Survival #2

6 0 0
                                    

Life is not about happiness
Not about pain
And not about facing every conflict
But about surviving in every struggles in life

********************

"Sam wake up...."

Hindi ko lubusang maaninag ang kanyang mukha pero familiar sa akin ang boses nya.

"Sam..."

"Ahh... mo-mother?"

Nginitian nya lang ako kaya napangiti nalang ako kahit nakakaramdam ako ng kirot sa may likod ko. At kahit nanghihina parin ako, pinilit kung itaas ang aking kamay at abutin ang kanyang mukha.

"It's not the end Sam....you are just starting...long live Sam...long live."

At unti-unti syang nilamon ng liwanag.

"Mo-mother Maris..."

"Sam? Oh God... Doc? Doc! She's awake!"

Bigla namang may pumasok na lalaki na naka suot ng doctor's uniform. Lumapit sya sa akin at chineck ang heartbeat ko.

"She's getting stronger. Rumerecover na ang heartbeat nya. Ngunit mahina parin ang katawan nya. Pero I'm sure makakarecover na sya soon."

"Salamat po doc."

"I'll be going, may patients pa akung dapat icheck. I'll sent a nurse later na magdadala ng gamot para sa kanya."

"Salamat po."

"Don't worry Mother. She'll be fine."

Saka nya tinap ang balikat ng babae saka tuloyang lumabas ng silid. Lumapit naman sa akin ng babae.

"Sam? Oh thank God...sobrang nag-aalala na kami sayo."

"Mo...ther...Joy..."

Halos bulong lang ang tanging masabi ko. Nahihirapan akung magsalita dahil sa mga nakalagay sa bibig ko.

"It's ok Sam....magpahinga ka muna. Baka bukas pwede na nilang tanggalin ang mga yan kapag normal na ang paghinga mo."

Tukoy nya sa mga nakasaksak sa bibig ko.
Hindi nalang ako nagsalita pa at sinunod sya.

Habang nakahiga ako, patuloy lang siya sa pag-aasikaso sa akin. Sya ang nagsisilbing lakas ko habang patuloy ako sa pagpapagaling. Hanggang sa tuloyan ng nakakarecover ang katawan ko. Tinanggal na nila ang oxygen, nakakaupo na ako at maaring makakalakad na.

"How long I've been sleeping?"

"It's almost 3 weeks hanggang sa gumising ka pero 1 month kanang nandito."

Sabay subo nya sa akin.
I don't like this. Ayoko ng pabigat sa kanila. Marami na silang naitutulong sa akin. And until now, I don't know how to pay them back.

"Mother ako na lang."

Medyo malakas na ako kaya kaya ko na alagaan ang sarili ko.

"No...just let me feed you Sam. Ngayon nalang ulit kita naalagaan after many years mula nong umalis ka sa kumbinto."

"Marami na po kayong naitulong sa akin. Marami na akung utang sa inyo."

Napabuntong hininga na lamang sya saka ako tinignan ng malungkot.

The Survival SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon