Take 6: I Will Be. . .

22 1 0
                                    

Lanielle's POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa resto nung magulat ako sa nahulog sa ilalim ng sofa na inuupuan ko. Inaabot ko yung tsaka nilapag sa table ko. Wth? Ano to? Diary ng matanda? Halos matanggal na yung case!

Tumayo na ako tsaka lumabas. May nakaiwan siguro nito. Kung titignan yung notebook na ewan, halata naman na mahirap buksan. Kaso nabuksan ko kaagad eh. Para bang nabuksan ko na to dati.

Nung tumigil na ako sa paglalakad, napansin ko nalang na nasa garden pala ako. Kaya ayun. Umupo ako dun sa likod ng fountain.

Pagkabukas ko sa notebook, may nahulog na note sa damuhan.

나는 돌아올 것이다.

"Naneun dol-aol geos-ida? I will be back? Wth. Kakilabot naman tong notebook!"

"Akin yan."

Sht! Sino yon?!

Justin?!

"Ikaw nanaman?! Teka! Yung takip pala ng camera lens ko?!"

"Tsk. Sabi ngang wala sakin eh. Ilang beses ko bang dapat ulitin?"

"Hangang sa maamin mo!"

Lumakad ako papalayo sa kanya kasi unti unti siyang lumalapit. Pagkatapos ko ba namang basahin tong lumang notebook tas siya pala yung may-ari, sino ba naman yung hindi kikilabutan? Malay ko ba kung mangkukulam tong lalaking to!

"Bakit ka lumalapit?!"

Nagpout siya ng lips. Mangkukulam ba yang itsura Lanielle? Eh ang gwapo eh! Tumingin naman ako sa tinuturo niya. Ah. Yung notebook.

"Eto na!"

"Binasa mo ba?"

"Ah. Oo."

"Alin?"

"Yung note na nahulog. Nahulog eh! Anong magagawa ko?!"

"Eto?"

Hinugot niya yung note na nakaipit lang sa cover ng book.

"Yeah."

"So binasa mo. Edi naintindihan mo. Ano yung nakasulat?"

"Hindi ka nakakaintindi ng korean?"

"Wtf. Pilipino ako hindi koreano. Sagutin mo nalang tanong ko."

"Okay okay!"

Ang taray niya ah. Ahhh. Nakalimmutan ko na e. Teka teka. AH! Naalala ko na.

"Naneun dol-aol geos-ida, Justin"

"What?"

"I will be back."

Hindi ko maintindihan yung itsura niya nung sinabi ko yun. Pero nung sinabi ko yun? Para bang deja vu tapos kinilabutan ako. Sumpa ata yung nasabi ko. HAHAHA

"Mangkukulam ka ba?!"

"Ha? Ako?"

"Bakit may ganyan ka?"

"Hindi akin to. Sige. Bye."

Iniwan niya ako doon sa may garden. Oh well papel. Lahat naman ng tao may sariling weirdness. Diba?

BLABLABLABLABLBALBATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon