Survival #3

5 0 0
                                    

Nakita ko ang isang batang babaeng umiiyak sa labas ng bahay, kahit gabi na. Pinili nitong manatili sa labas ng bahay kaysa makita ang away ng mga magulang nya.

"Huhuhu mama papa huhuhu *sniff* wag na po kayo mag-away."

"P*st* kang lalaki ka!!! Akala mo nabigyan mo na ako ng isang libo eh kasya na yun sa pang-araw araw natin!!!! Kulang pa yun!!!!"

"Nasaan na ba ang perang binigay ko sayo kahapon!!! Kung makapagwaldas ka ng pera akala mo sobrang dali lang humanap ng pera!!!!"

"Winawaldas?!! Alam mo bang pinang gastos ko yun sa mga bilihin dito sa bahay!!! Ginastos para sa mga anak mo!!!"

"Bakit kasi ang kati kati mo at nanganak ka pa!!!"

"Kasalanan ko pang ikaw ang makating lumandi sa akin!!!"

Halos mag patayan at magsisihan na ang mag-asawa sa loob ng bahay. Tiningnan kung muli ang bata. Napayakap na lamang ito sa kanyang tuhod. May mga pasa ito at galos. May Paso ng sigarilyo ang batok nito. Mababa ang buhok na ginupitan ng boy cut.

Naawa ako sa kanya. Bakit ba may ganitong pamilya. Yung mag-asawang hindi kayang panindigan ang mga nagawa nila.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Ibang eksina na naman ang aking naabutan.

Yung batang babae. Pinagtutulongan ng kanyang mga kapatid. Hinihila ang buhok. Sinisipa at hinahampas ng kahoy.

"Salot ka kasi sa pamilya namin!!!"

"Dapat hindi ka nalang nabuhay!!!"

"Dahil sayo nagkakaletse letse ang buhay namin!!!"

"Dapat natuloyan ka nong maaksidente ka!!!"

"Huhuhu tama na po huhuhu masakit po huhuhu aray! Aray! Huhuhu."

Lumapit ako sa mga bata at akmang hinila sya ng magbago na naman ang paligid. Nasa labas ito ng bahay. Hating gabi. Umuulan at kumikidlat. Napalingon ako sa paligid at nakita ko nanaman ang batang babae na tumatakbo sa gilid ng daan. Nakapaa at nilalamig. Nagpalinga linga sa paligid. Pero hating gabi na kaya walang katao tao.

Patuloy lang sya sa pagtakbo. Hanggang sa bigla nalang syang mawalan ng Malay sa gitna ng daan. Unti-unti namang umaangat ang tubig dahil sa lakas ng ulan. Umapaw ang tubig sa kanal at sa palayan. Nilapitan ko sya at pilit mahawakan pero tumatagos lamang ang mga kamay ko. Hanggang sa may sasakyan ang dumating. Tumigil ito ng makita ang bata.
Lumabas ang mga madre.

"Jusko! Tulongan nyo ang bata!"

Kinuha ng driver ang bata at pinasok sa loob ng sasakyan.

"Hindi ka dapat nanatili sa alaala mo Sam."

Napalingon ako sa nagsalita.

"Mother Maris."

Lumapit sya sa akin at unti-unti namang nagliwanag ang lahat. Nasa loob kami ng silid sa kumbinto. Ang kwarto ko.

"Itong mga alaala mo, hindi mo na dapat ito binabalikan."

"Mahirap po lalo na at ito ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon."

"Pinagsisisihan mo ba kung bakit ka napunta sa amin?"

"Hi-hindi naman po sa ganoon."

"Kung ganon bakit?"

Napayuko nalang ako sa sinabi nya.
Wala akung pinagsisisihan at ne minsan hinding hindi ako nagsisina napunta ako sa kanila.

"Dahil ba sa galit Sam."

Hindi ako makasagot, wala akung maidahilan.

"Sam hindi lahat ng masamang bagay dapat kagalitan. Minsan, ginagawa itong daan para umangat ka. Ginagawa itong aral para matoto at makalampas sa ano mang paghihirap."

The Survival SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon