayo na sana siya para pumunta sa may kitchen sink nang...
"Oh heto na 'Git. Mabait yata ang Kuya mo. Wag ka nang magtimpla."
"I know right. Ano tingin mo sa'kin di makatingin? Nakita ko kaya yung dalawang tasa sa gilid. Maghuhugas lang ako ng kamay."
"Ah, okay. Pahiya ako dun ah. By the way, kumusta grades mo nung 1st sem?"
"Okay naman. Kaso, 1st time kong magka-dos 'Ya. Ang malala pa sa Stat."
"Okay lang yan. Ang importante makapagtapos ka para siguradong may matinong trabahong naghihintay sa'yo. Naku, alas sais cuarenta y sinco na 'Git. Ma-le-late na 'ko. Ako ngayon nakatoka sa flag ceremony. Kaw na bahala dito 'Git. Lock mo pinto ha at i-check mo na rin ang mga bintana. Alas nueve ba pasok mo?"
"Opo 'Ya. Ge ingat ka!"
After washing the dishes. She changed the song. Para ganahan siyang maglinis.
Parap parap parap parap parap
Got me feeling like,
Parap parap parap parap parap
Look, girl you got me faded
Like I downed the whole bottle
Yeah, you walked in the room
Looking like a Victoria's Secret model
Throw your number in my iPhone
And then let me take you home
I swear I think I fell in love
Either that or my drink's too strong
Kumekembot pa ang bewang niya habang nagmamop at nagheheadbang pa nang slight.
~Took a walk on the clouds, fell asleep on the moon
And I'm not coming down, now that I'm with you
If we ever wake up, don't know what I would do
Are we really in love
Or dazed and confused
Got me feeling like, yeah
Parap parap parap parap
Got me feeling like~
~Took a walk on the clouds, fell asleep on the moon
And I'm not coming down, now that I'm with you
If we ever wake up, don't know what I would do
Are we really in love
Or dazed and confused
Got me feeling like, yeah
Dazed and confused
Got me feeling like~
Tadaa! Natapos din. Naku, 8:21 na pala di ko napansin ang oras.
Tuloy, patakbo niyang binaybay ang daan patungong CR.
~o~o~o~o~
"Hoy, anyari sa'yo Juma? Ba't nakabusangot fezlak mo?"
Nginuso niya sina Rhyz na pulang-pula habang may d-in-discuss sa kanya si Brent.
"Oh, ngayon?"
"Wala. Kaimberns lang. Iniwan ba naman ako ditey nang tinawag siya kanina ng Brent na yan."
"Selos ka?" huh! Huli ka balbon! Biglang nagbago expression niya. Parang di makatae.
"Eww lang Faye. Di ko bet yang paminta na yan."
"Eh, kung ganun... Si Rhyz gusto mo?"
"Yuck! Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo Faye. Baka gusto mo ipakain ko sa'yo ang plastic bottle na 'to?" at inangat ang hawak niya.
"Naku, daming satsat. Syete ka Juma! Napaghahalataan tuloy"
Iniwan na lang niya si Juma the indenial at lumapit sa dalawang fishy.
"Hi Brent! Hi Rhyzie! Ano yan? Huh? Di niyo alam may nagseselos na."
Napatitig silang dalawa sa kanya. Nakita niya ang facial expression nilang dalawa. Si Brent na namumula at si Rhyzie parang maluluha na. Woah, really fishy huh.
Kahit di kami close ni Brent, magkakilala naman kami kahit papano and take note, we’re frenemies back then. Naging classmate ko siya no'ng Grades 3-5 pero after summer then umalis na family niya. Kaya medyo may familiarity between us. Ngayong sem lang ulit kami nagkita. Kaka-transfer niya lang kasi sa aming university at Education course niya. Kung kami, BEEd the Generalists siya naman ay BSEd major in Math. Mga future educator kaming lahat. Kami nina Rhyz at Juma ay elementary pupils ang future clientele, si Brent high school students naman ang sa kanya. Naku, napahaba yata discussion ng subconscious ko.
Ngunit ni isa sa kanila tila walang balak ibuka ang tikom na bibig taliwas sa sinasabi ng kanilang mga mata.
Pinasingkit na lang ni Faye ang bilugan niyang mga mata at pinapacute pa ang mala-button niyang ilong at kinakagat-kagat ang natural rosy soft lips.
"Ah, hello? May naghihintay ng sagot"
"A-ah. Ano ka ba Faye. May i-d-in-disscuss lang si Brent. May quiz daw tayo mamaya sa... sa English 2. Oo tama."
Di talaga magaling magsinungaling si Rhyzie. Eh 1st year 2nd SEM pa namin subject yun eh at wala pa no’n si Brent nang i-take namin ang subject. Lame excuse, me gosh! At kaloka si Brent nakatittig lang siya sa ganda ko, hindi man lang itinama ang sinabi ng babaitang ito.
"Ah okay" sagot na lang niya para cool.
"Male-late na tayo Rhyzie. Sige Brent, hihiramin ko muna 'tong babae. See you around"
Tumango na lang ito at nag-smile.
"Syete ka Rhyzie. Pag magsisinungaling ka gawin mong kapani-paniwala. English 2, really?! Okay lang naman kung di mo ishare ang pinag-usapan niyo. Di ka na sana nagsinungali—ohhmmp."
Biglang yinakap nito ang huli at humagulgol.
"Oy, teka lang. Ba't ka umiiyak? Inaway ka ba niya? ... O b-in-usted?" Hindi ito sumagot at tila lalo pang napahagulgol.
"Hoy bruhaldita. Mamaya ka ng magdrama. May pasok na tayo. Juice colored! 10 minutes before nine na oh."
"Okay fine. Let's go" sagot nito na sumisinghot-singhot pa at pinunasan ang pisngi.
"Hoy, teka lang! Papasok kang ganyan kasabog at kabangag? Halika, buti na lang girl scout aketch. May concealer ditey sa bag."
Tulad ng sinabi ni Juma, dumaan muna sila ng CR at siya na ang naglagay ng concealer kay Rhyzie dahil pabebe ang huli.
Tutal nandito na naman ako, naglagay na lang ako ng lip balm at nag-tender care powder. Huh. Yan lang naman pampaganda .
"Hoy Juma, wag mong gawing clown ang fezlak niyan. Late na tayo!"
"Oh, okay na Rhyz. Ayan litaw na beauty mo. Let's go."
"Ang OA naman ng ayos mo kay Rhyzie."
Dark plum red lipstick plus green eye shadow at pumuputok na pulang blush on. Syete! Rhyzie opened her closed eye lids beautifully . At ngumawa!
"Juma naman! Alam kong galit ka. Ginawa mong coloring book mukha ko! 'Tangna mo!"
Buburahin na sana ni Rhyz ang kolorete nang mahawakan ni Juma ang mga kamay niya.
"Sorry. Pffft. Wala na tayong time. Gorabels na, maganda ka naman. Pffft"sabi ni Juma na halata namang pinipigilan ang pagtawa.
"Tama na yan!" singit niya in pabebe tone na medyo natatawa pa rin.
"Nakng! Teka, may konting oras pa." nagmamadaling sabi ni Rhyzie at naghilamos sa may sink ng CR.
"Oh, tapos na. Tara na."
"Okay ka lang? Para kang basa't nalukot na coloring book. Nagkalat ang kulay. Oh heto towel ni Juma!" at binigay ang towel na kanina pa nakatago sa likod ng InDe—In Denial.
"Tara na! Ene be."
At lumabas na sila.
~~~
"How would you change mathematical expression into verbal expression? For example, x+y=10. What is x and y represents?” tanong ng prof—na may hoodlum aura pero matinik sa math. Ang pagsasalita niya’y consistent platonic tone pero hindi yung tipong makakatulog ka pag nagsasalita siya. Ewan ko lang kung tinatamad ba siyang magsalita o in-born talaga. Syete, bigla-bigla pa naman siyang tumatawag. Palagi akong kinakabahan sa kanya baka kasi magkamali ako at ma-diminish grade ko. Once na tinawag ka niya, dapat makasagot ka kung hindi, yung 100% grade mo sa recitation, made-decrease ng three points.
“Yes, Mr. Piper?”
Ayan na! Nagsimula na siyang magtawag ng aming pangalan. On the spot 'to! lO_ol
“They are variables, Sir”
“Another answer? Anyone? Yes, Ms. Bernadette?”
Pag nagtatawag siya ng iba with the same question, ibig sabihin he’s not yet satisfied with the answer.
“They represent an unknown number.”
“Yes! Correct. Now, what would be the verbal expression? Yes, Mr. Castillo?”
"x plus y is ten."
“Parang binasa mo lang ang nakasulat Mr. Castillo. There’s an English term that has the same meaning to addition. Another? Yes, Mr. Dinagat?”
“Ten is the sum of an unknown number increased by an uncertain number.”
Sinulat ni Sir ang phrase at in-underline ang increased by.
“Another one. Yes, Ms. Reds?”
“An unknown number more than another uncertain number gives ten.”
In-underline niya naman ang more than.
“Okay. There are really English terms which represent the four fundamental mathematical operation. Gaya ng sinabi niyong words or phrases yung more than, increased by, added to, the sum atbp. ay katumbas ng addition. The equal sign might also be is, gives, results to atbp. I have here another example,. How would you change this into verbal expression? Yes Ms. Bernadette?”
“Five divides four times the difference of an unknown number and seven”
“There’s something missing to your sentence. Yes, Mr. Velasco?”
“Five divides the product of four and a certain number diminished by seven.”
“Yes, correct! Another, Ms. Mous—”
Nag-ring na ang bell. Oh, saved by the bell!
“I’ll give the equation as your assignment and this”
And he flashed 1-5 mathematical expression in the projector.
“Make as many as you can in every items. Let’s call it a day. Bye.”
~~~
“Nakaka-nosebleed na sa CC17. 'Langya, sumasakit ilong ko! Kailangan nating intindihin because how would we teach children when we ourselves can’t understand, right?” sabi ni Rhyzie with conviction.
“Oy te. Uso magmove-on noh. Nag-last subject na tayo, yang first subject pa rin topic mo? Haller?!”
“Anakng! Eh mahirap kaya magmove-on kung palaging sumasagi sa isip mo. Try mo kaya at nang malaman mo.” Depensa nito.
“Kung isasapuso at seseryusuhin mo ang pagmo-move on magtatagumpay ka.” Sagot naman ni Juma.
“'Langya! Eh sa NAIISIP nga. Alam mo bang nasa taas ang isip at nasa ibaba ang puso? ITO” at itinuro ang ulo. “Ito ang nag-uutos sa puso. Dito isinasala ang bawat desisyon. So, sabihin mo nga, ang sa’yo ba’y gumagana pa? Puro ka puso. Kaya yan ang nangyari sa’yo eh. Malambot. Naapektuhan pati spinal chords mo.”
May diin ang bawat katagang binibigkas ni Rhyzie. Di na alam ni Faye kung ang subject pa rin ba ang pinag-uusapan nilang dalawa o iba na.
“Tama na guys. Dinadagdagan niyo lang ang ingay ditto sa FC. Tara na, kain na tayo”
“Sige Faye, mauna na kayo. Wala na 'kong gana. Tatambay muna ako sa library para magpalamig.”
“Ako rin te. Eskapo muna ako. May meeting ang Campus Chorus Org.”
“A-ah sige. Ingat na lang kayo” napipilitan niyang sagot sa kanila. At um-exit nga ang dalawa. Si Rhyzie dumaan sa may entrance sa gawing kanan—ang papasok tuloy ang nag-adjust sa biglaan niyang pagbukas sa pintuan at si Juma do’n sa exit dumaan sa may kaliwa. Napaka-ewan talaga ng dalawang yun. Palaging nagbabangayan but at the end of the day, nagso-sorry sa isa’t isa. Napapailing na lamang siya habang umuupo.
“Ah, hi Faye. Tapos ka na bang kumain?” bigla siyang napaangat ng ulo sa medyo nahihiyang nilalang na nagtanong.
“H-hi din Brent. H-hindi pa.” nag-aalangan niya pang sagot.
“Can I sit here? Puno na kasi ang mga mesa. Ito na lang ang vacant.”
Tiningnan naman niya ang paligid, oo nga mga puno na. At ang mga babae, nasa kanila ang paningin. Ibinalik niya na lang ang paningin sa mesa.
“Ah, oh sige ba.”“Ayos!” masayang sabi nito at nang tila may na-realize siya—“Ah. Mag-oorder na 'ko. Ay, teka ako na rin ang oorder ng sa’yo. Kailangan kasi ng bantay sa mesa baka pagsabay tayong aalis wala na tayong babalikan.”
“Ay, hugot ka do’n pero tama ka. Buti pa nga 'kaw na lang para alam mong may babalikan ka pa.” Iniabot niya dito ang pera—na di na pinansin pa ang lopsided smile nito.
“Wag na. Libre ko na. Tutal, may pinagsamahan naman tayo.”“If you insist. Gora ako diyan.”
“Sige, baka gutom ka na. Marami pa namang estudyante. Ano ba gusto mo?”
“Ikaw… Ikaw bahala.” Natawa siya sa reaksyon ng huli sa sagot niya.
“Ako rin. Gusto kita.” Sabi nito na nagpatulala sa kanya at lumarga na ito sa counter nang walang pambawi sa sinabi nito. Ah Faye, baka nagbibiro lang siya. Wag kang assuming baka mag-expect ka nang grabe ha. Kalma ka lang. yang puso mo weak pa naman. Marami pa naman ngayong paasa baka isa siya sa karamihan. Saway ng subconscious niya.
Teka nga, sabi ni Juma bakla si Brent? Bakit parang hindi naman? Yung lakad lang niya PARANG pang-bakla pero not totally lahat-lahat sa kanya. Posible kayang sinabi lang niya yun kay Rhyzie para huminto na ito sa pagpapantasya? O baka nagseselos siya? Nakakaloka talaga ang baklang yun. Hmm. Maitanong ko nga para ma-confirm. Halata naman sa baklang yun na may something siya kay Rhyzie.
“Hay, pero paano mangyayari yun? Eh bakla nga siya eh. Baka lalaki nga siyang tunay at nagpapanggap lang na bakla? Pa’no naman niya nasabing bakla nga si Brent? Mostly sa mga bakla, may gay radar eh. Naku, ang sakit sa vangs.” At ipinatong niya ang makinis na noo sa mesa.
*clears throat*
Napaangat ang ulo niya mula sa pagkayukyok sa mesa.
“Ah, sino ba kausap mo Faye?” nagtatakang tanong ni Brent at lumingon-lingon pa sa paligid.
“Anong sinasabi mo? Ah, teka. Malakas ba tinig ko?” Naku, nakakahiya kung totoo mang narinig niya 'yun.
“Oo. Akala ko nga may kausap ka.”“Teka, napalakas ko talaga boses ko? Narinig kaya niya ang mga pinagsasabi ko?” Tanong niya sa sarili na bahagya pang tinuro ang dibdib pero natigilan siya nang makita ang facial expression ni Brent. Parang ako ang pinaka-weirdong babae sa kanyang paningin ngayon. Nakakahiya talaga!
“Ano bay an. Tara na upo ka. Nagre-reflect lang ako. Wag mo ng pansinin yun.”
“Ah, kumusta ka na? Huling kita ko sa’yo no’ng Grade 5 pa tayo. Laki na ng pagbabago mo. Dati uhugin ka pa ngayon, wow chicks na chicks.” Tanong nito sa kanya para mabasag ang tila awkward na atmosphere.
“Naku, maliit na bagay, Brent.” Sabay flip ng hair. “'Nga pala, ba’t ba kayo umalis no’n?”“Kasi nagka-emergency sa business ng Papa ko. Kaya yun, agad kaming umalis nang makarating ang balita.”
“Nalungkot ang ating adviser nang malamang umalis kayo.”“Talaga? Si Ma’am Advincula?”
“Oo. Paborito ka kasi niya.”“Paanong naging paborito? Eh palagi nga akong sinesermunan no’n.”
“Psh. Di mo lang alam. Ikaw lang nang ikaw ang bukambibig. Crush ka yata no’n eh. Pang-matanda talaga beauty mo, Benggoy.”
“Di ka pa rin nagbabago. Mahilig ka pa ring manukso, Penggay.”
At natawa silang pareho nang bigkasin muli ang mga palayaw sa tuksuhan. Hay, ilang taon na ring hindi ko binibigkas ang ‘Benggoy’.
“Ikaw lang naman ang peborit kong tuksuhin, Benggoy.”
“Ikaw lang din naman ang gusto ko, Penggay.”
Nag-blush yata ako do’n ah. Mukhang kanina pa 'to bumabanat ah. Hindi na lang ako nagreact pa.
“Ice cream gusto mo para matunaw ang init sa pisngi mo? Teka, I’ll order.”
Tumayo na ito and she can’t help but glare at him while he’s grinning widely. Naku talaga! 'tong puso ko, humihina na naman.
Kakainis kasi yung dalawang bestfriend ko eh. Kung di sila nagdrama, di sana kami magkasama ni Brent. Leche! Di talaga nawawala ang grinning face niya. Ang gwapo—err, stop that thoughts of yours Faye. He’s just plainly a flirt. Saway ng subconscious ko.
O baka naman he’s purely interested, Faye. Sabat naman ng aorta niya.
- - -
Meanwhile...
He gritted his teeth and gave the two a sharp gaze.
"If only she remembers, she won't even smile infront of him," he murmurs.
"You bet, Knight." said the man next to him.
"W-what are you doing here?" he asked.
"Being invisible like you?"
"Whatever, Fil. Don't you have any class?"
"Its lunch. Did you even try having classes during lunch time?" he asked sarcastically.
He just sneered.
"I missed her, Fil. You're lucky she's in your roof."
The man just laugh.
"Don't worry, Knight. She's all yours. Anywho, don't you know that Jung Coi too losses his memories? I've intruded his vision, he has only Faye's face. Oh, what a rhyme. And that body he possessed is her childhood frenemy"
That made him think even more.
"I hate it when you're thinking. I can't invade yours and Faye. Tch. Let's go poor Knight."
Before leaving, he snaps the arm of the man infront of Faye. And off they go, leaving a smoke behind.
BINABASA MO ANG
Knight and Dae
FantasíaMangui is the safest place wherein Dew Leis reign. It consists of different regions namely; Dew Lei's Palace, Mid Dew, Common Dew, Kampo Majiika and Kababaeyo. Norria is the worse place wherein the Knight rules. Jeuz Avin is a half Knight and half...