Survival #1

6 0 0
                                    

##################

I was born in this world that full of regrets. Hindi ko gusto ang pamilya ko na magulo, kaya naman nakarating ako sa ganitong pamumuhay. Malayo sa pamilya, malaya sa mga nagsisigawang mga boses na nagsisisihan at nag-aaway dahil sa pera. Ayoko ng magulo. Ayoko ng maingay. At ayoko ng may nag-aaway dahil sa mga walang kwentang bagay.
That's why I run away and now I'm in the middle of life.

50/50

"Clear!"

Naramdaman ko ang bagay na halos magpaalog sa buong sistema ng katawan ko ngunit dumidilim na ang paningin ko.

At sumunod ang pag-tunog ng monitor na nagsisilbing life detector. Diritso itong tunog na walang tigil.

At naramdaman ko na lamang na para akung hinihigop pababa. Habang naririnig ko ang mga boses na pinakaayaw ko kaya tinakasan ko ito.
Napapikit na lamang ako at pilit binabaliwala sa isip ang mga ala-alang yun.
Ng tahimik na ang paligid, nagpasya akung magmulat ng mata.

At namalayan ko ang isang hindi pamilyar na lugar.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid.
Malawak na lupain, punong puno ng mga halaman. May mga bulaklak, puno at sariwang hangin. Kulay asul na kalangitan.

Ito na nga ang hinahanap ko. Ang lugar kung saan ko nais manirahan.
Nasa may mataas ako ng parte ng lugar. At sa di kalayuan, may puno malapit sa pampang.

"I'm expecting you to be here."

Napalingon ako sa nag-salita.

"Mother..."

Nginitian nya lang ako saka naglakad palapit sa puno. Tinitingnan nya ito habang may mga ngiti sa labi.

"Mother...diba po patay na kayo."
Naalala ko pa ang panahon kung paano sya nawalan ng hininga sa mismong harapan ko. Ang pagkabaril nya sa mga tulisan at ang mga labi nyang may mga ngiti habang unti-unting nalalagotan ng hininga.
At hanggang ngayon, dala-dala parin nya ang mga ngiting iyon.

"Tingnan mo ang punong yan."

Tiningnan ko naman ang puno. Ngayon ko lang napansin ang mga kumikinang na bagay na dumadaloy sa katawan nito. Mga butil na animo mga dyamante na nagbibigay liwanag sa puno.
Maliit lamang ito ngunit mayayabong ang mga dahon ng sanga.

"Maliit lamang yan ngunit nabuhay yan ng halos ilang taon. Ilang bagyo, malalakas na ulan at hangin na ang sumubok na patumbahin iyan ngunit hanggang ngayon, nanatili parin itong nakatayo."

Hinarap naman nya ako.

"Ganun karin Sam."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Ilang trahedya pa man ang lalabanan at lalampasan mo, patuloy kang mamumuhay sa magulong mundong iyon Sam."

"Mother hindi ko po kayo maintindihan."

"Matalino ka Sam. Alam kung naintindihan mo ako."

At hinarap nya uli ang puno.

"Oras lang ang tanging papatay ng punong ito, katulad mo. Ngunit hindi mo pa oras Sam. Hindi mo pa oras kaya bumalik kana. Kailangan ka nila."

Biglang humangin ng malakas kaya't napapikit nalang ako at unti-unting bumabalik sa akin ang nangyari.





***************

Naghahanda ako para pumasok sa trabaho. Mag-isa lang akung nakatira sa isang apartment malapit sa shop na tinatrabahoan ko at maging sa paaralan kung saan ako nag nanight study.

Palabas na ako ng apartment ng biglang nagkakagulo ang mga tao. Nagtatakbuhan at nag hysterical.

"Anong nangyayari?"

The Survival SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon