pulang naging abo

115 0 0
                                    

sa anino ng mahamog na alapaap
bumabalik ng tunog na nakalipas
ang mga pulang nagmistulang abo
any ikot ng pagsintang naging huwad na laro

yaong mga panahong binabaha ako ng mga ngiti sa saya
sumasayaw sa hangin ang aking mga pas
hanggang sa di namamalayang pudpod na pala
ang tsinelas ng pangakong lagi kong dala

at kasabay ng aking paghinto
nabatid kong ikay nakayuko
hawak any patalim na ginto
na unti unti mong ibinabaon sa aking puso

ramdam ko ang kutsilyong nakatarak
unti unting pumupunit at kumakalat
ang dugo ng pag ibig ko sayoy dumadanak
sa lupa ng may mga letrang hindi pala sapat

A letter for your soul (Spoken Word poem english&tagalog)Where stories live. Discover now